Chapter 21: 911

109 3 0
                                    

Nikki's Pov

Nandito pa din ako este kami sa labas ng Prestly. Bakit pa ba sya nandito?


"Dre!" Sigaw sa kabilang gilid ko. "Hmmm nandito na kayo."


"Halika na Nikki! Uwi na tayo." Hinila ako ni Sebastian. "Dre, una na kami." Ani ni Sebastian na hinila na ako nang tuluyan.


Tumango lang si Tyron sa sinabi ni Sebastian. Napunta kami sa parking lot ng Prestly.


"Bilisan nyo 'dre, may date pa kami ni Alexa." Pag mamadali ni Jake. Lakas talaga, kakabreak lang kanina sa dalawang babae may Alexa na agad? Tss. Playboy --___-- .


Nakauwi na kami sa bahay nila o sabihin na nating kulungan para sakin. Nandito na din ang lalaking nagpapabadtrip sa akin, ewan ko pero pag nakikita ko palang mukha nya, badtrip na agad ang araw ko.


Sumandal muna ako sa pader habang hinihintay ang bag ko kay Sebastian, kinuha nya yon sakin kanina dahil titignan nya daw yon kung meron bang kakaibang nandon, kasama pa ba yon sa walang kwentang misyon nila? Hays.


Pumasok na si Sebastian dito sa loob, nilapitan ko sya para kuhanin na ang bag ko pero napatigil ako ng mag salita ang lalaking nakaupo sa high chair na kumakain ng nacho.


"Hindi kasama sa misyon natin ang pag lilingkod sa kanya, Seb, at hindi natin kailangang ipagbitbit sya ng bag, dahil ang kailangan lang natin gawin ay patinuin sya na dapat simulan ko na ngayon."  Sumubo muna sya ng isang nacho tsaka nya pinagpag ang kamay nya.


"Alam ko yon, 'dre pero hindi ba kayo titigil sa kakaaway nyong dalawa? Nakita ko kayang dalawa kagabi, kayo ang dalawang pusa na nakabasag sa vase." Ani ni Sebastian.


Hays, sinabing hindi nga ako pusa --___-- . "Hindi ako ang nakabasag ng vase, 'dre, tanong mo sa kasama mo kung sino talaga." Ngumiti sya pero saglit lang yon.


"Tanong mo na rin sa lalaking napikon kagabi, Seb."


"Hindi ako napikon." --___-- .


"Pfft. Tulog na ako." Tataas na sana ako sa hagdan para matulog pero nag salita si Seb.  "Gulo nyong dalawa." Naguguluhang ani ni Seb. "Sya lang yon." Sabay naming nasambit ni Mr. Percival.


"Ikaw lang!" Madiin na sambit nito.


"Ikaw, hindi ako." Madiin na sambit ko rin.


"Hays! Ikaw nga!" Pikon na sabi ni Mr. Percival. Bakit ba ayaw nya na lang aminin na napikon sya at pikon talaga sya? --___-- Dami pang satsat.


Nakarinig ako ng nag riring na cellphone kaya nilibot ko ang paningin ko. Nakita kong nag dadial ang 911 sa cellphone ni Sebastian.


"Sino tinatawagan mo?" Tanong ni Mr. Percival.


"911, 'dre." Tugon ni Sebastian.


"May emergency ba, 'dre?" Kinuha ni Mr. Percival kaagad ang polo nya tsaka lumapit kay Sebastian.


Sinagot na ito nang makalapit na si Mr. Percival kay Seb. "Hi... hello." Unang bati ni Sebastian sa kausap.


"Yeah, yes may nagaganap po ditong away." Humakbang pataas na ako sa hagdanan pero napatigil ako sa huling sinabi ni Seb. "May nag aaway ditong aso't pusa, nagkakagalit na po sila, eto na nag pipikon na sila susunod na dito mag kakabati na sila, mag kakamabutihan na sila tsaka sa huli mag mamahalan na sila, diba sweet? Hahahahaha." Sumama ang tingin ni Sebastian nang iend na ng 911 ang usapan nila.


Pero mabilis na bumalik ang ngiti nya. "Diba sweet yon, 'dre? Hahahahahaha." Nakitang kong nakamasamang tingin si Mr. Percival kay Sebastian. Tinap ni Sebastian ang balikat ni Mr. Percival. "Geh, 'dre nood lang ako ng cartoon." Pfft --___-- . Cartoon ba o porn? Sa tono kasi nang pananalita nya ay may parang papanooring syang kagaguhan.


Tumatawa pa din si Sebastian. "Walang sweet don, puro imaginasyon lang." Sambit nito na nakatingin sakin.


"Wala talagang sweet don." Mahinang bulong ko sa sarili ko --___-- .


"Pusa." Rinig kong bulong ni Mr. Percival, ano ba akala nya sakin na hindi ko maririnig yon? Psh.


Hindi ko na pinansin ang lalaking yon kundi umakyat na ako sa taas. Hays, nakakapikon ang pagiging pikon nya.


Pumunta ako agad sa veranda para mag pahangin. Dinial ko ang cellphone number ni Secretary Lim. And it is good dahil sinagot nya iyon.


[Secretary Lim, gusto ko lang makausap si Chairman okay?]


[Tungkol saan, Young lady?]


[Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa, Secretary Lim, gusto ko nang matapos 'tong misyon na 'to.]


[That's not good, Young lady. Ipinag utos iyon ng lolo mo, at wala ka nang magagawa, kung gusto mong matapos na iyon, magpakatino ka na Young lady. I will hang up this.]


[Wait Se--]


Inend call nya ang tawagan. Aish, papano naman ako mag papakatino kung araw-araw ko silang makikita, makakasama at makakasalamuha? Pwede naman akong mag pakatino na walang kasama.


Pumasok si Seb sa kwarto ko na hindi man lang kumakatok.


"Pusang Nikki!"


"Oh?"


"Kain na daw."


"Ayokong kumain."


"Hindi pwede yan! Pakainin ka daw namin sabi ni Chairman, kaya let's go." 'Bat ba ang hilig manghila nitong Sebastian na 'to? Lagi nya na lang akong hinihila.


Nakarating kami sa kusina dito sa bahay nila. "Here." Hinila ni Sebastian ang isang upuan sa tabi nya para doon ako makaupo.


Umupo ako roon, nakapagsimula nang kumain ang tatlong lalaki pero wala si Tyron dito. Wala naman akong nakikitang pagkain na natira ng tatlong 'to, so ano pa ang gagawin ko rito? Kung wala naman akong kakainin.


"Kumain ka na, Pusang Nikki." Ani ni Sebastian.


"Ano naman ang kakainin ko rito kung wala naman?" --___-- .


"Oo nga naman, Seb!" Sabay dunggol ni Jake kay Sebastian na katabi ni Seb sa kaliwa nya at ako sa kanan nya.


"E? Hehehehe."


"Hayaan mo na nga lang sya, Seb, kung ayaw nya." Ani ni Mr. Percival.


Psh. Tumayo na ako para bumalik sa kwarto. "San ka pa pupunta, Nikki?" Ani ng lalaking nakaapron at may dalang beef steak na nakalagay sa plato.


"Eto na pala e, kain na!" Hinila ako papaupo ulit ni Seb. Tinanggal na ni Tyron ang apron'g suot nya tsaka umupo sa tabi ni Mr. Percival. Isang malawak na dining table ang kinakainan namin ngayon, pabilog ito na may limang upuan.


"Sarap talaga ng luto mo 'dre! Pwede ka ng mag asawa." Natutuwang ani ni Jake.


"Kaya solve na solve sayo si Cassandra e!" Tuwang-tuwang dagdag ni Sebastian habang kumukuha ng beef steak sa plato.


Hindi ko alam kung tumigil ba ang oras dahil si Mr. Percival ay napatigil sa pagkain, tsaka si Jake at Tyron na nakangiti ay napatigil.


"Dre." Siniko ni Jake si Sebastian na napatigil sa pagkuha ng beef steak. Bakit ba sila napatigil? "Pero dati pa yon! Wala na yon." Pag bawi ni Sebastian sa sinabi nya.


"Kumain ka na nga lang dyan, Seb, wag ka nang dumaldal pa." Sinubuan nang kanin ni Jake si Seb na kabundok ang dami. Ano ba ang mga problema nila?

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon