17

3.6K 58 2
                                    


MERRITT

"Good morning!" Masiglang bati ni Zaf.

Nginitian ko lang ang babae.

"Oh? Bakit parang wala kang gana diyan? Kumain ka ba?"

"Oo..."

"Yung totoo? Aba! Ang aga-aga ang tamlay mo."

"Oo nga, babaeng to!"

One week ng nakakalipas mula noong nagpaalam ako kay Keilev. Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita ni Ha ni Ho ay wala akong balita sa kanya.

Nakapagdesisyon na ako. Lalayo na ako sa kanya hanggat maaari. Ayokong makagulo sa kanila ni Carina.

"Merritt. Gusto mo ba maging model?" Out of the blue na tanong ni Zaf.

"Umm... Oo, kaso parang hindi yata ako qualified."

"Talaga?" Kuminang ang mata ng babae. "Merritt, please do me a favor."

"Ano naman?"

"Iyong kaibigan kasi ng Mom ko naghahanap ng modelo."

"Modelo ng ano?"

"Magazine model, clothes model. Basta model."

"Oh, tapos?"

"Hindi kasi ako interested. I'm not into modeling."

Tumaas ang isa kong kilay. "And then?"

"Gusto ko ikaw nalang pumalit saakin."

"Ano?! Hindi ko nga alam kung qualified ba ako, oh hindi. I'm not beautiful as you are."

"What are you talking about? Ang ganda ganda mo kaya!"

"Nagsisinungaling ka."

"I'm not!" Nilapit niya ang mukha saakin. "Please? Just give it a try."

"Eh, paano? Nag aaral pa ako."

Ngumisi ito. "Mag ho-home study ka and modeling at the same time."

"Seriously?"

Tumango ang babae. "Yup, Seriously. So... Deal?"

"Bigyan mo muna ako ng oras para makapag isip."

"Okay! I'll give you time til tomorrow. Para masabi ko na kay Aunt Lorena."

"Wait. What place I might be designated if ever?"

"Hmm... I think Germany."

"What?!"

"Don't worry, makakauwi ka parin naman kung hindi masyadong busy."

Pag iisipan ko muna ang alok na ito ni Zaf. Ayoko magpadalos-dalos kailangan ko munang kausapin si Mama patungkol dito.

Maagang natapos ang aming klase.

"Merritt, wanna go somewhere?" Aya ni Zaf.

"No, thanks. Uuwi na ako para kausapin si mama patungkol sa alok mo."

Matamis itong ngumiti. "Yes! Okay, sige umuwi kana. Then, sabihin mo agad saakin ang desisyon mo."

"Oo, na. Uuwi na." Pagbibiro ko.

"Gusto mo hatid na kita?"

"Wag na. Mag b-bus nalang ako. May pupuntahan ka diba?"

"Are you sure?"

Tumango ako.

"Alright! Bye. Take care. Call me ha!"

"Bye."

Merritt Crusset (Beauty is Inside)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon