TATLONG TAON.
Tatlong taon na kaming kasal ni Keilev.
Isa na ako ngayong Mrs. Merritt Dominguez.
"Mom, kailan uwi si daddy? I miss him so much."
Kinarga ko ang 3 years old. Baby ko na si Mitsy Brei. "Baby, mamaya pa ang dating ni Daddy. He's still at work."
"But I miss him already." She pouted.
"Hmm. 5 hours nalang, dadating na si daddy."
Sumigla ang kanyang cute na mukha. "Really? Yehey!"
Napangiti ako habang karga karga ko ang batang noon ay nasa tiyan ko pa. Ang bilis ng panahon.
Ang bilis din niyang lumaki.
"Mom, put me down. I wanna play."
Dahan-dahan ko siyang inilapag. "Momma I want Tito Daniel to play with me."
"Baby, your Tito Daniel was busy."
"Paano ito? Wala akong kalaro." She pouted again.
"Would you play with me. Momma?"
"I'm sorry, baby. I still have something to do. I need to cook first and then I'll play with you. Is that okay?"
"Yehey! Thanks, momma. Your the best." Then she kissed me on the cheeks.
Habang abala sa paglalaro si Mitsy ay nagtungo ako sa kusina at nagluto.
May maid naman kami pero gusto ko talagang ipagluto ang mag-ama ko.
Nagluto ako ng Caldereta. Ang favorite na ulam ni Keilev.
Naging maayos naman ang pagsasama namin nitong mga nakaraang taon. Gusto na nga niyang sundan ang Mitsy namin. Pero ayoko pa. Gusto ko muna ibigay ang lahat ng attention kay Mitsy ang unang anak namin.
Namana ni Mitsy ang ugali pati na ang mukha sa daddy niya. Ang namana lang yata niya saakin ay ang pagiging babae.
Nang matapos akong magluto ay pinuntahan ko si Mitsy para makipaglaro.
"Mom. Kailan hindi busy si Tito Daniel? I want him to be my playmate." Tanong ng bata habang abala sa pag-aayos ng damit ng kanyang barbie.
"I don't know, baby. Gusto mo tawagan ko siya?"
Tumango tango ang bata. "Yes! Yes! Please.. momma."
"Alright."
Tinungo ko ang telepono at ni-dial ang number ni Daniel. Naging magkaibigan parin naman kami ni Daniel sa kabila ng lahat at naging malapit sa kanya si Mitsy.
Noong mga panahon na pinagbubuntis ko pa lang si Mitsy ay parati niya kaming dinadalaw. Nagdadala siya ng mga kung ano-ano para saamin. Hanggang sa nakapanganak ako. Nandoon din siya ng mga panahong iyon.
Maayos naman ang pakikitungo ni Keilev sa kanya. Hinahayaan niya lang si Daniel na bumisita saamin ng anak niya. Minsan kasi ay busy sa trabaho ang asawa ko kaya medyo hindi niya nakakabonding ang anak namin.
Kaya heto. Palaging hinahanap ni Mitsy ang Tito Daniel niya para maglaro. Spoiled kasi ni Daniel ang bata. Kahit na busy siya sa pagtuturo ay may oras pa siya para bumisita at makipaglaro sa anak ko.
"Hello?" Salita ni Daniel sa kabilang linya.
"Hey, alam mo na siguro kung bakit ako tumawag." Ani ko.
Napatawa ng pagak si Daniel. "Yeah. Gusto na naman niya akong maging playmate."
"Ang kulit kasi, e."
![](https://img.wattpad.com/cover/119806347-288-k924588.jpg)
BINABASA MO ANG
Merritt Crusset (Beauty is Inside)
General FictionRemember that beauty is inside. |R18