Chapter 20: Playboy

118 5 0
                                    

Callie's Pov

Tumingin ako kay Nikki na dismeyado na dismeyado. "So totoo nga yon, Nikki?" Nakapoker face lang sya, hindi sya umiimik. "Totoo ngang nakatira ka sa iisang bahay kasama si Jake." Bumuntong hininga akong sumandal sa pader na nasa likod ko lang.


"Kelan pa, Nikki?" Matamlay na tanong ko sa kanya. "Nung biyernes lang Ms...?" Sagot ni Jake.


"Ms. Montecillio, Jake." Tugon ko sa kanya. "Ah, Ms. Montecillio, nice surname." Sambit ni Jake.


"Papaano mo na papayag si Nikki, Jake?" Hindi pormal ang pakikipag usap ko kay Jake, dahil magkaedad lang naman kami.


"Ganito ka--"


"Hindi ako pumayag sa gusto nila, at hinding hindi ako papayag ron, Callie." Pagdidiinan sakin ni Nikki. Kung ganon bakit nangyari pa din yon?


"Pero bakit pa rin nangyari na kahousemate mo si Jake?"


"Kinidnapped namin sya." Sabat ni Jake.


"Kinidnapped?!" Napatayo pa ako sa gulat ko, na ikatingin sakin ng ibang nasa cafeteria.


"Hehehehe! Sorry." Mahinang pilit na pag tawa ko, umupo ako kaagad tsaka lumapit ng kaunti kay Nikki.


Napansin kong tumatawa si Jake sa naging reaksyon ko. Psh, sinenyasan ko si Nikki'ng lumapit sa akin, nilapit naman nya ng kaunti ang mukha nya sa akin.


"Kinidapped ka nito pero wala ka man lang reaksyon at wala ka man lang ginagawa ha?! Ano ka ba, Nikki? Ano ba gusto mo? Isusumbong ko na ba 'tong lalaki na 'to sa mga pulis?" Bulong ko sa kanya. Nakita kong inuusisa kami ni Jake kaya sobrang mahina lang ang bulong ko kay Nikki.


"O kaya isumbong mo kay Lolo?" Dagdag ko pa. Kay Lolo Alessandro, sa lolo ni Nikki na tinuturing ko na din'g lolo.


Mas lalong blumangko ang ekspresyon nya, inilayo ni Nikki ang mukha nya nang sabihin ko iyon tsaka sya umayos nang upo, muli nyang tinignan si Jake.


"Pft hahahaha." Tumawa si Nikki ng pilit. "Papaano ako mag susumbong sa taong may pasimuno nang pagpapakidnapped sakin, Callie?"


"Ha? Ang ibig sabihin mo..." Nilingon ko si Jake na ngumingisi pa rin.


"Pati si Lolo kasama sa plano nyang pagkidnapped sayo?"


"Oo, Callie." Tugon ni Nikki.


"Hays. Buti naman naisipan na ni Lolo'ng gawin kang disiplinadong babae."


"Pati ba naman ikaw Callie?!" Sigaw ni Nikki pero poker face pa din ang mukha.


"Makakabuti sayo yon, Nikki, dahil kung may mga kasama ka sa bahay ay mas maganda na sa amin yon at para na din hindi ka na makagawa nang gulo o may makaaway pa." Ani ko.


"Disiplinado ako, Callie, maayos at tahimik ang buhay ko kaya hindi ko kailangan ng makakasama sa bahay man o buhay." Puna nya.


"Base sa mga naririnig at napapanood namin sayo, Nikki, ay hindi totoo yang mga sinabi mo dahil paano naging disiplinado ang pakikipag away sa mga lalaki o kanino man?"


"Wala na ba kayong sasabihin? Dahil kung wala na, aalis na ako." Tumayo na sya tsaka umalis. Hays. Talaga naman oh! Kinakausap pa namin sya e.


"Nikki!" Tawag ko sa kanya pero wala pa din, nag patuloy lang sya sa pag alis.


Nikki's Pov

Pabalik na ako sa klaseng hindi ko napasukan ng maayos dahil napalabas kami ni Callie. Tanghali na kaya iba na ang teacher namin at hindi na ang teacher na nagpalabas sa amin.


Mabilis na din nayari ang pagtuturo ng teacher namin kaya bigla akong nabilisan sa oras dahil parang isang segundo lang akong nakaupo sa pwesto ko at ayaw pang umalis dahil ayaw pang umuwi.


"Kailangan pa ba kasi yon?!" Tanong ko sa sarili ko habang nag lalakad sa corridor. Napilitan akong umalis sa room namin dahil ilalock na ng teacher namin ang room namin.


"Diba sabi mo babe, mag dedate tayo ngayon?" Saad ng isang babaeng nakakapit kay Jake. Bakit ba lagi ko na lang sila nakikita?


"May sinabi ba akong ganon, babe?" Tanong ni Jake sa babae.


"Psh!" Kumawala yung babae sa braso ni Jake na ikinasimangot ni Jake. "Lagi mo na lang kinakalimutan ang mga pangako mo! Nakakainis ka na ah!" Pag uumok nito.


"So let's break up?" Nakangiting saad ni Jake. Nagulat ang babae sa sinaad ni Jake kaya agad nya itong hinawakan sa kamay.


"No! Nag papalambing lang naman ako e." Kumapit uli ito kay Jake na niyakap nya na rin.


"Okay." Saad ni Jake.


Dito pa talaga sila nag lalandian? Hays, nakakalungkot mang sabihin, kawawa kang babae ka dahil hindi lang ikaw ang babe nyan.


Nag patuloy ako sa pag lakad, nakita kong lumabas sa isang gilid si Sebastian na may kasamang babae.


"Dre, hanap ka ng chikababe mo." Ani ni Sebastian na itinuro ang babaeng kasama nya.


"Bakit ka nandito, baby?" Gulat na itinanong ni Jake sa babae.


"Anong baby ang pinagsasabi mo, babe?!" Galit na tanong ng babaeng nakakapit kay Jake. "Sino ka naman babae ka?!" Tanong nang babaeng kasama ni Sebastian.


"Ang babe ni Jake, may problema ka ba don?!" Pag tataray ng babaeng nakakapit kay Jake.


"Oo meron! Dahil baby ako ni Jake!" Sigaw ng babae.


"Aish! Tumigil na nga kayong dalawa, wala kahit sino man sa inyong dalawa ang baby at babe ko dahil makikipag break na din naman ako sa inyo ngayon." Awat ni Jake na nagpatigil sa dalawang babaeng nag sisigawan.


"Hindi! Jake tayo pa rin!"


"Hindi ako papayag, Jake!"


Lumayo na si Jake sa dalawang babae. "Napabilis lang ang pakikipag break ko sa inyo dahil nag kita-kita tayo ngayon. So iwan ko na kayo, ingat kayo chikababes." Hindi na nakapag salita ang dalawang babae kundi nakatingin lang sila kay Jake, binagyan ng halik sa pisngi ni Jake ang dalawang babae tsaka sya umalis. Nakanganga ang dalawang babaeng naiwan sa isang gilid na hindi makaangal sa sinabi ni Jake.


Sinundan ni Sebastian si Jake, yumuko ako ng malapit na nila akong lagpasan dahil papunta sila sa gawi ko, para hindi na din nila ako mapansin.


Lumakad na ako papaalis sa pwesto ko pero ang dalawang iniwan ni Jake ay nandun pa din'g nakatayo nang lagpasan ko.


Nasa labasan na ako ng Prestly na naghihintay. Isang store na nasa gilid ng Prestly ang nakaagaw nang pansin ko. Tindahan ito ng kwintas na nag paalala tuloy sakin sa nasirang kwintas ko.


Hindi ako yung taong iyakin pero pagdating sa mahahalagang bagay o tao man sakin ay kahit ganito ako ay napapaiyak pa rin ako.


"Wala pa rin ba sila Jake at Sebastian?" Tanong nang lalaking kakarating lang na si Tyron, nanggaling sya sa loob ng Prestly.


"May nakikita ka bang may iba akong kasama?"


Ngumiti sya ng bahagya. "Wala, pero sila ang inatasan kong mag uuwi sayo araw-araw sa bahay natin, Nikki."


"Sa inyong bahay, hindi sa ating lima." Sambit ko sa nakangiting kasama ko.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon