"Good morning po, Ma'am and sir." Bati ni Mama sa kadaraan lang sa aming harapan.
Patuloy ako sa paghahanda ng pagkain ng pamilya Dominguez. Habang si Mama naman ay naglilinis.
Nang sulyapan ko si sir Keilev ay nakatalikod ito. Hindi ko talaga siya namukhaan kahapon. Akalain mo namang siya pala iyong ni-search ko sa Facebook tapos hindi ko man lang namukhaan noong magkaharap kami.
Iba kasi ang dating niya sa personal. Mas guwapo.
Nagpatuloy ako sa paghahanda. Ihahatid ko na ito doon sa mesa nila baka gutom na sila.
Pagka-angat pa lang ng mukha ko ay kamuntik ko ng maihulog ang dala kong pagkain.
"Hi!" Bungad saakin ni Kiana.
Napabuntong hininga ako sa kaba. "H-hello, Good morning ma'am." Ngumisi ako ng tipid.
Ngumiti rin ang magandang dalaga. "Sumama ka saakin mamaya."
"Saan po?"
"Pupunta sa Salon."
Tumango ako. "Okay po, ma'am."
"Naku! Wag mo na ako tawagin ma'am or po."
"Pero-"
"Kian nalang..."
Wala na akong magawa kung hindi ang sundin ang babae. "Okay, Kian."
Ngumisi siya. "Much better."
Pagkahatid ko sa pagkain ay dumiretso ako kay Mama. Abala ang aking ina sa pagkain nag a-almusal ang mga maids. Kaya nag-almusal na rin ako.
Umupo ako katabi si Mama. "Ma, sasama ako ni Kiana mamaya papasalon siya."
Nilunok niya muna ang pagkain bago nag salita. "Ok."
"Tsaka bakit Kiana lang tawag mo sa kanya? Baka mapagalitan tayo."
Sinenyasan ko siya ng hindi dahil umiinom ako ng juice. "Siya nagsabi nun. Kian lang daw itawag ko sa kanya."
"Ganoon ba." Bigyan mo nga ako ng juice. Inabot niya ang kanyang baso at sinalinan iyon.
Nagsuot ako ng puting T-shirt at High waisted denim jeans. At Sneakers naman ang pang ibaba ko.
Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa malaking salamin habang inaayos ang buhok. "Medyo pumuputi na pala ako. At nawawala na iyong mga tigyawat ko."
Tiningnan ko ang aking balat. "Hindi kasi naaarawan, e."
Pansin ko ding hindi ako tumataba. Iyong baywang ko ay maliit parin at matambok pa din ang aking puwet.
Namana ko itong magandang katawan kay Mama. Hanggang ngayon, e. Sexy parin ang mader ko.
Bumalik na ako sa Mansion at hinanap si Kian.
Nasaan na kaya siya?Pumunta ako sa living room at wala siya roon. Pinuntahan ko din ang kanyang kwarto pero wala rin siya.
"I told you, I don't like her!" Rinig kong sigaw boses babae.
Tinungo ko kung saan iyon nagmumula. Mukhang sa kwarto ni Keilev.
Mas lumapit pa ako hanggang sa maabot ko na ang pinto at doon nakinig.
"I won't force you to like her." Boses iyon ni Keilev.
"Kuya, kahit sinong babae wag lang siya."
"I love her, Kian." Mahinahon lamang ang kanyang boses.
"I hate you! I hate her!" Sabay dinig ko ng yapak papalabas sa pinto kung saan ako naroroon.
Dali-dali akong tumakbo papuntang living room. Hingal akong napaupo doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/119806347-288-k924588.jpg)
BINABASA MO ANG
Merritt Crusset (Beauty is Inside)
General FictionRemember that beauty is inside. |R18