Napabalikwas ako ng bangon dahil sumama ang tiyan ko. Agad akong nagpunta sa banyo at doon sumuka.Ano ba ang nakain ko kahapon?
Hilo akong bumalik saaking kama.
Sakto naman na tumunog ang aking cellphone. "Hello?"
"Anak! Kumusta kana diyan? Umuwi na ba si Keilev?"
"Hindi pa po, ma. At hindi rin maganda ang pakiramdam ko."
"Nagpacheck-up kana ba?"
"Hindi pa."
"Magpa check-up ka ngayon."
"Opo."
Isang buwan ng nakakalipas mula ng umalis si Keilev pabalik ng States. Maayos naman ang communication namin na dalawa. Katulad ng pinangako niya ay araw araw siyang tumatawag. At naging busy ang schedule ko.
Hindi nga lang maganda ang pakiramdam ko lately. Tuwing umaga sumusuka ako tapos medyo nahihilo rin ako minsan.
Tama si Mama. Kailangan ko ng magpa check-up.
Maaga akong pumunta sa Clinic upang magpacheck-up. As usual hindi na naman maganda ang pakiramdam ko.
"Good morning, doc."
"Good morning! Maupo ka." Ani ng doctor.
Sinabi ko sa doctor ang mga nangyayari saakin. Kung bakit ako nahihilo at nagsusuka.
"Kailan ang huli mong regla?" Tanong ng doctor.
"Hindi ko na po maalala, doc. Eh. Ang pagkakaalam ko dapat ay datnan ako last week pero wala. Delay siguro ako."
"Halika sumama ka saakin." Ani ng doctor.
Pinahiga niya ako. "Um. Doc. Ano pong gagawin niyo saakin?"
"Ultrasound."
"Huh? Pero—
Natutop ko ang aking bibig.
May inilagay siya sa tummy ko at tiningnan ang monitor. "Tama ang hinala ko, iha."
"Po?"
"Congratulations! You're six weeks pregnant."
Nanlaki ang aking mata.
"Oh my God!"
Magiging Mommy na ako.
"Tingnan mo, iha." Tiningnan ko ang monitor. Naluha ako sa nakita. "Oh, God. My baby..."
"Look at this. Ito ang heart niya."
"Oh my God."
"Hindi pa natin makikita ang mukha niya dahil hindi pa siya fully develop. After 5 months balik ka ulit dito ng makita mo na siya ng buo." Ani ng doctor.
"Yes, doc."
"By the way, nasaan nga pala ang asawa mo?"
"Nasa states pa siya ngayon."
"Oh... I'm sorry. Just tell him the good news."
"Okay, Thanks doc."
Binigyan ako ng reseta ni Doc. Nancy para sa vitamins ni baby. Abot langit ang saya ko ng makauwi ako sa bahay.
Hinawakan ko ang aking tiyan. Hindi pa iyon masyadong halata. Flat parin kasi ang tummy ko.
"Baby, Let's call daddy and tell him the good news."
Di-nial ko ang number ni Keilev.
"Hello, love?" Sagot niya sa kabilang linya.
"Love..."
"Yes? What is it?"
"Love. I'm pregnant. Your going to be a daddy."
"W-what? Is that true?"
"Yes... Love, please umuwi ka na."
Narinig ko ang pag iyak niya. "Are you okay?"
"Yes.. I am just so happy. Thank you, love. Now, I am complete."
"Umuwi ka na, please?"
"I will... Magpapabook ako ng flight ngayon. Uuwi na ako."
"Thanks, love..."
"I can't wait to see you and our baby."
"Me too. Me too.."
Tanghali na ako nagising. Kung hindi pa tumunog ang aking cellphone ay hindi ako maaalimpungatan.
May message iyon.
'Hi. Love, meet me at the office. 2pm. I love you, gorgeous.'
Galing iyon kay Keilev.
Anong oras na ba?
11:35am?
Nag shower at nag-ayos ako bago umalis. 1:30 na ako natapos.
Alam niyo naman basta babae.
Makailang sandali lang ay nasa DMGZ building na ako. Alam kong nakauwi na si Keilev. Kaya hindi na ako magugulat kung nandito na siya.
May lumapit na employee saakin. "Hi, ma'am. For you..." May iniabot siyang rosas.
"Thank you!"
Nagsunod sunod iyon. Hanggang sa marating ko ang office ni Keilev.
"What is happening here? Ano nakain ng mga to' at binigyan ako ng maraming rosas."
Pumasok ako sa kanyang office. Hayun siya at nakatayo habang may dala-dalang isang bouquet ng white rose.
Nangunot ang aking noo. "What is this all about?"
Lumapit siya saakin. At ibinigay ang dala niyang white rose. "For you, gorgeous."
Napangiti ako. "Thank you!"
Lumuhod siya at may kinuha sa kanyang bulsa.
Binuksan niya iyon. "Will you marry me?"
Natutop ko ang aking bibig.
"God. I didn't expect this."
"I know. Gusto kitang surpresahin."
"Will you marry me?" Tanong niya ulit.
Tumingin ako sa kanyang mata. "Yes."
Lumiwanag ang kanyang mukha. "Yes?"
Tumango ako. "Yes. I will marry you."
Isinuot niya saakin ang singsing at tumayo. "I love you..."
"I love you too..."
Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha. Hanggang sa naglapat ang aming labi.
He was kissing me passionately. It was full of love and sincerity.
Kumalas siya at lumuhod ulit. Ipinantay niya ang kanyang mukha sa aking tiyan.
"Hi. Baby, I am your daddy. Nice to meet you. I'll promise to take care of you and mommy. I love you, baby."
Tumulo ang aking luha.
"Thank you for making me the luckiest woman in the world, Keilev. Thank you for everything. I love you so much, my love."
THE END.
A/n:
Hello, guys! Merritt Crusset (Beauty's inside) will gonna have special chapters. So watch out guys! Thank you for reading. Hope you enjoyed it!P.s don't forget to vote and leave a comment. Lol
Thank you guys! Xoxo
BINABASA MO ANG
Merritt Crusset (Beauty is Inside)
Fiction généraleRemember that beauty is inside. |R18