25

3.7K 57 0
                                    

Naglapat ang aming labi.

Una akong kumalas. "Keilev. We still have a problem."

"Ano?"

"Si Daniel."

"Makipaghiwalay ka na sa kanya."

"Hindi ganoon kadali iyon. Napaka mabuti niyang tao, Keilev. He was my bestfriend."

"Gusto mo tayo na magsabi?"

Umiling ako. "No. I can handle this. I just need time."

"Okay..."

Nagyakapan kaming dalawa.




Maraming beses kong tinatawagan si Daniel bago niya iyon sinagot.

"Daniel? Can we talk?"

"Where?"

Papunta na ako sa restaurant na sinabi ko kay Daniel. I need to tell him the truth and I... need to break up with him.

Pagkadating ko doon ay siya agad ang aking nakita. Mag isa siyang nakaupo sa pinakasulok ng resto habang pinaglalaruan ang kanyang walang laman na baso.

Tinungo ko ang kinaroroonan niya. "Hi."

Ngumiti siya. "Hi."

Umupo ako sa kaharap niya. "I miss you, Superman..."

Nakatingin lang saakin ang namumungay niyang mata.

"Makikipaghiwalay ka ba?"

Hindi ko na napigil ang aking luha.
"I'm sorry. I'm sorry, Daniel. I like you, I care for you but I'm not inlove with you. I'm sorry..."

"I understand." Ngumiti siya. "Stop crying..." Pinahid niya ang aking luha gamit ang kanyang kamay. "I know that you still love him. It was my fault pinilit ko parin ang sarili ko sayo kahit na alam kong wala talagang pag-asa."

"Daniel... You're still my superman, right?"

Tumawa siya. "Ofcourse, Silly. Sorry kung hindi ko sinasagot ang tawag mo. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang sasabihin."

Hinawakan niya ang aking kamay. "But I decided to let you go. Hindi kasi kita matiis, eh. Hindi ko matiis na hindi sagutin ang mga tawag mo."

Ngumiti siya. "Stop crying, okay? Hindi dapat umiiyak ang magagandang babae na katulad mo."

"Thank you, Superman."

"You're welcome as always princess."

Nagulat kami ng biglang sumulpot si Keilev. "Bro. Thanks!"

Iniabot ni Keilev ang kamay kay Daniel. Tumayo si Daniel at nag shake hands ang dalawa.

"Wag mo siyang paiiyakin. Keilev. Kung hindi kukunin ko siya sayo."

"Never gonna happen."

"Mauna na ako." Paalam ni Daniel.

"Superman. Salamat."

Ngumiti lang siya at tumalikod na.

Niyakap ako ni Keilev. "Thank God at wala na tayong p-problemahin."

"Meron pa."

"Sino?"

"Si Mama— siguradong magugulat iyon."











Maaga kaming bumyahe ni Keilev papunta sa Cavite. Doon kasi kasalukuyang nakatira si Mama.

"Love, ano kayang magiging reaction ni Mama."

Napatawa ako. "Aba, nakikimama kana ha."

"Bakit masama ba?" Mapagbirong turan niya.

"Di joke lang."

"For sure. Magugulat iyon."

Narating na namin ang bahay. Pinindot ni Keilev ang doorbell.

"Sino iyan?" Rinig naming sigaw ni Mama.

Pagbukas niya sa gate ay bakas sa mukha ni Mama ang laking pagkagulat. "A-anak?" Napatingin din siya sa katabi ko. "K-keilev?"

"Hi, ma! I miss you..." Sabay akap ko sa kanya.

"Ang ganda naman nitong anak ko."

"Ay, naku ma. Lahat naman ng magulang sinasabi iyan sa mga anak nila."

Sabay kaming natawa na tatlo.

Pumasok kami sa bahay. "Ma. Kumusta ang business?"

"Ok, naman." Inilapag ni Mama ang juice sa mesa.

"Siya nga pala. Bakit kayo magkasama na dalawa?"

Nagkatinginan kami ni Keilev.

"Ma..." Salita ni Keilev.

Bahagya pang nagulat si Mama.

"Ako at si Merritt na po."

"Ha? Totoo ba iyan?"

Tumango ako. "Opo..."

"Abay sabi ko na nga ba at magkakagusto ka dito sa anak ko Keilev, iho."

Pareho kaming natawa ni Keilev.

Sa dami ng ikinuwento namin ni Keilev kay Mama ay gabi na kami nakabalik ng Manila.

"Love, May sasabihin ako."

Kasalukuyan kaming nasa bahay ko at nasa sala habang nanonood ng tv.

"What is it?"

"Love, kailangan ko bumalik ng U.S."

"For what?"

"Business..."

"Akala ko ang Dad mo ang nagpapatakbo ng business niyo sa States."

"Ipinasa niya saakin iyon, long time ago."

"Gaano katagal?"

"3 months..."

"Bakit ang tagal?"

"I'll promise to be back way earlier than 3 months, love."

"Promise?"

"Promise. Mamamatay ako pag hindi kita nakita ng matagal. And I'll promise to call you everyday."

"Okay..."

"You're still my model, right?"

"I'll make your schedule busy para hindi mo mapansin ang panahon."

Ngumiti ako. "Fine."

"I love you..."

"I love you, too..."

Hinawakan niya ang aking mukha at ikinulong sa kanyang palad.

"I am so lucky to have you, love."

At naglapat ang aming mga labi. Mas lumalim pa iyon.

Kinarga niya ako patungo saaking kwarto. Hindi niya ako tinigilan hanggang madaling araw. Hindi ko na nga halos maigalaw ang balakang ko dahil sa iba't ibang posisyon namin kagabi.

Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni Keilev habang mahimbing na natutulog.

"Ang guwapo talaga ng lalaking ito." Niyakap ko siya.

"I love you, Keilev Dominguez."
Bulong ko sa kanyang tainga.

Merritt Crusset (Beauty is Inside)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon