"Ms. Merritt, DMGZ magazine wants you to be the cover girl of this year.""DMGZ?"
"Yes, miss."
"What's the offer?"
Binasa ni Momo ang dala niyang papel. "Um. Sila na bahala sa hotel mo, plane ticket at iba pang kailangan. Ikaw na daw bahala sa talent fee mo kung magkano."
Napangiti ako sa sinabi. "Aba, hindi pa nga ako nagsisimula spoiled na ako ng magazine na yan."
"They really wants you, Miss."
"By the way, where?"
"Philippines..."
"Alright. Prepare the contract."
"Yes, miss." Sagot ni Momo at umalis.
4 years...
Apat na taon ng nakakalipas simula ng pumayag ako sa alok ni Zaf noon. Naging isang sikat na modelo ako dito sa Germany. Isa ako sa highest paid model sa lugar na ito.
Ngayong taon lang din ako nakatanggap ng offer mula sa Philippines.
Damn! I missed that country...
Zaf and I are still in touched. Minsan ay bumibisita siya dito saakin pag hindi gaanong busy at nag b-bonding kami na dalawa.
I am so grateful to have her and Aunt Lorena. Sila ang dahilan kung ano ako ngayon. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko malalampasan ang hirap noong nagsisimula pa lang ako.
Si Mama ay nasa pilipinas na. Pinauwi ko siya doon at binilhan ng bahay. Hindi ko na siya pinagtarbaho nag b-business na lang siya doon. Ang alam ko ay nagpatayo siya ng Jewelries store at maayos naman ang pagpapatakbo niya kahit siya lang mag isa.
Kahit na gustong-gusto ko na rin siyang makasama ay hindi pwede. Kailangan kong mag trabaho. Lalo na ngayon na ang daming offers. Hindi ako makatanggi.
Isa rin sa dahilan kung bakit ako pumayag doon sa offer ng DMGZ magazine ay doon iyon sa Philippines. Gusto ko na rin bumisita doon at makita si mama ulit- after 4 years.
Kumatok at pumasok uli si Momo.
"Miss, narito na ang contract."Si Momo ang aking supportive P.A.
Siya ang pinili ko sapagkat half german at half pinoy siya. Napaka galing niyang magtagalog namangha nga ako noong una naming pagkikita, hindi kasi halata sa mukha nito na may dugo pala siyang pinoy at magaling magsalita ng tagalog. Kaya magaan na ang loob ko sa kanya noon pa man.
Hindi ko na binasa ang nakasulat doon maging kung sino ang may ari ng magazine na iyon. Pinirmahan ko iyon at ibinigay ulit kay Momo.
"Thank you, miss."
"You're welcome."
"This Saturday na ang flight mo patungo sa Philippines, miss."
"Okay."
Ngumiti si Momo at lumabas na.
Napasandal ako sa aking kinauupuan at ipinikit ang aking mata.
Sa dami kong pinagdaanan ay hindi ko na maalala ang iba.
Napaigtad ako ng tumunog ang aking cellphone.
Dahil siguro ito sa kape kaya ako nagiging nerbyosa. Kailangan ko kasi ng caffeine para hindi ako madaling antukin lalo pa at ang dami kong projects.
"Hello?"
"Hey! miss me?"
"Daniel?"
"Yup! How are you?"
"Maayos naman. May offer ako sa Philippines this Saturday na flight ko."
"Really? Ako na sundo sayo."
"Nasa pilipinas ka nga pala. Sure."
"Yes! I miss you..."
"And I miss you too."
"Alright. See ya this Saturday!" At pinatay na niya ang tawag.
Daniel was a blessing to me. Instructor parin siya hanggang ngayon doon nga lang na sa pilipinas.
Kahit na hindi ko parin siya sinasagot ay hindi parin siya sumusuko. Ang sabi niya saakin noon.
"I know you love him. But I'll never give you up. Never. I'll wait, Kahit pa abotin ng maraming taon."
Alam niyang si Keilev ang mahal ko noon. Pero naghilom na ang sugatang puso ko ng dahil kay Daniel siya ang naging kaibigan ko hanggang sa makalimutan ko ang sakit ng dahil kay Keilev.
I was so broken that time ng malaman kung ikinasal nga sila ni Carina. But Daniel saved me.
He was my superman.
Minsan nga tawag ko sa kanya Super man. Tapos kasunod noon ay ang malakas naming tawa.
Hanggang ngayon ay nanliligaw parin siya saakin. Alam kong matagal na siyang naghihintay pero sadyang hindi pa talaga ako nahuhulog sa kanya- maybe soon.
I need to pack up na. Uuwi na ko sa condo at magpapahinga.
Gusto na ng katawan ko matulog.
Kalalapag lang nag eroplano sa NAIA terminal I. "I'm home!"
Agad kong kinuha ang aking mga bagahe at lumabas na. Hindi sumama si Momo kaya ako lang mag isa hanggang sa matapos ang contract ko sa DMGZ magazine.
Paglabas ko sa Arrivals ay nakita ko kaagad si Daniel sapagkat napaka guwapo nito angat na angat sa mga tao doon.
"Hi." Nagyakapan kami na dalawa.
"I missssss you!" Mas hinigpitan pa niya ang yakap.
May lumapit saamin na mga tao.
"Hi. Pwede po ba kami papicture?" Sabi noong babae.
Ngumiti ako. "Sure."
"Ang ganda-ganda mo po!" Sabi naman nung isa pang babae.
May ilang lalaki rin ang nakipag selfie saakin. "Boyfriend mo ba siya, ma'am?" Turo ng lalaki kay Daniel.
"Yes! Kaya excuse lang po, tama na muna ang pictures. Kailangan na naming umalis. Sorry..." Turan ni Daniel sabay hapit sa bewang ko.
Namula at malawak akong napangiti.

BINABASA MO ANG
Merritt Crusset (Beauty is Inside)
General FictionRemember that beauty is inside. |R18