12

3.6K 77 0
                                    


Kasalukuyan akong nakahiga saaking kama.

"Magiging professor ko si Daniel."
Tinakpan ko ng unan ang aking mukha. "Paano na to?"

Dinampot ko ang aking cellphone. "Alas-onse na pala. Kailangan ko ng matulog dahil first day ko bukas sa paaralang iyon. Hindi ako pwedeng ma-late."


MAAGA akong gumising at nag-ayos. Kumpleto na rin ang gamit ko.

Makailang segundo lang ay narating ko na ang paaralan. "This is it!"

Tiningnan ko ang papel na binigay saakin nung nagpa-enroll ako nandoon kasi ang room number ko.
"Room 4."

Nilibot ko ang aking mata. "Ayun."

Mabilis ko iyong nakita. Pumasok ako doon at humanap ng pwesto.

Lahat ng seats sa harap ay occupied na. Gusto ko pa naman sanang sa harapan umupo para marinig ko ng maayos ang tinuturo.

May lumapit saakin. "Hi. Are you a new student?"

"Yes..."

Ngumiti ito. "Do you want to be my seat mate?"

Itinuro niya kung saan siya nakaupo. "I sit there..." nasa pangatlong row iyon.

"Uhm... Sure, Thank you!"

"You're welcome."

Tinungo ko iyon at umupo. Sumunod naman iyong babae. "I'm Zafarah." Inilahad niya ang kanyang kamay.

"Merritt." Ngumiti at nilahad ko din ang aking kamay.

"Hmn... let me guess." Tila siya nag iisip.

"Are you Asian?"

Tumango ako. "Yes."

Napa-appear siya sa kanyang sarili sabay turo saakin. "Filipina?"

"Yes."

Napatawa na siya. "I was right!"

Mas lumapit pa ito saakin at naupo katabi ko. "Magkakasundo tayo!"

Bahagya pa akong nagulat ng magsalita ito ng tagalog. "Pinay ka din?"

"Hindi ba obvious?"

"Hindi, eh."

"Okay lang yun! So, friends?" Inilahad niyang muli ang kamay.

Sinagot ko naman iyon. "Friends."

"Good morning, sir!" Bati ng lahat.

Napatingin ako sa kakapasok lang na tao. Nanlaki pa ang aking mata sapagkat hindi ko inaasahan na siya ang magiging unang Instructor namin.

Siniko ako ni Zafarah. "Ang guwapo niya noh."

Ngumiti na lamang ako.

"Uh. Zafarah siya ba ang unang instructor natin?"

"Zaf, nalang total magkaibigan naman tayo. Oo."

Napapikit nalang ako sa hindi ko maintindihang nararamdaman. Bakit ba ako kinakabahan?

"So, I heard we have a new student." Nag echo iyon sa buong classroom.

Yumuko siya na tila may binabasa sa kanyang class record. "Miss Crusset?"

Agad akong tumayo kahit kinakabahan. Napabuntong hininga ako sa sobrang nerbyos.

Tiningnan nila akong lahat. Napatingin din ako kay Sir Daniel.

Hindi ko maipaliwanag ang kanyang mukha, blangko ang kanyang expresyon.

"So, are you Miss Merritt Crusset?"

Tumango ako at sinalubong ang kanyang titig. "Yes, sir."

"Alright, then. You may take your sit."

Naupo ako habang nanginginig parin ang tuhod. Hinawakan ko ang aking puso. Bakit ka ba kinakabahan? Bakit ang lakas ng tibok mo? Nakakainis ka ha.

Natapos ang klase ngunit lutang parin ako. Nakinig naman ako pero hindi lahat pumasok sa utak ko.

"So, sabay na tayo mag lunch?" Aya ni Zaf.

"Okay."

Ang laki naman pala ng school canteen dito. Kung sabagay magkahalo kasi ang high school at ang college kaya siguro malaki.

Nakahanap kami ng pwesto at doon naupo. Umorder na rin kami ng makakain habang nag uusap.

"So, how long you've been here?"

"Hmn.. Mag se-seven months na."

"Ah. So saan kayo nag s-stay?"

"Nagre-rent lang kami ng apartment ng mama ko."

"Your with your mom? Ano work niya?"

"Katulong."

"Ah. Great! So may balak ka pa bang umuwi ng pilipinas?"

"Hindi ko pa alam." Ininom ko ang juice. "Siya nga pala, ikaw gaano ka na katagal dito?"

"Hmm... mga 6 years na."

"Matagal ka na pala dito. Ano work ng mom mo?"

"We have our own business here."

"Naku! Zaf. Rich kid ka pala eh."

"Naku! Hindi noh." Tumawa siya. "Gusto mo pumunta sa bahay namin minsan?"

"Hmn. Sure!"

"Wala ka bang mga kaibigan dito?" Ani ko.

"Hmn... wala pa masyado, bago lang din kasi ako sa paaralang ito. Isang buwan pa lang."

"Talaga?"

Tumango ang babae. "Pina-transfer kasi ako ni Mom dito kasi nandoon iyong..."

"Iyong, ano?"

Lumungkot ang kanyang mukha. "Iyong... Mahal ko."

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Naiintindihan ko, ayaw ba ng Mom mo sa kanya?"

"Oo, eh." Tumulo ang kanyang luha.

Pinunasan ko iyon gamit ang kamay. "Wag kang mag alala marami ka pang makikilala."

Ngumiti siya ng konti. "Hindi mo ba itatanong kung bakit ayaw ng Mom ko sa kanya?"

Umiling ako. "Hindi na, masyado ng private iyon."

"Alam mo, magkakasundo talaga tayo! Totoo kang kaibigan." Sumaya ang mukha ni Zaf.

Pabalik na kami sa aming room ng naramdaman kong gusto kong umihi. "Zaf, Restroom lang ako. Gusto mo sumama?"

"Hindi na. Hihintayin nalang kita sa room."

"Sige."

Dali-dali akong nagpunta sa banyo upang umihi. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng banyo.

Mga apat na rooms pala ang madadaanan bago mo maabot ang banyong ito.

Dahan-dahan akong naglakad patungong classroom ng may humila saaking kamay.

Ipinasok niya ako sa walang taong room na ito. Sisigaw na sana ako ng tinakpan niya ang aking bibig.

"It's me."

Nagulantang ako sa nakita. Binawi niya ang kanyang kamay. "S-sir?"

Hindi ako makapagsalita dahil sa guwapo ng kanyang mukha. Bahagya akong napalunok.

"Sir Daniel, Bakit?"

Nakatitig lang siya saakin ng bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Kaunti nalang ay mag aabot na ang aming mukha.

"I know, it's you." Bigla niya akong niyakap. "I miss you..."

Merritt Crusset (Beauty is Inside)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon