Denise's POV
Hawak na ni Dallas yung result ng DNA. Hinihintay na lang namin na sabihin nya kung...
"Positive." Ayun na nga. Positive. Anak nya talaga si Drake.
"Love, are you okay? Denise?"
"Huh? Yeah."
"You sure?"
"Yeah. I'm fine, love." Okay lang ba talaga ako? Hayyy.
"Alright. I lo---"
"Dadaaaa!!!" Ayan na sya. Simula nung bumalik sila galing Batangas madalas na silang pumupunta ni Sanya dito sa mansyon.
"Hey, Drakey!"
"Let's play, dada!" Lumingon naman sakin si Dallas. Tinanguan ko na lang. Lagi naman ganyan eh.
"Okay, tara. May binili akong bagong toys para sayo."
"Masyado mo naman inii-spoiled tong anak NATIN." Oh, well. Kilala nyo na kung sino yung epal na yan.
"Ayos lang yan. Bumabawi lang ako kay Drake." Aba. Sumagot pa ang loko!
"Hay nako. Bestie, tara magpa-spa na lang tayo." Aya ko kay Bianca
"Teka, aalis kayo, love?"
"Oo, wala naman kaming gagawin dito. Maglaro na lang kayo ng anak NIYO." In-emphasize ko rin para makaramdam naman tong magaling kong jowa.
Nawawalan na ng time sakin si Dallas. Nung una okay lang eh kaso ngayon hayyy ewan. Positive pa yung result! Kakainin ko yata yung sinabi kong okay lang sakin kahit may anak sya! Hindi na nga kami nakakapagmake love! Nakakainis.
"Samahan ko na kayo, Denise." Buti pa si Ketchup. Laging nakabuntot kay bestie!
"Ano naman gagawin mo dun?"
"Babantayan kita my loves."
"Mukha mo! 'Lika na nga bestie!" Hatak sakin ni Bianca. Walangyang Dallas hindi man lang ako pinigilan!
Dallas' POV
"Wow! Akin po lahat to, dada?" Manghang sabi ni Drake nang makapasok kami sa room na puro laruan.
"Yes, baby. Nagustuhan mo ba?"
"Opo. Thank you." Niyakap at hinalikan ako nito tsaka nagtatakbo at inisa isa yung mga toys nya.
"Hindi ba nagseselos yung girlfriend mo?" tanong sakin ni Sanya
"Huh? Hindi naman siguro."
"Sure ka? Parang hindi sya masaya na andito kami eh."
"Uh. Hindi sya masaya na andito ka siguro pero si Drake okay lang." sabi ko. Natahimik naman sya.
"Drake, ano gusto mo laruin natin?"
"Lego!!!"
"O'ryt! Lego it is!" Bumuo na nga kami ng mga lego. Maraming design to eh. Sumasakit na yung ulo ko pero si Drake mukhang enjoy na enjoy. Si Sanya pinapanood lang kami.
Denise's POV
Nagcocoffee kaming tatlo ngayon. Libre ni Chup kaya go lang kami ni B. Dito muna kami bago sa spa. Thirdwheel-ing ako sa kanilang dalawa. Medyo bumibigay na si bestie kay Chup eh.
"Selos ka no, bestie?"
"Hindi ko alam, B."
"Denise, wag ka magselos. Alam naman natin na mahal ka nun ni Dallas. Kumbaga bumabawi lang sya dun sa bata. Five years din nya di nakasama yun." sabi naman ni Ketchup
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fanfiction"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...
![Deep Breaths [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/119584168-64-k736504.jpg)