Chapter 28: Boracay

105 3 0
                                    

Nikki's Pov

Ngayon na ang alis ko papunta sa boracay, ang tagal ko din naghintay ng pagkakataon na 'to para dito dahil hinihintay ko ang sembreak namin para mag tagal ako sa boracay at dahil din sa ayaw ko ding mag sembreak o tumambay sa bahay na may kasamang apat na lalaki.


Biyernes na ngayon ng hapon, matatapos na din ang huli naming klase at pagkatapos non, pupunta na ako sa airport para sa flight ko. Alam kong aasungot ang pinsan kong si Nigel pag nakita nya akong may dalang passport sa bag ko at ang mga nag hahatid sakin pauwi sa bahay na yon kuno, na sina Jake at Seb na lagi pa namang chinecheck ang bag ko.


Nung isang linggo ko pa iniisip ang mga pwedeng paraan para matakasan sila lalo na ang kaibigan kong si Callie, gusto ko syang isama pero malakas ang kutob ko na marami syang gagawin kalokohan don kaya hindi ko na din sa kanya sinabi ang tungkol dito.


Tapos na ang huli naming klase kaya tumayo na ako kaagad. "Hmmm..." Kinukuha ko ang atensyon ni Callie na nag aayos ng gamit nya. Sasabihin ko sana sa kanya na mag babakasyon ako kasama si Chairman para hindi nya ako hanapin habang sembreak namin pero nang sasabihin ko na iyon ay bigla syang tumayo.


"San ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil parang nag mamadali ito.


"Mag momall lang. Bye Niknik!" Sabay beso sakin nito. Lumabas ako para tignan kung san nga sya pupunta. Napahinto ito at hinarap ako. "See yah, mah friend!" Nakangiti nitong sabi tapos balik ulit ito sa pagtakbo.


May nakabungguan ako ng humarap ako sa kabilang direksyon ko. Psh. "Oh.. Manang!" Gulat pero nakangising sambit ni Nigel, nag mamadali din ito tulad ni Callie. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?


Lumakad na lang ako nang iwanan ako ni Nigel sa harapan ng room namin. Nakasalubong ko din sina Jake at Seb pero tila hindi yata ako napansin nito, pero dati naman sinusundan pa nila ako, 'bat ngayon hindi? Nagmamadali din sila. Pare-pareho sila ng tinatakbuhan na direksyon. May ano ba don sa pupuntahan nila?


Napansin ko na lang ang oras ng makita ko ang relo ko. Mga sisix pm na pero nandito pa din ako, hays. 6:30 pm ang flight ko at alam kong traffic pa sa dadaanan ko. Tumakbo na ako ng matulin para makahanap ng taxi papunta sa airport. Wala pang dumadaan na taxi o ano pa man dito sa waiting shed ng Prestly University.


Isang agaw pansin sakin ang pamilyar na kotse, kotse ni Secretary Lim? Huminto ito sa tapat ko. Bumukas ang bintana nito at sya nga.


Alam kong pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko ngayon pero 'bat nandito sya? Sesermonan na naman ba nya ako o pag sasabihan tungkol kay Lolo o ano pa man? Hays. Para lang kaming magkasing-edad pero kung umasta sya para syang kapatid lang ni Lolo dahil sa pagiging professional nya.


"Get in, young lady." Wala na akong choice para magpatumpik tumpik pa dahil pag naabutan ako ng mga yon ay baka masira pa ang plano kong pag vavacation sa boracay.


"Airport." Ani ko, pinaandar nya na ang kotse. "Wala na bang ibibilis yan?" Palinga linga ako sa kabilang gilid ko para tignan kung meron bang kotse na iba para mag bagal sya sa pag mamaneho. "Wala na." Sagot nya.


"Kung ganon bilisan mo pa ang pag mamaneho." Kumunot ang noo nya. "Sabi ko, wala na, young lady pero 'bat?" Naguguluhang sambit nya sakin. "Bababa ako dito o bibilisan mo ang pag mamaneho?" Hinawakan ko na ang bag ko kung sakali mang piliin nya ang pagbaba ko sa kotse nya.


Umiling lang sya, sa palagay ko naman ay bibilisan nya na ang pag mamaneho nya dahil malelate na ako sa flight ko. Nakadating ako ng 6:25 pm ng sakto. "Just to remi---" Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil baka malate na ako.


"Sorry, Ms. Dweller pero nakaalis na ang eroplano." Mahinahong sagot ng babae nang tanungin ko kung nakaalis na ba ang eroplano.


"Psh." Bumuntong hininga akong naglakad pabalik sa labas. "Wait, Ms. Dweller!" Habol sakin ng babae. "San po kayo pupunta? Pwede naman po kayo mag private plane kung gusto nyo." Pagkumbinsi sakin nito. Napagtanto ko nga pala na pwede akong mag private plane dahil pagmamay ari namin itong airport na 'to.


Tumango na ako para sa pag sang ayon sa kanya, nakangiti nyang itinuro ang direksyon para sa sasakyan kong eroplano. "Good evening, Ms. Dweller." Bati ng mga nag tatrabaho dito sa amin. May sumalubong sakin na lalaki na may katandaan na.


"Sinabi sakin ni Chairman na mag handa kami ng private plane para sayo, Ms. Dweller dahil alam nya na ikaw ay malelate sa flight mo." Pilit na nginitian ko na lang ang lalaki, pumasok na ako sa eroplano.


Napangiti na lang ako sa kawalan dahil sa makakapag pahinga na ako at malalayo na sa mga magugulong bagay sa Manila kapag nandon na ako sa destinasyon ko.


Mga ilang oras na byahe sa pag sakay ng van at ng kung ano-ano pa ang dinanas ko bago ako makarating sa Boracay, nakasakay ako ngayon sa isang kotse na naghintay sakin kanina. Dadalhin nila ako sa hotel kung san ay pag mamay-ari ni Chairman. Malayo-layo din ito sa mga tao, pero marami din doon mga nag checheck-in.


"This is the way." Sabi ng isang babae. Wala namang sila dadalhin dahil bag ko lang naman ang dala ko, mag papabili ako sa staff dito ng damit para sa susuotin ko. Dahil kung bumalik pa ako sa bahay na yon ay baka sundan pa ako ng mga lalaki na yon.


"Have a nice night." Masiglang bati nito sakin bago ako iwan dito sa kwarto ko.


Nilock ko ang pinto tsaka ako patalon na humiga sa malambot na kama. Niyakap ko ang dalawang unan sa gilid ko at inamoy ito. Hindi pa rin nag babago ang lugar na 'to, ang amoy, ang hangin, at ang magandang tanawin malapit sa veranda.


Uminom ako ng tubig bago ako tuluyang pumunta sa veranda. Sinuot ko ang jacket ko dahil gabi na at malamig na hangin na ang dumadapo sa aking balat.


May mga ilaw na nagiging daan para matanaw ko pa rin ang magandang tanawin. Gusto kong bumaba para basain ang mga paa ko sa malamig na tubig pero hindi iyon ang sinasabi ng katawan ko dahil sa pagod ko. Bumalik na lang ako sa loob para mag pahinga at bukas na lang itutuloy ang mga gusto kong gawin ngayon.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon