MERRITT CRUSSET

11.9K 124 0
                                    


"Magugustuhan niya kaya ang tulad ko?"

Nakaharap ako sa salamin at tinititigan ang aking kabuuan.

Nanlumo ako saaking nakikita.
"Bakit kasi ang pangit ko."

Inilapit ko sa salamin ang aking mukha. "Kung makinis lang siguro itong mukha ko siguro kakaganda ako ng kaunti."

Kinuha ko ang ointment para malagyan ang aking pimples.
"Bakit ba ayaw niyong mawala?"

Nang matapos kung malagyan ng ointment ang aking pimples ay lumayo uli ako upang matingnan ang aking sarili ng buo.

"Kung maputi lang sana ako maganda kaya ako?" Napatingin ako saaking braso.

"Bakit kasi brown ang kutis ko."

Napaupo ako sa kama.

"Sana mayaman nalang kami. Sana marami kaming pera para mapaganda ko ang aking sarili."

Napahiga ako sa kama sa sobrang panlulumo. "Lord, ano ba ang misyon ko sa mundong ito? Hindi naman ako maganda, hindi kami mayaman. Salot lang ako sa lipunan."

Biglang pumasok ang aking mama.
"Merritt, hindi ka ba papasok sa school ngayon?"

"Absent muna ako, Ma."

Lumapit at umupo sa aking tabi si mama. "Anak, kailangan mong mag aral."

Napa-upo ako at humarap sa kanya. "Ma, wala na nga tayo pambayad sa paaralang iyon hindi ba?"

"Anak, gagawan ko ng paraan iyon. Tatanggap ako ng maraming labada para lang may baon at pambayad ka sa school."

Kumurot ang aking puso sa sinabi. "Ma, titigil na ako. Hindi ko kayang tingnan kang naghihirap sa paglalabada."

Namasa ang mata ni Mama at napayakap saakin. "Anak, may sasabihin ako sayo."

"Ano po iyon?"

Unti-unting tumulo ang namumuong luha ni mama. "Mag a-abroad ako anak."

"Ano?!"

"Nag apply na ako. Sa awa ng diyos ay may tumanggap naman saakin."

"Baka scam 'yan ma."

"May agency kami anak."

"Saang lugar?"

"Sa america, anak. Kaunti lang ang mapapalad na mapiling makapunta at makapag trabaho doon."

Hindi ko na napigilan ang pag iyak.
"Iiwan niyo ako?"

"Anak, 18 anyos ka na."

Napahagulhol na ako. "Mama, naman. Tayo na nga lang dalawa iiwan mo pa ako?"

"Anak, para rin naman saatin ito."

Nagyakapan kaming dalawa.

"Basta mag iingat ka doon, Mama ha' at tatawag ka parati."

"Oo, naman."

Hinaplos niya ang aking likod. "Wag ka muna mag boyfriend ha' naku makukurot ko talaga iyang singit mo."

Natawa ako sa kanyang tinuran.
"Naku, Ma! Wag kang mag-alala. Walang magtatangkang manligaw sa katulad ko."

"Bakit naman? Eh, ang ganda ganda nga ng anak ko."

"Naku, ma! Lahat ng magulang sinasabing maganda ang mga anak kahit na hindi totoo."

Sabay kaming natawa.

"Wag kang mag-alala Ma, gaganda din ako."



CharlotteYuki

Merritt Crusset (Beauty is Inside)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon