Nikki's Pov
Ang tagal ni Nigel bumalik kaya nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. "Bakit ngayon pa?" Tanong ko sa sarili ko nang matanaw ko ang makulimlim na langit.
Humawak na ako sa car door pero tumingin ako ulit sa makulimlim na langit. Bumalik ako sa pag sandal sa likod ng kotse ni Nigel dahil nag bago ang isip kong pumasok sa loob.
"Hey." Wika ng isang lalaki na nakatayo sa harapan ko. "Pwede ba?" Tingin nya sa tabi ng sinasandalan ko. "Hmmm?" Tumango na lang ako.
Nakangiti syang sumandal sa tabi ko. "Busy ka 'ata sa nilalaro mo?"
"Halata ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango sya, "Pwede bang makahingi ng oras mo?" Pft. Nakakahingi na pala ng oras? Aish.
Sumusobra na yata ang pagiging close nya? "Oras gusto mo? Diba? Punta ka sa mall, bili ka ng relo." Pabarang sabi ko sa kanya. Umalis na ako sa pagkakasandal ko sa kotse ni Nigel, saktong nakahawak na ako sa car door nang makita ko sa 'di kalayuan si Nigel.
"Ingat ka, baka makuha ko lahat ng oras mo." Sabay matamis na ngiti nya sa akin. "Ingat ka din, baka masaktan kita." Pabara ko ulit na sabi sa kanya, masasaktan ko sya sa sapak.
"Tatandaan ko yan, Ms. Dweller." Sumaludo pa sya bago umalis. Tsk, tyron.
"Sino yon, Manang?"
"Alien galing Mars." Sabay pasok ko sa kotse. Huminto yata ang mundo ni Nigel sa sinabi ko. Pfft hahaha. Binuksan ko ang bintana tsaka sinulyapan si Nigel na nakanganga sa labas.
"Let's go." Ani ko.
________
Bumangon ako sa pagkakahiga, pumunta ako palakad sa isang table ko dito sa kwarto ko, I mean sa guest room ng bahay ni Nigel na magiging kwarto ko na dahil kay Chairman. Kinuha ko ang paper bag na pinaglagyan ng kwintas ko na nawawala pa rin hanggang ngayon.
Hanggang ngayon hindi ko alam kung nasan na yon. Importante talaga sakin yon. Hays. Umupo na ako sa kama pero biglang kumulo ang tiyan ko.
"Aish. Nagluto na kaya yung Manong na yon?" Kumulo ulit ang tiyan ko kaya napahawak ako dito.
Bumaba ako para kumain na ng hapunan. Pero may nag door bell. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng pagkain sa kusina pero 'di pa din tumitigil ang pag door bell.
Hindi naman bumababa si Manong para pag buksan o tignan ito dahil baka may ginagawa na naman siguro sya sa taas at 'di din dinig ang door bell sa gawi ng kwarto ni Nigel.
Hays.
Binuksan ko ang pinto, nakita ko ang mala-grim reaper na secretary ni Chairman. Nakasuot na naman sya ng sobrang pormal na damit para sa kanya.
"What are you doing here?"
"May pinapabigay lang sa iyo si Chairman."
Inangat nya ang kanang kamay nya na may hawak na paper bag.
"Hindi ko kailangan yan. Thanks but no thanks."
"Chairman just secretly watching us, young lady. So take it."
Lumingon ako sa kanan at kaliwa ko, nakita ko ang isang kotse na nakaparada sa kalayuan.
BINABASA MO ANG
Living with the four Bad boys
Teen Fiction"No, dahil si Nikki ay makakasama nyo sa iisang bahay habang hindi pa sya nagtitino sa mga pinaggagawa nya, Mr. Syth. At ito ang pangatlong misyon nyong apat, ang mamuhay na kasama si Nikki. Ang misyon na ibibigay sa inyo ni Chairman simula ngayon."...