5

4.1K 84 1
                                    

"Okay, lang ba sayo?" Tanong Daniel.

Tumango ako. "Pero isa lang kwarto dito, eh. Sa sala ka nalang matulog, ok lang ba?"

"Oo naman."

"Sige, magluluto muna ako ng makakain natin."

Pumunta akong kusina at naghalungkat ng pwedeng lutuin doon. Sa awa ng diyos ay may karne pa ako ng manok at sayote.

Gagawin ko itong tinola. Tamang tama umuulan masarap humigop ng sabaw.

Makalipas ang ilang minuto ay luto na ang aking tinolang manok.
"Halika na, kumain na tayo."

Umupo siya kaharap ko. Nagsimula na kaming kumain.

"Ang sarap mong magluto, Merritt."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Salamat."

"Ang swerte ng mapapangasawa mo." Dagdag pa niya.

"Yun lang, luto ko lang iyong magugustuhan. Hindi ako." Mapait akong tumawa.

Tumigil siya sa pagsubo. "Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Wala lang. Diba? Kasi hindi ako maganda."

"Sinong nagsabi na hindi ka maganda?"

"Marami."

"Hindi totoo iyon. Nagagandahan nga ako sayo, eh." Nagpatuloy siya sa pagkain.

Natigilan ako sa sinabi.

Nagagandahan siya saakin? Totoo kaya iyon? Malamang hindi. Paniguro na nagsisinungaling lang ito si Daniel.

Nang matapos kaming kumain ay niligpit namin ang pinagkainan. Tapos ay hinugasan ko ang mga plato.

Natapos ko agad ang ginagawa. Nakita ko si Daniel na nanonood ng Cartoons sa tv. Pinuntahan ko siya.

"Mahilig ka pala sa Cartoons?"

Nilingon niya ako. "Oo." Sabay tawa niya.

Umupo ako katabi niya. Pero malayo parin kami sa isat isa. Maaga pa naman para matulog manonood nalang din muna ako ng cartoons.

"Ang lungkot mo siguro dito." Panimula niya.

"Minsan."

"Ayaw mo na ba mag trabaho doon?" Tanong niya ng hindi inaalis ang mata sa pinapanood.

"Oo, mainit kasi ang dugo saakin ni Lily."

"Iyon lang ba ang dahilan?"

"Gusto ko rin na makasama si mama."

"Bakit?" Nakatingin na siya ngayon saakin.

"Miss ko na kasi siya."

"Bakit ka aalis?"

"Diba nasabi ko na?" Nagtatakang sabi ko.

"Hindi."

"Ha?"

Sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na siya. Masyado kaming magkalapit, napasobra yata siya ng usog.

Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanyang mukha. Ang guwapo niyang mukha ay masyadong malapit saakin, napalunok ako ng di oras dahil sa mapupula niyang labi at ang kanyang mainit at mabango niyang hininga.

"Bakit ka aalis?" Mahina niyang anas na halos paos na.

"T-teka, masyado ka yatang malapit. Hindi ako makapag isip mabuti."

Mas inilapit pa niya ang mukha. Nagkatitigan kami sa mata. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang sasabog na.

Pilit kong inilayo ang aking mukha sa kanya. Pero ng akma na akong tatayo ay hinalikan niya ako sa labi.

Nakapikit siya habang gumagalaw ang kanyang labi at ang kanyang mainit na dila ay pilit niyang ipinapasok sa bibig ko.

Hindi ako nagpadala sa init ng aking katawan. Natulak ko siya at nasampal.

Natikop ko ang aking bibig. "I'm sorry!"

Maging siya ay nagulat. "Sorry! Nabigla lang ako."

Napakalakas parin ng tibok ng aking puso hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.

Nagkatitigan kaming dalawa. Na aw-awkward ako kaya tumayo at tumalikod.

"Matutulog na ako. Ikaw din." Naiilang kong saad.

"I'm sorry, Merritt." Mahina pero rinig kong sabi niya.

"G-goodnight!" Pagkasabi ay lakad-takbo kong tinungo ang kwarto.

Ni-lock ko iyon at nahiga na. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang mainit niyang labi. "Bakit niya ginawa iyon?"

Hinawakan ko ang aking labi. First Kiss ko iyon. Sinubukan kong kalimutan pero hindi talaga mawala sa isip ko.

Hanggang nag umaga nalang ay hindi talaga ako nakatulog.

Tiningnan ko ang oras. Ala-sais na pala. Nasa sala pa kaya siya? Tumila na rin kasi ang ulan.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Dumiritso ako sa sala. Wala na siya.

Ang aga niya namang umalis.

Napabuntong hininga ako at pumuntang kusina. Bakit parang may naaamoy akong bagong timpla na kape?

Tinungo ko iyon at laking gulat ko na nandoon si Daniel na nagtitimpla ng kape. "B-bakit, nandito ka pa?"

Lumingon siya saakin. "Goodmorning! Sorry, nangialam na ako dito sa kusina mo." At matamis na ngumiti.

Naalala ko tuloy iyong paghalik niya saakin kagabi. Tumigil ka nga, Merritt. Kalimutan mo na iyon! Wala lang iyon.

"At siya nga pala, pinagtimpla na rin kita." Ani niya.

Umupo ako at kinuha ang kape at ininom iyon. "Wala ka bang trabaho?" Ani ko.

"Meron naman. Pero absent na muna ako ngayon."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"

"Okay lang kahit hindi ako pumasok doon."

"Ha?" Naguguluhan kong sabi.

Kumunot ang noo. "Siya nga pala. Ka ano-ano mo si Mr. Gao?"

Ngumiti ito. "May ari ng Bioré Company. Ang pinagta-trabahuan natin."

"Oo, alam ko. Kaano-ano mo siya?"

Hindi ito na sumagot. Hindi ko na rin tinanong pa baka ayaw niyang sabihin.

"Papasok ka ba ngayon?" Tanong niya sabay inom sa kape.

"Oo."

May kumatok sa pinto.

"Ang aga namang bisita yan." Biro niya.

Tinungo ko iyon at pinagbuksan.
"Sino po sila?"

"Dito ba nakatira si Ms. Merritt Crusset?" Ani ng lalaki.

"Opo. Ako po iyon. Bakit?"

"Ah. Ma'am paki received nalang po ito." Iniabot niya saakin ang isang envelop.

Binasa ko iyon. "From: US embassy."

"Visa po iyan, maam."

Namilog ang aking mata. "Hala, nandito na?"

"Opo. Paki pirmahan nalang po."

Pinirmahan ko iyon. "Salamat, maam!" Tapos ay umalis na si Kuya.

Bumalik ako sa loob. "Ano iyan?" Tanong ni Daniel habang nakatingin sa dala kong envelope.

"Visa, ko."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano?" Tumayo siya at tumungo saakin.

Kinuha niya ang envelope.
"Hoy, anong ginagawa mo. Amina yan!"

Itinago niya ito sa kanyang likod.
"Hindi ka aalis!"

"Ha?"

"Dito ka lang. Hindi ka aalis!"

Merritt Crusset (Beauty is Inside)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon