Chapter 1: Living with the Four Bad boys

540 19 0
                                    

Nikki's Pov

Nakikinig ako ng kanta ng may umagaw sa isang pares ng earphone ko na nakasuot sa kaliwang tainga ko.


"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko kaagad sa kakaupo palang na si Nigel, isa sa mga pinsan ko.


"Sinasamahan ka."


Kinuha ko sa katabi kong si Nigel ang isang pares ng suot kong earphone at ibinalik ito sa tainga ko. "Hindi ko kailangan ng kasama."


"Kailangan mo, Manang."


Nilanghap ko ang simoy ng hangin na nanggagaling sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan ko, nasa gawi ako ng bintana at si Nigel naman ay nasa tabi ko.


Nilabas ko ang kanan kong braso tsaka ko sinandal ang ulo ko sa aking brasong nakalabas. Napansin yata ni Nigel na nakalabas ang braso ko kaya bigla nya akong hinitak agad na naging dahilan kung bakit ako napasubsob sa katawan nya.


"Problema mo?!" Agad na sigaw ko sa kanya. Umayos ako ng upo. "Ikaw! Bakit mo ba kasi nilalabas ang braso mo sa labas ng bintana?" Umayos na din sya ng upo.


Tumayo ako sa kinauupuan ko. Sinenyasan ko ang kundoktor na nasa harapan na bababa na ako.


"Dasog, bilis." Dumasog si Nigel. Nang huminto na ang bus ay agad na akong bumaba.


"Dito na lang!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki nang mag simula nang umandar ang bus.


Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang bumaba sa bus.


Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko kung sino ang bumaba.


"Bakit ka bumaba? Hindi pa naman 'to sa Prestly." Daing nya sakin. "Dahil gusto ko, may problema ka ba don?"


"Wala naman akong magagawa kundi sundan ka dahil ayon ang inutos sakin ni Chairman, Nikki." Aish. Si Lolo na naman?


Lagi na lang nya ako pinapasundan kung kani-kanino na malalapit sakin para bantayan, ano bang problema sakin para iutos nya yon sa kanila? Mas nakakadagdag pa sila sa mga nanggugulo sakin.


Ilang minutong pag lalakad namin ay huminto ako tsaka sya hinarangan. "Ano ginagawa mo?" Takang tanong nya sakin ng nanatili pa din ako sa harapan nya.


Hinawakan ko ang dalawang balikat nya. "Nigel, there are so many girls waiting for you in Prestly, why can't you just run and leave me here?" Sabay mapait na ngiti.


"I know that, but I don't want, Nikki." Hinawi nya ang braso ko na nakadagan sa mga balikat nya, sya naman ang humawak sa magka-dalawang balikat ko at ngumiti na nakaka-badtrip.


Bumalik na naman sa poker face ang mukha ko nang sabihin nya yon, nag patuloy ako sa paglakad. Sinabihan ko na sya ng magandang ikakatuwa nya pero bakit 'di pa rin umeffective yon para iwan nya na lang ako dito? --___-- .


Malapit na kami sa Prestly pero hindi pa din nya ako iniiwan, pero may limang mga lalaki ang sumulpot na lang sa harapan namin tsaka humarang sa dadaanan namin.


"Naiirita ka yata sa kasama mo, Miss Ganda?" Tanong ng lalaki na may kulay ang buhok na red at may katangkaran din ang height.


Tumingin ako sa likod, inikot ko ang mga mata ko kung may kasama pa ba kaming ibang babae ni Nigel na wala naman.


"Ano tinitingin mo dyan, Miss Ganda? Akala mo ba iba tinutukoy ko?" Dagdag nyang tanong.


Nambabastos ba sya o nambabastos talaga? Ang pinaka ayaw ko sa lahat ang tinatawag akong Ganda, o related sa mga ganon, nakakabastos para sakin.


"Wanna come with me?" Sabat ng isang kasama pa ng lalaki.


Tinignan ng lalaki ng masama ang nag salita na yon. "Oh, boss?" Gulat na wika ng lalaking sumabat kanina nang mapansin nyang nakatingin kami sa kanya. "Tumigil ka nga dyan, Ryle, kay boss na yan." Bulong ng mga iba nyang kasama.


Wtf?! Gusto ba nilang makatikim ng kamao ko? Nakakagago na ang pinag sasabi nila.


Humakbang ng isa ang lalaking nasa unahan nila. Ngumiti sya sakin. "Nikki." Ani ni Nigel nang hawiin ako papunta sa likod nya.


"Hindi ko naman sasaktan ang kasama mo, 'Pre. Gusto ko lang naman mag pakilala sa kanya." May tonong pambabanta kay Nigel kaya agad naman ako humakbang.


"Oh, ow. Gusto nya yata boss." Sabay tawa ng iba pa nyang kasama, Wtf they thinking? --___--.


"Nikki." Madiin na sambit ni Nigel na hinawakan ako sa pulso, hinayaan kong makalapit sakin ang boss kuno nila sakin.


Nang makalapit na sya sakin. Agad nyang inilahad ang kamay nya. "Hi, I'm C--" Pinutol ko ang pagsasalita nya. "You don't need to introduce yourself, because you and I will never see each other again. Do you know why?" May tonong pasweet na wika ko.


"Ha?" Ayan lang ang naging reaksyon nilang lahat.


"Because of this." Sabay palipit ko sa braso nyang hawak ko pa kanina ng lumapit sya sakin.


"Nikki!" Sigaw ni Nigel.


"Boss!" Sigaw nang mga lalaking kasama nito.


"I really don't want to call me Miss Ganda, because I'm just Miss." Tsaka palipit ko pa din sa isa nyang braso. At sipa ko sa dragon nya.


Umaaray lang sya pero hindi pa din ako tumitigil. May humawak sa braso ko na ikinahinto ko. "Itigil mo na yan, Nikki." Sabay hitak nya sakin papalayo sa lalaki na yon.


"Boss!" Sabay sabay silang lumapit sa lalaking nakaalalay sa braso nya. "Okay ka lang ba, boss?" Tanong ng isang lalaki.


"Hays." Pag buntong hininga nya.


I glare of them. Lumapit siya ulit sakin tsaka nya ako tiningnan nang masama na sinuklian ko ng poker face.


"Uhmm? You want more?" Asik ko sa kanya. Nanatili pa din syang nakatingin sakin ng masama.


"I think you want more." Then I smiled widely.


Namutla sya nang sabihin ko yon tsaka mabilis na tumakbo papalayo. "Alis na tayo dito!" Ani nya.


"Bakit boss?" Tanong nila. Hindi sila sinagot nito kundi patuloy na tumakbo. "Boss!" Sabay takbo na din sila papunta sa boss kuno nila.


Naramdaman kong patagong tumatawa si Nigel. Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nya nang tignan ko sya. "Mga wala pala yung mga yon sayo." Nakangisi nyang sambit.


'Di ko sya binigyang pinsan, nag patuloy na lang ako ulit sa paglalakad.


"Late na tayoooo!" Mahabang sigaw ni Nigel na biglang tumakbo, hinayaan ko lang syang tumakbo dahil mas magugustuhan ko pang ako na lang ang mag isang mag lakad dito kesa may kasama pang iba.


Hindi sa kaluyuan ay nakita ko syang huminto at bumalik ulit papunta sa akin. Dapat tumakbo na lang sya at hindi na lang bumalik pa.


"Hindi mo ba ako narinig? Late na tayo." Ulit nyang ani. Pero ngayon ay hinila nya na ako sa pagtakbo nya.


Naglalakad na ako sa corridor ng matapos ang mahabang paglalakad namin ni Nigel ay agad namang sumulpot sa tabi ko si Callie.


"San ka ba nanggaling ha?" Bungad nyang tanong sakin.


"Kung saan ako lang ang nakakaalam, Callie."

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon