Callie's Pov
"Hindi ka man lang ba nag aalala sa pinsan mo ha?!" Sigaw na tanong ko kay Nigel. Na nakaprenteng upo lang habang nawawala ang kaibigan kong si Niknik.
"Ano naman ang magagawa nang pag aalala ko sa nawawalang si Manang ha?!"
Natahimik ako nang mapunto kong meron syang punto sa sinabi nya. Pero kahit na! Pinsan nya pa din si Niknik >__< .
"Kahit na! Halika na nga!" Hinihila ko sya sa upuan nya para hanapin namin si Niknik. Pero matamlay pa din syang nakaprente doon.
"Anong halikan na? Hahahahaha." Tumawa ito ng sobrang lakas.
Sinamaan ko sya nang tingin. "Sige... bilis 'lika dito." Pag ayaya nya sa akin na lumapit sa kanya. Ano gagawin nya? >___<
"Kikiss kita bilis." Nguso nya sa labi ko. Aish! Manyak!
"Psh! Bahala ka nga dyan, Manyak!" Iritableng sambit ko sa kanya.
Kinuha ko ang bag ko tsaka lumabas sa room nila Nigel. Nasan ka na ba kasi Nikki Dweller? Ano na namang kalokohan ang naisip mong gawin? >__<
"Joke lang naman e. Sineryoso mo agad, Calcal." Bakit pa sya sumunod?! Nakakainit lang ng dugo kapag nandyan sya e.
"Aish! Bumalik ka na nga lang don, ako na lang ang maghahanap sa kaibigan ko!" Tinutulak ko sya papalayo pero patuloy syang sumusunod sakin.
"Kakasabi mo lang kanina na pinsan ko si Manang na dapat kong alalahanin, kaya sasamahan na kita sa paghahanap sa kanya." Ngumiti sya sabay akbay sakin.
Aish. Nakita ko si Nikki sa 'di kalayuan kahit malayo pa ito. Alam ko ang datingan nya kaya sya yon. Kaya mabilis na sinalubong ko sya.
"Psh!" Ekspresyon ni Nigel nang kumawala ako sa pagkakaakbay nya sa akin.
"Nikki!" Sigaw ko habang tumatakbo.
Mabilis ko syang niyakap kahit wala nang pasabi sa kanya. Halatang gulat sya sa amin ni Nigel na sumalubong sa kanya pero mas hinigpitan ko pa ang pag kakayakap ko sa kanya.
"Sobra akong nag alala sayo, Niknik." Ani ko habang yakap ko pa rin sya. "Alam mo ba yun ha?! San ka ba kasi pumunta nung biyernes?! Akala namin kung ano na ang nangyari sayo." Dumistansya muna ako sa kanya.
"Inhale.." Ani ni Nikki habang nakatitig sa amin. "Exhale." Ginawa namin ni Nigel ang inhale at exhale. Nang matapos na namin yon gawin ay umalis na lang si Nikki kaagad. 'Di nya pa sinasagot yung tanong ko ah aish!
Sinundan namin si Nikki kaagad tsaka sumabay sa lakad nito. "Sagutin mo kaya ang tanong ko, Nikki Dweller." Madiin na wika ko sa pagkakasambit ko sa kanya.
"Bakit ka na lang nawala nung biyernes ng uwian? Ha? Sinabi lang sakin ni Nigel na nawawala ka." Dagdag ko pa sa sinabi ko.
"Okay lang ako, Callie." Walang emosyong saad nito.
"Sus, may ginawa yang kalokohan kaya ganyan si Manang. " Sambit ni Nigel.
"Tss. Chupii! Alis na, papasok na kami." Pagpapalayas ko kay Nigel dahil nasa tapat na kami ng room namin ni Nikki.
"Psh. Oo na, aalis na." Iritableng umalis si Nigel. Pumasok na din ako sa loob ng room namin dahil pumasok na din si Nikki doon. Nakaupo na si Nikki sa upuan nya na may malalim na namang iniisip.
BINABASA MO ANG
Living with the four Bad boys
Novela Juvenil"No, dahil si Nikki ay makakasama nyo sa iisang bahay habang hindi pa sya nagtitino sa mga pinaggagawa nya, Mr. Syth. At ito ang pangatlong misyon nyong apat, ang mamuhay na kasama si Nikki. Ang misyon na ibibigay sa inyo ni Chairman simula ngayon."...