1

7.1K 95 2
                                    

AFTER 2 YEARS...

"Anak, okay na ba ang passport mo?"

Palihim kong hinablot ang Passport na nasa aking bag.

"Tadaaa!"

Natawa si mama. "Mabuti naman kung ganoon. Ako ng bahala sa visa mo anak."

Tumango ako. "Okay, Ma!"

"Magkano ba iyang nirerentahan mong apartment diyan, Ma?"

"$500 a month, anak. Pang dalawang tao na."

"Iyan na ba ang pinakamura?"

"O,"

"Ok!"

"Nakausap mo na ba ang boss mo?" Ani mama.

"Hindi pa po, eh. Pero kakausapin ko din iyon pag ready na ang Visa ko."

Napatingin ako sa oras. "Oh, sya! Pasok na ko sa work, Ma."

"O, sige. Anak. Mag ingat ka."

"Okay, Ma. I love you!"

In-end ko na iyong Video call at naghanda na para sa trabaho.






"Good morning!" Masiglang bati ko sa kapwa ko tagalinis dito sa opisina ni Mr. Gao ang boss naming intsik.

Hindi man kalakihan ang opisina nito ay sakto naman ang sahod na binibigay saamin ng intsik.

"Hoy, Merritt. Late kana naman. Patay ka kay Lily." Ani Kathy ang sipsip sa anak ni Mr. Gao na si Ms. Lily Gao.

Asar' talaga ako sa babaitang ito. Ang sarap kurutin gamit ang nail cutter.

Napabuntong hininga ako. "Hindi naman niya malalaman kung hindi mo isusumbong."

Inikutan niya ako ng mata. Bruha talaga!

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko."

"Sipsip 'kamo." Mahina kong bulong pero sigurado akong narinig niya iyon.

"Ano?!"

"Wala!" Singhal ko.

Lumapit si Janet ang nag iisang katuwang ko. "Saan ka ba nanggaling?"

"Nag video call kasi kami nag Mama ko."

"Ganoon ba."

Tumango ako.

"Mapapagalitan at lalaitin ka na naman ni Lily niyan." Nag-aalalang sabi ni Janet.

Ngumiti ako. "Naku! Hayaan mo siya, malapit na rin naman akong umalis dito."

"Maghahanap ka bagong trabaho?"

"Mag a-abroad ako."

Nanlaki ang bilugang mata ni Janet.
"Ano? Saan naman?"

"Doon sa America, ipapasok ako ni mama doon sa pinagta-trabahuan niya."

"Talaga? Buti ka pa. Malaki daw ang sahod doon."

"Oo nga eh."

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Lily.

Matiim niya akong tinitigan at dahan dahang lumapit. "Late kana naman!"

Nanatili akong tahimik

"Ikaw na pangit ka, hindi kana nga maayos mag trabaho parati ka pang late!"

Hindi maayos mag trabaho? Bruha to' kung alam lang niyang hindi nag ta-trabaho iyang mga alipores niya na sige lang dutdut sa mga cellphone. Lalo na iyang si Kathy.

"Isang late nalang, at magsabalutan ka ng pangit ka!"

"Yes, ma'am."

Dinuro niya ako sa noo. "Ang mga katulad mong dukha at pangit ay dapat ang kalsada ang nililinis, pasalamat ka at tinanggap ka pa dito."

Titiisin ko na muna ang panlalait ng bruha na 'to saakin. Hindi na rin naman ako magtatagal dito.

Ngumisi si Lily. "Palibhasa galing sa mahirap na angkan. Sisihin mo ang mommy mo kasi hindi siya-

"Wag mong isali rito ang Mama ko!"
Pinanlisikan ko ng mata ang maldita.

"Totoo naman! Puro kalandian lang kasi ang alam. Dapat ay nagpursigi siya para hindi kayo mahirap!"

Hindi ko na kayang tiisin ang pagka maldita ng babaeng ito. Wala siyang karapatan na isali ang mama ko ng dahil lang sa na-late ako ng sampung minuto. Kahit kailan ay hindi ko sinisi ang mama ko sa kalagayan namin ngayon.

Sa galit ko ay nasampal ko ang bruhang si Lily.

Nagulat ang maldita sa ginawang pagsampal ko sa kanya maging ang mga kasamahan kong tagalinis ay nanlaki ang mata. Wala pa kasing nagtangkang pumatol sa malditang ito, ako pa lang.

Sapo nito ang kanyang pisngi.
"Ang lakas ng loob mong sampalin akong dukha ka!"

Hindi nagpapigil ang aking luha.
"Wala kang karapatan na sisihin ang Mama ko sa kalagayan namin ngayon!" Basag ang aking boses.

"Dahil kahit kailan, hindi ko siya sinisisi bagkus ay minahal ko pa siya dahil pinalaki niya ako ng maayos! Kahit mahirap lang kami ay may mabuting loob naman kami. Hindi katulad mo na mahilig mang api sa mga mahirap. Bruha ka!"

Sinugod ko siya at sinabunutan.
"Maldita ka!" Napahiga ito sa sahig.

"Ano! Puro ka lang pala salita." Sinampal ko siya ulit sa kanan.

"Wala na akong paki-alam kung tanggalin mo ako dito sa lintek na trabahong ito!"

Sinampal ko siya sa kaliwa niyang pisngi. "Matagal na akong nagtitimpi sayo! Bruha ka!"

"Tama na! Baka masugatan ang mukha ko!" Ani ng maldita.

"Tulungan niyo ako! Kathy!" Sigaw nito.

Tiningnan at Pinandilatan ko ng mata ang sipsip niyang alipores.
"Sige! At nang sabay ko kayong balatan ng amo mong kampon ng kadiliman!"

Napaatras si Kathy. Mukhang natakot ito saakin.

Hinawakan ko at pinisil ang magkabilang tenga ni Lily. "Wag na wag mo na ulit isasali ang mama ko sa mga panlalait mo saakin, bruha ka! Kung ayaw mong masira ang pinaghirapan mong mukha! Maliwanag ba?!"

"O-oo na! Tama na..." makaawa ng bruha.

Galit akong tumayo ng may biglang pumasok.

"What's going on here?" Ani ng isang baritonong boses.

Sabay sabay kaming napatingin sa kung sino iyon.

Isang guwapong lalaki at ang Ama ni Lily. Lahat ng mga kasamahan namin ay nagulat maliban saakin. Hindi na ako magtataka kung ako ang idiin ng mga ito na ako ang nagsimula ng away.

Lumapit ang guwapong lalaki at si Mr. Gao.

Tumayo si Lily at yumakap sa guwapong lalaki.

Lumapit saakin si Mr. Gao.
"Ikaw, ano gawa mo kay Lily?"

Tiningnan ko ang maldita na mahigpit na nakayakap sa lalaki at umiiyak. "Dad, sinabunutan niya ako. Pinagsabihan ko lang naman siya dahil parati siyang late." Humihikbi ang bruha.

Napapikit ako. Wala na akong magagawa kung tanggalin man ako ni Mr. Gao sa trabaho ko. Ang galing umarte ng anak niyang maldita, eh.

Tinuro ako ni Mr. Gao. " Ikaw punta office, usap tayo doon."

Kasabay noon ay lumabas na si Mr. Gao, sumunod naman ang kanyang anak na bruha.

Napatingin ako sa guwapong lalaki.
Ngumiti ito saakin. "Alam kong hindi ikaw ang nagsimula nito." Kasabay noon ay lumabas na rin ito.

Nangunot ang aking kilay.

Ano ang ibig niyang sabihin doon?

Merritt Crusset (Beauty is Inside)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon