Jason's POV
Matapos akong talunin ni Dallas ay lumapit ako kay Aljur. Nabalitaan kong nakaalitan na naman pala nila yung grupo ni Dallas sa bar nung nakaraan.
Kanina pa namin sila sinusundan. At mukhang dumidiskarte pa tong gagong to kay Denise. Di ako papayag. Sa akin lang si Denise. Sa akin lang.
Dallas' POV
Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Lord naman bat ngayon pa? Sinenyasan ko si Chup na mag bill out na. Na-gets naman nya agad tsaka tinawag yung waiter.
"Ah girls, excuse lang pero mauna na kami sa inyo."
"Kailan tayo magkikita ulit baby?" tanong ni Andrea sakin at napatingin naman silang lahat sakin.
"Baby?!" rinig kong sabi ni Denise.
"Ha? Di ko alam eh. May girlfriend na kasi ako."
"Diba ako yung girlfriend mo?" Tanong ni Kim
"Ako kaya yung girlfriend nya diba baby?!" Sabi naman nung isa sabay flaunt ng papaya nya.
"May sinabi ba kong girlfriend ko kayo?"
"Tara na love. Guys, let's go!"
"Teka, paps! Yung sukli ko."
"Hayaan mo na yan! Mayaman ka naman eh." sabi ko na lang
Paglabas namin ng resto iba yung pakiramdam ko. Parang may nakamasid samin.
"Iba ka talaga, paps!"
"Grabe, paps. Yun ba yung papaya't pakwan?" tanong ni Ruru sakin
"Nakakaloka. Nanliit ako don, bestie!" sabi naman ni Bianca
"Ako rin, B. Parang ako yung nabibigatan sa kanila." si nerdy naman yung nagsalita
"Ganoon ba mga type mo, Dallas?" Napatingin ako kay Denise.
"Hindi. Di ka naman ganon, diba? Ikaw lang ang type ko Denise." nag blush sya sa sinabi ko hihihi
"Sinong magaling magdrive sa inyo?" Tanong ko sa tatlong babae. Iba talaga pakiramdam ko. I smell trouble.
"Si Denise, racer sya eh." si Solenn ang sumagot
"Bakit?" di ko sya sinagot. Kinuha ko yung susi ng pick up sa bulsa ko at pa-simpleng inabot sa kanya
"Ikaw magdrive. Sumakay na kayo don. Start mo na. Lock nyo yung mga pinto ah?"
"Paps." Tawag ni Ketchup mukhang alam na nya nagtanggal na ng polo eh. Si Ruru naman hinubad na yung jacket na suot nya kanina.
"Paano kayo?" Tanong ni Denise
"Basta. Paandarin mo ng mabilis pagsampa namin sa likod, okay?" sabi ko na lang at pinasakay na sila
"Paps, bilis!"
"Bianca, andyan yung phone ko sa loob. Birthday ko yung password, hanapin mo yung number ni Alwyn. Sabihin mo pumunta dito asap. Sabihin mo rin na tawagan nya rin yung iba."
"Huh?! Eh ano ba birthday mo?" napa-face palm naman ako, di nga pala kami close nitong babaeng to.
"June 9, 1989"
"Got it! Pero ano ba nangyayare?" tanong ni Bianca na kinakabahan
"Basta sumakay na kayo." Sabi ko habang tinatanggal yung leather jacket ko "Yung lock ah." paalala ko pa sa kanila
BINABASA MO ANG
Deep Breaths [COMPLETED]
Fanfic"For the first time I've found someoneI hate leaving. I've found someone I can't get enough of. I've found someone that accepts me for who I am and doesn't tell me I need to change. I think I've found someone who I can fall madly inlove with. I want...