2

5.6K 87 1
                                    


"Bakit mo saktan aking anak?"

Nasa loob ako ngayon ng opisina ni Mr. Gao, nakaupo ito sa kanyang swivel chair at sa gilid niya ang kanyang malditang anak at ang guwapong lalaki kanina.

Hindi ako nagsalita. Dahil alam kong hindi naman ako paniniwalaan ng intsik na ito. Mas paniniwalaan niya ang anak.

"Dad, paalisin niyo na ang dukha na 'yan dito." Sabi ng bruha.

Napatingin ang intsik sa kanyang anak. "Hindi ikaw kausap ko, kaya ikaw tahimik!"

Hindi na nagsalita pa ang bruha. Marahil ay takot ito sa Ama.

"Ikaw sagot aking tanong, Merritt." Mahinahong sabi ng intsik.

"Kasi po sabi niya na malandi daw ang mama ko."

Napatingin ang intsik sa anak. "Totoo ba 'yun?"

Umiling ang bruha. "Hindi, dad. Wag kang maniwala sa pangit na iyan!"

"Ok lang naman po saakin kahit na laitin niya ako at pagalitan dahil na late ako ng sampung minuto kanina, pero ang insultuhin niya po ang mama ko ay hindi po ka tanggap tanggap."

"Isa iyong malaking insulto, Mr. Gao." Ani ng guwapong lalaki.

Napatingin ako sa kanyang gawi.

Bakit niya ako kinakampihan? At bakit parang pamilyar yata ang kanyang mukha?

Napatingin din sa aking gawi ang lalaki. At sa hindi sinasadya ay nagtama ang aming paningin na dalawa.

Agad akong yumuko.

"Ikaw na bata ka alam ko ikaw maldita, ikaw mana iyo mommy. Ikaw din sinungaling."

Naguluhan ang bruha. "Ako sinungaling? Dad-"

"Narinig namin Daniel inyo away. Alam ko na ikaw simula."

"Ano?!" Sigaw ng maldita.

Napatingin uli ako sa lalaki. Daniel pala ang kanyang pangalan.

"Narinig namin ang pag insulto mo kay Merritt, Lily. Gusto na sana ni Mr Gao na pigilan namin ang away ninyo pero pinigilan ko siya." Ani Daniel.

"Mana ka talaga iyo mommy, sinungaling! Pag ikaw ulit pa ito ikaw tanggal doon ka nalang bahay!" Singhal ng intsik sa anak.

Umiyak ang maldita. "I'm sorry dad."

Napako saakin ang tingin ng intsik. "Oh, siya. Ikaw balik na trabaho, Merritt."

Bahagya akong napangiti. "Salamat po!"

Sinulyapan ko uli si Daniel. Nakatingin na pala ito saakin. Ngumiti ito, kinilig ako ng kaunti kaya nginitian ko din siya.







Kasalukuyan akong nag ma-mop sa sahig kasama si Janet.
"Mabuti na lang at hindi pinaniwalaan ng boss natin ang bruha niyang anak."

Napangiti ako. "Buti nga sa kanya, buti nalang talaga nandoon si Daniel."

Natigilan sa pag mop si Janet. "Sinong Daniel?"

"Iyong guwapong lalaki kanina."

"Tinulungan ka niya?"

Tumango ako. "Oo."

"Uy! Ikaw ha' bakit ka nag ba-blush?" Ani Janet.

Napahawak ako sa mukha. "Ha? Talaga?"

Natawa ng malakas si Janet. "Syempre joke lang! Crush mo siya ano?!"

Mabilis akong umiling. "H-hindi no!"

Merritt Crusset (Beauty is Inside)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon