"You're pretty..."
Pabalik-balik iyon saaking isip. Tumayo ako at humarap sa salamin.
"Gumaganda na ba talaga ako?"
Tiningnan ko ng mabuti ang aking mukha. Medyo maganda na nga ako ngayon kaysa noon siguro dahil na rin sa kuminis itong balat ko kaya lumalabas na iyong natural na ganda ko.
Napatingin ako sa oras. Alas Onse na pala ng gabi kailangan ko ng matulog dahil maaga pa kami bukas ni Mama magtatrabaho.
"Anak, gising na." Ibinukas ko ang isang mata.
"Anong oras na ba?" Nag unat ako.
"Ala-sais na."
Napabalikwas ako ng bangon. "Ano? Bat ngayon mo lang ako ginising, ma?"
Umubo si mama. "Anak, hindi na muna ako magtatrabaho ngayon. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko."
Hinawakan ko ang kanyang noo. "May sinat ka nga."
"Masakit ang kasu-kasuhan ko."
"Naku! Trangkaso na iyan, Ma."
"Sandali."
Kinuha ko ang Paracetamol at ibinigay sa kanya iyon. "Heto, inumin mo ito."
Ininom niya iyon at saka iginaya siya sa kanyang kwarto. "Ako ng bahala mag-explain sa kanila doon sa Mansion."
"Salamat, anak."
Kinumutan ko siya. "Tulog ka na. I love you."
Nagmadali akong naligo at nagbihis. Wala namang kaming proper uniform doon kaya okay lang na magsuot ako ng kahit ano.
Isinuot ko iyong binili namin kahapon ni Kian. Simple dress lang ito kulay blue na may kwelyo, lampas tuhod pero hindi gaanong maiksi. Bumagay ito saakin sapagkat may mahahaba akong legs. Isinuot ko din iyong puting sneakers ko.
Inilugay ko lang ang maiksing buhok. Pwede na to' makailang minuto lang ay nasa mansion na ako.
Sinalubong ako ni Sassa at Ruth ang dalawang maids na katulad ko.
"Why are you late?" Tanong ni Ruth."I'm sorry, my mother got fever so I didn't make it early."
"So? You must've went here on time. It was so unfair to us." Ani Ruth.
"It's okay, we must considered it." Sabat naman ni Sassa.
"But-"
"That's fine." Rinig naming boses ng lalaki.
Napalingon kaming tatlo kung saan iyon nanggaling.
Sa likuran nila.
"Sir Keilev." Anas ko.
Lumapit siya sa amin. "It's okay, your mom called me about a few minutes ago."
Tumingin siya kila Sassa at Ruth. "Both of you, go back to work." Seryoso ang kanyang mukha.
Nang umalis na sila ay sumunod ako. "Wait."
Nilingon ko si Keilev. "Hmn?"
"Sumama ka saakin."
"Ha? Saan po, sir?"
Tumalikod lang siya at nagsimula ng maglakad. Sumunod na lamang ako sa kanya.
Tinungo namin ang hardin na nasa likod ng Mansion. "Ano pong gagawin ko dito?"
Umupo siya sa tabi ng malaking swimming pool. "Gusto ko ng makakausap."
"Ha? Bakit ako?"
Tumingin siya at natawa. "Kasi magaling ka mag tagalog."
"Ah- ano?"
Huminga ako ng malalim. "Bakit ka din magaling mag tagalog, sir?"
"Kei. nalang."
"Bakit ka marunong mag tagalog, Kei?"
"Kasi Pinoy ang Dad ko."
"Kaya pala tunog pinoy iyong apilyedo niyo. E, iyong mom mo?"
"American." Tipid niyang sagot.
"Ah. Ganoon ba.''
Itinuro niya ang katabing silya. "Umupo ka diyan."
Hindi ako nagdalawang isip na umupo dahil masakit na rin ang aking paa.
Uminom siya ng juice na nasa lamesita. "Alam mo bang gusto ka ng kapatid ko?"
Napalingon ako sa kanya. "Ha?"
"Lesbian kasi iyon."
Namilog ang aking mata. "Ano?"
Tumawa siya. "Di. Joke lang."
Ang cute niya namang tumawa. Ang puti ng ngipin. Heheh
"Nagagandahan daw siya sayo."
"Totoo?"
Tumango siya. "Napaka honest ng batang iyon. Lahat ng ayaw at gusto niya sinasabi niya saamin."
Ngumiti ako. "Oo nga."
"Ayaw nga niya sa girlfriend ko, e."
"Bakit daw?"
"Ewan. Hindi niya daw gusto."
Hindi ako sumagot. So, iyong narinig ko kahapon na pinag aawayan nila ay ang girlfriend niya.
Nagsalin siya ng pineapple juice. At ibinigay saakin. Kinuha ko iyon at nilagok dahil kanina pa ko nauuhaw.
"Salamat, ah."
"Sige na pwede ka ng bumalik sa loob para magtrabaho." Ani niya.
Tumango ako at naglakad patungong loob ng Mansion. Nang lingunin ko siya ay nakatingin pala siya saakin.
Dali-dali kong binawi ang aking tingin at lakad-takbo papasok sa Mansion.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan. Minamadali kong hugasan iyon para makauwi na. May sakit pa naman iyon si Mama.
"Where's my brother?" Rinig kong tanong ni Kian kay Sassa.
"He's not home yet, ma'am. He left this afternoon." Tugon naman ni Sassa.
"Nasaan kaya si Keilev? E, kanina kausap ko lang iyon."
Napatingin ako sa malaking orasan. "Alas dyes nang gabi na pala."
Madali kong natapos ang hugasin. Makakauwi na rin ako sa wakas.
Nang lumabas ako ng kusina ay tahimik ang Mansion. Umuwi na siguro iyon sila Sassa at ang dalawang pang maids.
Umakyat ako sa taas para e-off ang ilang ilaw hindi naman lahat. Kung hindi si Mama ang magpapatay nito ay ako ang nagpapatay.
Nang mapatay ko na ang ilang ilaw ay napadaan ako sa kwarto ni Kian. Tulog na siguro ang batang iyon. Hanggang sa nadaanan ko din ang kwarto ni Keilev.
"Teka, bakit bukas ito?"
Nilapitan ko iyon. Ang dilim.
Nang akma ko na iyong isasara ay may humawak saaking kamay sa seradura.
Laking gulat ko ng hilain niya ako papasok sa kwarto. Mabilis niyang naisara ang pinto. Sisigaw na sana ako ng tinakpan nito ang aking bibig at isinandal niya ako sa pinto.
Halos hindi ko na mahabol ang aking hininga sa kaba. Sino ba ito? Magnanakaw siguro ito. Paano siya nakapasok sa Mansion.
"Shhh... Wag kang maingay." Sabi ng lalaki. Medyo paos ang kanyang boses.
Amoy alak ang isang to' teka si Keilev ba ito?
Tinanggal niya ang kamay sa aking bibig. "K-keilev?"
"Yes... it's me."
"Anong ginagawa mo dito sa madilim mong kwarto?" Nanginginig ang boses ko.
Ang tanging ilaw lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa kwartong iyon.
Hinawakan niya ako sa mukha. "A-anong ginagawa mo?"
"Mabilis lang ito, promise." Pagkasabi niyon ay bigla niya akong siniil ng mainit na halik.
BINABASA MO ANG
Merritt Crusset (Beauty is Inside)
General FictionRemember that beauty is inside. |R18