Chapter 7: Introduce

268 11 0
                                    

Nikki's Pov

"Okay, Chairman." Huling sambit ni Nigel bago nya patayin ang tawagan nila.


"Ano ang sinabi nya?" Bungad ko sa kanya.


"Uuwi na tayo..."


"Uuwi na?" Lumaki ang mata ko sa sinabi nya, dahil gusto ko na talaga umuwi sa dorm. "Oo, uuwi na."


"That's good."


"Yeah, it's really good." Anong bang ekspresyon ang pinapakita ni Nigel? Parang may sumapi sa kanyang masamang elemto kung makangiti.


"So let's go." Inilahad ko ang kamay ko na mauna na sya, nakangiti naman syang naunang mag lakad. "Let's go to my house!" Sabay tawa nya na parang sinapian.


Pumasok na ako sa kotse, dun ko pa lang na realized ang sinabi ni Nigel kanina. 'Let's go to my house!' The f*ck. Sa bahay nya?


"Ang ibig mo bang sabihin sa bahay mo tayo uuwi?"


"Yeah."


Hahahays. 'Di na talaga magiging tahimik ang araw ko na 'to, dahil sa kanilang lahat. Hindi na ako umangal sa sinabi ni Chairman kay Nigel kaya nakarating kami sa bahay ni Nigel ng matiwasay.


"Where's my room?"


"Sa taas, kumaliwa ka at dun mo na makikita ang guest room."


Wala nang paligoy ligoy pa akong nahiga kagaad sa kama dahil hindi ko na mapigilan na antukin.


Sumilip na ang araw sa kurtina. Tumayo at inunat ko na ang aking katawan.


Damn!


Nasan ang kwintas ko? Hinawi ko agad ang kumot ko at sinuot agad ang tsinelas ko.


"Manong!" Kinakalabog kalabog ko ang pinto ni Nigel.


I'm deadly serious, where's my necklace? Shit!


"What?" Bungad na wika nito nang buksan na nya ang pinto.


"Where's my necklace, Nigel?" I asked.


"Hindi ko alam." Pumupungay pa ang mata nya.


"Anong hindi mo alam? Ikaw at ako lang naman ang nakatira dito ngayon."


"Hays. Ang aga aga ang ingay mo na."


"Don't you get it? That necklace is very important."


"Makikita mo din yon, Manang."

_______


Nag lalakad ako sa corridor kung saan ang daming mga estudyante na naglalagay ng kung ano-ano sa mga locker nila. At may mga locker number din dito, and my number is 150 at nakahilera ito sa Section C, tig pifithy ang isang section.


Napahinto ako sa silid aralan na nag sisimula na ang klase, etong lugar na 'to ang pakikisamahan ko dahil ito na ang magiging pangalawang panggulong bahay ko maliban sa bahay ni Chairman na natirahan ko ng matagal.


Inabot ko ang hood ng jacket ko sa likod na inangat ko para italukbong sa aking ulo. Ayaw ko sa school uniform ng Prestley University.


Masyadong malayo sa kinaroroonan ng mga tipo ko itong isang damit na 'to.


Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon