7

3.9K 82 0
                                    

Ngayon ang araw ng pag alis ko dito sa pilipinas. Bakit ganito? Bakit parang ayaw ko na yatang tumuloy?

Palingon-lingon ako sa paligid. Hindi ko alam kung bakit parang may hinahanap ang mata ko.

Bagsak ang balikat ko na nagcheck-in. Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Bakit balisa ako? Dapat nga masaya ako dahil malapit ko ng makasama si Mama.

Pagtapos kong mag check-in ay inantay ko nalang ang oras ng aking flight.

Kaliwa't, kanan parin akong palingon-lingon ngunit wala talaga akong makita. Teka, sino ba hinahanap ko?

Hanggang sa narinig  ko nalang ang pagtawag sa pasahero ng Flight 950. Iyon din ang sasakyan kong eroplano.

Eto na talaga. Paalam na Pilipinas.









AFTER 3 MONTHS...

"Ma, sino po ba iyong anak ng amo natin?"

Abala si Mama sa pagluluto ng hapunan namin. "Ah, si Keilev anak."

"Nakita mo na po ba siya?"

"Oo, bakit?" Tinikman niya ang niluto.

Kinuha ko ang cellphone at ni-search ang Keilev Dominguez sa Facebook.

Dominguez kasi ang apilyedo ng amo namin nagbabakasakali lang.

May lumabas doon na Keilev Dominguez, golden brown ang buhok nito naka clean cut at gray ang mata. Ang kanyang mukha ay halos perfect na, lalong-lalo na ang kanyang panga.  Tapos ang kanyang labi ay kasing pula ng mansanas.

Dali-dali akong tumakbo kay Mama at pinakita ang picture niya. "Ma, siya ba ito?"

Tiningnan naman iyon ni mama. "Ilayo mo nga konti. Alam mo namang medyo malabo ng mata ko."

Nilayo ko ang cellphone. "Ok, na?"

"Oo, siya nga iyan!"

"Aba, Mama ang guwapo pala niya!"

"Oo, gwapo talaga ang batang iyan."

Tapos nang maghain si Mama kaya't umupo na ako at nagsimula ng kumain. "Ma, kailan nga ulit babalik si Keilev?"

"Bukas."

Namilog ang aking mata. "Bukas agad?" Uminom ako tubig.

"Oo."

"Saan ba siya galing?"

"Nagbakasyon sa France, kasama yata ang girlfriend."

Nabilaukan ako sa huling sinambit ni mama. "May girlfriend pala siya?"

Tumango si mama. "Oo. Ang ganda nga niyon tapos ang bait pa."

"Ganoon ba..." walang ganang tugon ko.

"Bilisan mo diyan at maaga pa tayo bukas magluluto at maglilinis."

"Opo, Ma."




ALAS tres ay gising na kami ni Mama. Maaga kaming papasok ngayon sa Mansion ng mga Dominguez. Hindi kami Stay-in ni mama malapit lang din kasi ang inuupahan namin sa Mansion nila. Mga isang bahay lang pagitan.

Nasa harap na kami ngayon ng malaking gate ng Mansion.

"Guard! Please open us." Sigaw ni Mama.

At mukhang narinig nga siya ng guwardiya at automatic na bumukas ito. "Aba, mama alam na alam na ng guard ang boses mo ah."

Pumasok kami at nagsimula ng magtrabaho. Doon na rin kami nag almusal, mas masarap pa.

Kasama ang tatlo pang mga katulong ay mabilis kaming natapos. Nang tingnan ko ang oras ay Alas dyes na ng umaga.

Hindi mo talaga mamamalayan ang oras pag busy ka.

Lumapit saakin si Sassa isa rin sa mga katulong. "Merritt, you the one will serve Keilev when he arrives, okay?"

Fil-Am itong si Sassa. Mag kasing edad lang kami. Dito sa states lumaki itong si Sassa kaya hindi niya masyado alam mag tagalog. Maganda din siya, hindi masyadong maputi hindi din maitim. Sakto lang.

Tumango ako. "Okay."

Tumalikod na siya ng magsalita siya ulit. "By the way, Not only Keilev will arrived today her sister Kiana too."

"Ah, ok." Sabay taas ko sa aking kamay at nag OK sign.

Nawala na sa paningin ko si Sassa. Ngayon na wala na akong ginagawa ay nararamdaman ko na ang pagod.

Humanap ako ng mauupuan. Magpapahinga na muna ako sandali.




Naramdaman kong may tumatapik sa aking pisnge kaya ako nagising.

Agad akong napabangon.

Napahawak ako sa aking mukha. "Hala! Nakatulog ako. Patay..."

Pinunasan ko ang aking laway.

"Are you okay?" Rinig kong may nagsalita.

Agad akong napalingon sa may ari ng boses. Nangunot pa ang aking noo sapagkat hindi ko naman kilala ang taong ito.

"Sino ka? Teka, anong oras na ba?" Wala sa sarili kong tanong.

Tumingin siya sa kanyang relo. "Hmn. 5pm na."

Napatayo ako sa gulat. "Ano?!"

"Are you okay, Miss?" Balik tanong niya.

Kinakagat ko ang sariling labi. "Patay ako nito..." bulong ko.

"Are you seducing me?"

Nadako sa kanya ang aking mata. "Teka, sino ka ba?" Tanong ko.

Ngumiti ito saakin. "My name's Kei-"

"Kuyaaaaaaaaaaaa!"

May biglang pumasok at kumalabit sa kanya sa likod. "Kuya, please let me go. I wanna hang out with my friends, please?" sabi ng babae sa kanya.

Maganda ang babae, maputi at makinis. Kulay brown ang kanyang buhok at may hawig silang dalawa.

"No, you'll stay here..."

"Oh! C'mon. I'm already 19. Please I beg you. Mom won't let me out unless I have your permission."

Napatingin saakin ang babae.

Medyo na awkward ako kasi ang ganda-ganda niya. "Who is she?"

"Who are you?'' Tanong ng babae.

"Ah. I'm Merritt."

Biglang pumasok si Mama. "Ah. Ma'am, sir. Anak ko po ito. Pasensya na po."

Naguguluhan kong tiningnan si Mama. "Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala."

"Ma-"

"Ah. Sige po, ma'am, sir. Uuwi na po kami tapos na po ang trabaho namin."

"Really? So your one of the maids?" Tanong saakin ng lalaki.

"Y-yes, sir." Magalang kong sagot ginaya ko si Mama.

"I see."

"Ma, sino po ba sila?" Bulong ko sa tainga ni Mama.

"Si Keilev at Kiana, anak." Ganting bulong din niya.

Nanlaki ang butas ng aking ilong. "A-ano?!"

Agad akong yumuko at humingi ng paumanhin. "I'm sorry, sir. If you caught me sleeping in the couch."

Ngumiti siya. "Okay lang..."

Nagkatitigan kami ni Mama. "Nagtatagalog pala siya?"

"Oo," sabay ngisi niya.

Merritt Crusset (Beauty is Inside)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon