Nikki's Pov
Nanatili akong nakaupo, sila din ay nanatiling nakatayo sa harapan ko.
Wala na akong piring, wala na din akong ganang makipag talo sa kanila. "Malapit na ba si Chairman?" Tanong ni Jake na tumapos sa katahimikan sa loob ng kwartong ito.
"Pupunta na, Jake." Tugon ni Tyron.
"Anong oras na oh! May date pa kami ng mga chikababes ko e." Patingin tingin pa sya sa relo nya na hindi mapakali.
"11:36 am na." Pilosopong tugon ni Tyron.
"Dyan naman kasi kayo magaling, mang pilosopo kesyo wala kayong chikababes." Hangin talaga. --___--
Binatukan ni Sebastian si Jake na nakasalamin pa. "Ano ba?!" Iritang wika nito.
"Sa ating apat ako lang ang gwapo kaya yang pinag sasabi mo, 'dre, wala yan." Ani ni Sebastian.
Binatukan na sabay ni Jake at Tyron si Sebastian na sinamaan sila nang tingin. Tahimik lang ang lalaking nasa gilid ni Tyron. Siguro na tauhan syang mali ang ginawa nya sa kwintas ko.
May nag ring na cellphone na agad na sinagot ni Tyron.
[Nandito na kami, Tyron]
Parang pamilyar sakin ang boses nang tumawag sa kanila. Sino ba kasi ang chairman na tinatawag nila? Ayun ba ang boss nila?
In-end call na ni Tyron. Samantalang si Mr. Percival ay nakatingin lang sa labas ng pinto na may hinihintay yata. Saktong pag katingin ko rito ay nakita ko ang pamilyar na secretary ni Chairman. Si Secretary Lim?! Wag mong sabihin na sya ang boss nila?!
"Nandito ka na, Secretary Lim."
"Secretary Lim?!" Nasigaw ko ng nag sink in na sakin ang lahat na nandito sya. Na kasama sya sa planong pag kidnapped sakin.
Yuko at ngiti lang ang sinukli nya sa akin, ano naman ang magagawa ko sa yuko at ngiti nya? Hays. Ang gulo.
Mas nagulat ako sa sumunod na pumasok sa kwartong ito. Bakit sya nandito? Ano ginagawa nya dito? Sya ba ang chairman na tinatawag nila at boss? Ano ba talaga?
"Lolo?!" Naguguluhang wika ko sa kakapasok palang na si Chairman, ang lolo ko.
Hindi naman ako ganito sa mga dating ganitong sitwasyon, pero dahil sangkot na ang Lolo ko, ay iba na ang dating nito para sa akin.
"Baby." Malawak na ngumiti sakin si Lolo.
"Upuan, Chairman." Ani ni Tyron na binigyan si Chairman nang mauupuan. Hindi sya umupo doon kundi nanatili lang syang nakatayo.
"Our boss, Chairman Alessandro Dweller." Pag papakilala ni Tyron.
Ano ba ang palagay nila sa akin, na hindi ko kilala ang sarili kong lolo? Psh. --___---
"Hi, baby. It's been a months? Years?" Ani ni Chairman.
"Nah." Yaan lang ang nasabi ko sa lahat nang sinabi nila.
"Papakawalan na ba namin si Nikki, Chairman?" Tanong ni Tyron.
"No, dahil si Nikki... ay makakasama nyo sa iisang bahay habang hindi pa sya nagtitino sa mga pinag gagawa nya, Mr. Syth. At ito ang pangatlong misyon nyong apat, ang mamuhay na kasama si Nikki. Ang misyon na ibibigay sa inyo ni Chairman simula ngayon." Mahinahong sagot ni Secretary Jacob para kay Chairman.
"Kung yan ang sinabi ni Chairman, we will do it." Wika ni Tyron. Tahimik lang ang tatlo, si Tyron lang ang nag sasalita sa kanila nang dumating sina Secretary Lim at Chairman.
"Anong?! Chairman... Lo? Matino na ang apo nyo, matino na ako. Wala na akong ginagawang kalokohan, at wala na din akong balak na gumawa non. Kaya yang misyon na yan! Ay hindi na kailangan pa, dahil ang Nikki na nakilala nyo ay matino na." Angal ko sa kanila.
"Ano ang matino sa pakikipag away sa unang pasukan palang nang klase, baby? Tsaka ang bumali ng kamay? Ang makipag away sa isang lalaki para lang sa gusto, ano ang matino don, baby?"
Alam nya yon lahat?! Paano? Baby?!
Halatang hinihintay nila ang sagot ko sa tanong ni Chairman. Maliit na binuka ko pa lang ang bibig ko pero sila ay nakanganga at nakatingin na sakin.
"Wag..." Seryoso ba sila sa ekspresyon nilang nakanganga habang hinihintay ang sasabihin ko?
'Wag... ano?'
'Hmmm...?'
'Waggg?'
'Huh?'
Parang ganyan ang mga sinasabi nila sa sarili nila habang nakatingin sakin habang hinihintay ang tugon ko. Parang ganyan na oo. Tas parang silang hindi humihinga dahil nakanganga sila.
"Wag nyo na akong tinatawag na baby, Chairman, matanda na ako 'Lo."
"Hays. Yun lang pala e." Bumuntong hininga sila nang marinig ang tugon ko. Bakit pa ba kasi nila hinihintay yung tugon ko? --___-- .
"So hindi mo idedeny ang lahat nang sinabi ni Chairman?" Tanong ni Jake.
"Bakit ko naman idideny yon, kung totoo naman ang sinabi ni Chairman?" Sagot kong patanong din.
"Eh kasi ganun yung madalas na napapanood ko e hehehe." Kinamot ulit ni Jake ang ulo nya. "Psh." Sinamaan ulit nila si Jake nang tingin.
'Ano na naman ang nagawa ko?' Basa ko sa ekspresyon ni Jake na nakatingin sa tatlong kasama nya.
"Kung ganun na nga, baby, mananatili ang pang tatlong misyon nilang apat, you will living with these four boys starting from now."
Baka naman. Living with the four bad boys? At hindi lang Living with the four boys? Ang ibig sabihin ni Chairman.
Hays. --____--
"Chairman?! 'Lo?!" Hindi nya ako tinignan kundi humarap na lang si Chairman sa apat na lalaki na iyon.
"Binigay ko ang buong tiwala ko sa inyong apat para sa misyong ito kaya sana ay mabuti ang kahantungan nito, Mr. Syth, Percival, Colton and Ocampo."
"There's no mission because I will break that mission." Saad ko.
"Do what you want, baby, pero ang koneksyon sa lahat nang kailangan mo na ibinibigay ko sayo tuwing buwan ay mawawala. Atm, money, tuition fee or anything else that will disappear like a bubble, if you do that." Mangahas na wika ni Chairman.
"Take care of my granddaughter, boys." Tinapik ni Chairman ang balikat ni Mr. Percival. "Sayo ko pinaka ipinagkakatiwala si Nikki, Mr. Percival, sana magawa nyo nang maayos."
"We will do..." Nag kasabay na wika nila Tyron at Mr. Percival. Nag katinginan silang dalawa. "We will do our best, Chairman, don't worry." Pero si Mr. Percival na ang nag ulit at nag tuloy nang sasabihin sana nilang dalawa. Nginitian nya si Chairman, tinapik ulit ni Chairman si Mr. Percival.
"Aalis na kami, Mr. Percival, take care of my young lady." Saad ni Secretary Lim na sumunod na kay Chairman na lumabas.
Nakatingin silang lahat sa pintong sumara na, pero nabaling na ang tingin nila sakin'g apat.
---____--- ?
"Ano na ang gagawin natin sa babae na 'to, mga 'dre?" Tanong ni Sebastian.
"Edi... ano.."
"Anong ano?!" Sigaw ko sa kanila na ikinangiti lang nilang apat.
*****

BINABASA MO ANG
Living with the four Bad boys
Teen Fiction"No, dahil si Nikki ay makakasama nyo sa iisang bahay habang hindi pa sya nagtitino sa mga pinaggagawa nya, Mr. Syth. At ito ang pangatlong misyon nyong apat, ang mamuhay na kasama si Nikki. Ang misyon na ibibigay sa inyo ni Chairman simula ngayon."...