Kumalas siya sa pagkakayakap saakin. Napakalapit parin ng aming mukha sa sobrang lapit ay naamoy ko na ang kanyang mabangong hininga at ang kanyang mamahaling pabango.Lumungkot ang kanyang mukha. "Dito lang pala kita mahahanap."
Kumunot ang pawisan kong noo.
"S-sir?""Merritt. Ang laki ng pinagbago mo. Kung hindi ko pa nalaman ang iyong pangalan ay hindi ko ikaw makikilala."
Hinawakan niya ang aking mukha. "I missed you..."
Mas lumapit pa ang mukha niya saakin. Alam kong hahalikan niya ako kaya ako pumikit.
Laking gulat ko pa ng mag ring ang bell. Nang imulat ko ang aking mata ay nakatitig lang si Sir Daniel saakin.
Hindi ba niya ako hahalikan?
Napalunok ako bago nagsalita. "Ah. S-sir, magsisimula na ang klase..."
Ngumiti lang ito. "Sige."
Yun lang? Yun lang sasabihin niya?
Lakad-takbo kong tinungo ang aming classroom. Hingal akong napaupo saaking silya.
"Oh? Bakit ang tagal mo yatang nagbanyo?" Ani Zaf.
"Sumama kasi ang tiyan ko, eh." Pagsisinungaling ko.
Umiling-iling lang si Zaf.
Ala-syete na ng gabi natapos ang aming klase. Nauna ng umuwi si Zaf mayroon kasi siyang sundo habang ako naman ay naghihintay ng masasakyang bus.
Nag offer naman si Zaf na ihatid ako pero tinanggihan ko ayoko makaabala pa.
Habang naghihintay ako ng bus ay umupo muna ako sa waiting shed. Every 30 minutes pa naman dadating uli ang bus. Iyong unang bus ay puno ng mga students na gaya ko kaya hindi nalang ako nakisiksik pa mas mabuti ng sa pangalawa walang sagabal hindi pa masikip.
May humintong itim na kotse sa harap ko. Kung hindi ako nagkakamali ay Ferrari iyon.
Lumabas ang may ari niyon. Namilog ang aking mata sa nakita.
"Hatid na kita." Aya nito habang papalapit saakin.
Sumenyas ako na wag na gamit ang kamay. "Naku! Salamat nalang, Sir."
Huminto siya sa harap ko. "Sigena, please?"
Napangiwi nalang ako sa pagpilit niya. "Pero-"
Inilahad niya ang kamay.
Tiningnan ko muna iyon bago ako tumayo at hinawakan ang kanyang kamay. Napakalaki ng ngiti ng lalaki. Hindi ko alam kung masaya ba siya or kung ano.
"Merritt!"
Rinig naming tawag saaking pangalan napakalakas niyon at napakatigas ng pagkabigas parang galit.
Sabay kaming napalingon ni Sir Daniel sa pinanggalingang boses.
Natulala ako sa nakita. Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na dito ako nag aaral?
"K-Keilev?" Halos pabulong na aking turan.
Lumapit saamin ang lalaki. Parang lasing ito. Kahit na medyo umitim ang ilalim ng kanyang mata ay guwapo parin ang binata.
"Who are you?" Ani Daniel.
Tiningnan niya ang aming kamay na magkahawak. At matalim na tinignan si Daniel.
"No. Who are you?" Balik tanong niya rito.
Kumalas ako sa pagkakahawak at hinarap si Keilev. "A-anong ginagawa mo rito?"
Lumambot ang kanyang mukha ng tumingin siya saakin. "Bakit ka umalis? Bakit hindi pa nagpaalam saakin?"
"Sir Kei. Ang alam ko pinagpaalam na ako ni Mama sainyo."
"Hindi ako papayag na umalis ka."
Hinablot niya ang aking kamay.
"Wait! Saan mo siya dadalhin?" Tanong ni Daniel.
Umigting ang panga ni Keilev. "Why do you care?!"
"She's my student."
Mapaklang tumawa si Keilev. "Your student pero kung makatingin ka wagas?"
"What do you mean?"
"Oh! C'mon. Lalaki rin ako. Alam ko ang mga tingin na yan."
"Kei. Stop it! Binabastos mo na ang professor ko." Pag aawat ko.
"Merritt. May gusto sayo iyang professor mo. Stay away from him."
"Teka. Ano mo ba si Merritt?" Tanong ni Daniel.
Ngumisi si Keilev. "I'm her boss. Kaya umuwi ka na ako na maghahatid sa kanya."
Tumingin saakin si Daniel. "Is that true?"
Tumango ako. "Yes, Sir. Pero-"
Tiningnan niya ako sa mata. "Tell me. Kanino ka magpapahatid?"
"Tinatanong pa ba yan?" Singit ni Keilev. "Edi saakin." Sabay hawak niya saaking braso.
"Keilev, bitawan mo ko."
Bakas sa kanyang mukha na hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
"Keilev, umuwi ka na."
Kumunot ang kanyang kilay. Habang ang kanyang kamay ay dahan-dahang natatanggal saaking braso.
"What?""Sabi ko, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo."
Buntis pa naman iyong girlfriend niya tapos iniwan niya lang para sunduin ako.
"What are you saying? Pumunta ako dito para sayo tapos papauwiin mo ako?"
"Bakit ka ba nandito. Hindi ko naman sinabi na sunduin mo 'ko ah. Umuwi ka na. Buntis pa naman iyong girlfriend mo, baka-" natutop ko ang aking bibig.
"Paano mo nalaman iyan?"
"W-wala. Sige na. Umuwi ka na." Humarap ako kay Daniel. "Sir, sainyo po ako magpapahatid."
"Let's go." Ani Daniel at naunang naglakad patungong sasakyan niya.
Susunod na sana ako ng biglang may bumuhat saakin.
"K-Keilev? Anong ginagawa mo?"
"I'm sorry, bro. Sa akin siya."
Walang nagawa si Daniel kung hindi ang tignan nalang kaming dalawa ni Keilev na papalayo habang buhat-buhat ako.
"Saan mo ako dadalhin?"
Ngumisi lang si Keilev. "Sa langit. Pero bago iyon paparusahan muna kita."
BINABASA MO ANG
Merritt Crusset (Beauty is Inside)
Ficção GeralRemember that beauty is inside. |R18