Pinagha-hanap ko si Daniel ngunit wala akong nakita. Akala ko ba nandito siya sa labas ng building na pinagta-trabahuan ko, pero bakit wala akong mahagilap na kahit sinong tao?Pinagtri-tripan lang ba niya ako?
Kung bakit naman kasi ako nagpauto doon sa lalaking iyon. At saka bakit ba niya ako pag aaksayahan ng oras?
Hindi na talaga ako nag iisip, dapat una pa lang ay naisip kuna na pinagtri-tripan niya lang ako.
Pero may utang na loob kasi ako sa kanya. Siguro ito iyong kabayaran doon sa pagtulong niya saakin, ang paasahin ako at pagtripan.
Bagsak ang balikat kong naglakad para umuwi na pero may narinig akong ungol.
Ano iyon? Multo ba 'yun?
Nilibot ko ang aking mata. Wala talaga akong makitang tao maliban saakin na nakatayo dito sa kalsada malapit sa building kung saan ako nag ta-trabaho.
"Hmnnn..."
Ayun na naman ang ungol.
"S-sino ka? Magpakita ka! Hindi ako natatakot sayo!" Sigaw ko.
Pilit kong pinapakalma ang sarili para wag matakot.
"Hmnn... h-help..."
Help?
Teka, help ba iyong narinig ko?
"Tulong..."
Jusko! Baka white lady iyon na duguan ang mukha at nanghihingi ng tulong.
"Help!"
Ayan na naman. Pero bakit boses lalaki?
"Tulong..."
Nanginginig kong tinungo kung saan namumula iyong boses. Mukhang sa likod ng building.
May naaanigan akong isang bulto ng tao na nakahandusay sa semento. Kita ko iyon sapagkat may ilaw naman sa di kalayuan.
Lumapit ako. "S-sino ka?"
Mas lumapit pa ako upang makita ko ang kanyang mukha.
Bahagya pa akong nagulat sapagkat kilala ko ang lalaki.
"Daniel?!"
Agad akong lumapit sa kanya. Putok ang kanyang labi at halos galos ang mukha.
"Anong nangyari sayo?"
Lumuhod ako upang mahawakan siya. "Sino ang bumugbog sayo?"
Bumuka ng kaunti ang kanyang mata. "Merritt." Mahina niyang tawag saaking pangalan.
"Dadalhin kita sa ospital."
Tinulungan ko siyang tumayo at inalalayan. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa pinaka malapit na ospital.
DANIEL
Where am I?
Minulat ko ang aking mata.
Bakit ang liwanag?
"Daniel? Salamat naman at gising ka na."
Tiningnan ko kung sino iyong nagsalita. "Merritt?"
"Ako nga, ano ba nangyari sayo kagabi?"
Dahan-dahan akong bumangon. Ang sakit ng katawan ko para akong binugbug ng maraming beses.
BINABASA MO ANG
Merritt Crusset (Beauty is Inside)
Fiction généraleRemember that beauty is inside. |R18