"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...
Teka. Ano ba gagawin ko? Yung mga gamit... Tama yung mga gamit muna. Ay, hindi. Si Denise muna. Tama si Denise muna.
"DALLAS ANO BA? UGHHH! PA-IKOT IKOT KA PA DYAN! MANGANGANAK NA KO!!!"
"Ito na. Breathe, love."
Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas kong buhatin yung asawa ko pababa eh ang laki nito buti di kami natumba.
"BAM! YUNG KOTSE DALI!" dali dali namang sumunod si Bam at mulang natataranta na din.
"Manang paki sunod ho yung gamit nila Denise sa hospital. Paki tawagan na rin ho sila daddy."
Utos ko sa kasama namin sa bahay.
"Sige na, Dallas. Kami na bahala. Dalhin ninyo na yan si Denise sa hospital." sabi ni manang habang nagddial sa phone, tinulungan naman ako ni Bam na isakay si Denise sa kotse.
"Bam, pakibilisan naman oh!"
"Yes, master!
"ARGHHH!" sigaw ni Denise na mukang sobra talaga syanb nasasaktan, naaawa tuloy ako sa asawa ko.
*PAK*
"Aray love! Wag ka naman manampal!" Ang sakit nun ah!
"Ang sakit sakit na Dallas!! Bilisan nyo!!" sigaw nya na may halong panggigigil
"Ouch. Ano ba, Denise?" Kinurot naman niya ako ngayon
"Chill, ok? Inhale, exhale. Inhale, exhale." Sabi ko sa kanya.
Patience, Dallas. Patience.
~
"Ughhh. Love, ang sakit!!!" Umiiyak na sabi ng asawa ko
"Konting tiis lang. Para kay baby, please."
"Ok, misis pag sinabi kong push, push ah." Sabi ni doc kay Denise
"1...2...3... PUSH!!!"
"ARGHHHH!" Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko habang tinitingnan ko sya parang napapairi na din ako habang nakikita ko syang nasasaktan
"1...2...3... PUSH!"
"ARGHHHHHH"
*PAK*
"OUCH! DENISE NAMAN!" Sinampal na naman niya ako tapos humawak ulit sa kamay ko
"Ayan na. Malapit na. Last one. 1...2...3... Push!"
"ARGHHHHHHHH!!!!"
"Uwaaaah.... Uwaaah... Uwaaah..."
TANGINA SURREAL!!! Yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko nang marinig ko yung boses ng anak ko, naiiyak ako sa tuwa na diko maintindihan.
"It's a healthy baby boy!" YES!!!
"Love, narinig mo yun? Baby boy daw! Yes! I love you so much, wifey!" Hinalikan ko yung noo niya at napatingin kami parehas kay baby nang itabi sakanya ni doc.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.