4

4.7K 73 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang pumasok?" Ani Janet.

Hindi ako sumagot. Paano ko ba sasabihin sa kanya na kaya ako absent ng tatlong araw ay dahil ayaw kong makita si Daniel?

Nahihiya parin talaga ako doon sa nangyari na nakinig ako doon sa usapan nila.

"Huy! Ano ba nangyari sayo?" Kunot-noong tanong ni Janet.

Matamlay akong tumingin sakanya.
"Ah-eh. Nagkasakit kasi ako."

"Kaya pala parang matamlay ka ngayon."

Bumalik ako sa paglilinis ng sahig. Medyo wala talaga ako sa sarili ko ngayon dapat talaga di muna ako pumasok, eh.

"Merritt." Dinig kong sambit ng aking pangalan.

Nilingon ko kung saan nanggaling iyong boses. Namilog ang aking mata sa nakita. Patay...

Nagkunwari akong hindi ko siya napansin o nadinig. Pinagpatuloy ko ang paglilinis.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang lalaki saakin. "Merritt, I've been looking for you."

"Ah. Anong oras na ba? Tanghali na yata mag Lunch na tayo, Janet!"

"Alas dyes pa, Merritt. Mamaya na lang para di tayo mabilis magutom."

Lagot! Bakit ba hindi nakikisama ang babaeng ito.

"Merritt. Are you avoiding me?"

Pilit kong tiningnan si Daniel. Ang guwapo niya talaga! Mas lalo tuloy akong nahiya hindi makapag-isip ng maayos.

"Ah. Hindi naman sir. Ano, busy ako sa paglilinis."

Malungkot ang mata nito na nakatingin saakin. "Tatlong araw kitang hinahanap dito pero wala ka."

"Nagkasakit kasi ako eh."

"Merritt. Iyong narinig mo-"

"Naku! Wala po akong narinig, Sir. Promise." Sabay taas ko sa kanang kamay.

Ayoko na balikan pa ang pangyayaring iyon. Nakakahiya!

"Totoo?"

Tumango ako. "Opo, sir. Wala talaga."

Napatitig ako sa brown niyang mga mata. Puno iyon ng kalungkutan. Bakit kaya? Marami ba siyang pinagdadaanan?

"Gusto ko sanang magpasalamat sa pag dala mo saakin sa hospital."

"Wala iyon! Kahit sino naman gagawin yun."

"Gusto mo bang sabay na tayong mag lunch?"

Bahagya akong nagulat sa kanyang alok. "Ha? Ay, nako! Salamat nalang, sir. Nakakahiya naman.

"Please?"

Ang malungkot niyang mata ay tila nagbago. "Sabay kasi kami ni Janet."

"Okay lang na sumabay siya."

"Oo! Sasabay talaga ako! Basta sir, ikaw na bahala sa ulam ha." Ani Janet sa di kalayuan.

Bahagyang natawa ang lalaki. "Sure."

Wala na akong choice kung hindi ang pumayag. "S-sige..."

"Sunduin ko kayo mamaya!" Ngumiti ito pagtapos ay tumalikod na ito at umalis.






"LUNCH lang dinala mo pa kami dito sa mamahaling restaurant?" Tila di makapaniwalang saad ni Janet.

Ngumiti lamang ang lalaki.

Kinurot ko si Janet. "Aray!" Sigaw nito.

"Okay ka lang?" Tanong ni Daniel.

Salubong ang kanyang kilay na tumingin saakin. "Para saan iyon?!"

Merritt Crusset (Beauty is Inside)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon