Chapter 29: First Day I (Boracay)

66 4 0
                                    

Nikki's Pov

Mahimbing ang pagkakatulog ko nang maaninaw ko ang tirik ng araw na sumisilip sa labas ng veranda. Bumangon ako sa pagkakahiga ko, sinuot ko ang hotel slipper tsaka ako pumunta sa veranda na saktong sakto ang pwesto sa magandang view.


"This is the day that I really want, a happy day, a peaceful day." Ngumiti ako dahil sa magandang view'ng nakikita ko.


Lumipas ang ilang oras ay bumaba na ako sa lobby dahil tinawagan na ako ng staff na may nakahanda na raw na buffet sa Vip Restaurant. Naka-big size sweatshirt at pajama lang ako ng pumunta ako sa Vip Restaurant, hindi sakin alintana ang mga sasabihin nila sa akin kahit ako pa man ang apo ng may ari ng hotel na 'to.


"Kanina ka pa po nila hinihintay, Ms. Dweller." Yumuko ito ng bahagya tsaka tinignan ang loob ng Vip Restaurant.


Wait. WHAT---?!?! Bakit sila nandito?!


Napatago ako kaagad sa likod ng pintuan nang makita ko sila Callie na masayang kumakain sa loob. Sino ang nagsabi sa kanila na nandito ako?! Paano?! Pinigilan ko ang sarili ko at tsaka malalim na bumuntong hininga.


"Ahh Ms. Dweller, ano po ang ginagawa nyo dyan? Kanina ka pa po nila hinihintay eh, bakit ayaw nyo pa po silang puntahan?"


Tinitigan ko sya na nagpatigil sa kanya ng pagtitig sa akin. "Wala ako dito. Wala ako! Kung gusto mong magtagal ka rito, ayan ang sabihin mo sa kanila." Tinalukbong ko ang hoodie ko sa ulo ko tsaka sa mukha ko.


Naglakad ako ng dahan-dahan pero huminto ako at bumalik sa kanya. Napalunok akong napatingin sa mga pagkain sa loob. "Just a little favor, Miss, gusto kong magdala kayo ng pagkain sa loob ng kwarto ko." Ani ko.


"Okay, Ms. Dweller." Yumuko sya ulit ng bahagya.


Padabog kong sinara ang pintuan nang makabalik na ako ulit sa kwarto ko. Sa sobrang planado ko nitong pag babakasyon ko rito tsaka dun pa sila dadating ng hindi ko kaalam-alam?! Wait?! Pakana ba 'to ni Chairman? What the h--. Hays, may kumatok sa pintuan, tinignan ko ito at ito yung staff na hiningan ko ng favor na dalhan ako ng pagkain.


Napaisip na lang ako na umuwi na lang sa Manila dahil kung nandito sila ay wala rin ang bakasyon na 'to, mas gugulo lang ang araw ko rito kung mag i-stay pa ako.


"Wala na ba sila, Miss?" Bulong ko rito. Napangisi ito sa akin, may problema ba sa tanong ko? "Three days po sila ditong mag i-stay, Ms. Dweller." Bulong nito sakin na natatawa pa rin.


Nga pala, 'bat ba ako bumubulong? Malayo naman 'to sa Vip Restaurant, so para saan pa 'tong pag bubulungan naming dalawa?


Naguguluhan na ako sa mga inaasta ko ngayon, hays bakit pa kasi nandito sila? Bakit dito pa nila naisipang mag bakasyon? Pwede namang sa Baguio, Batangas, Cebu o kung saan pa man at hindi dito.


"Hahahaha! Mga loko!"


"Sinong loko?!"


"Ikaw!"


"Hahahahaha."


"Anong?! Tapos na agad sila?!" Hindi ko alam kung saan ako pupunta kung sa kanan ba o kaliwa. Alam kong mga boses nila yon kaya mas nalilito ako kung saan ako pupunta. "Sa kanan ka na lang po pumunta, Ms. Dweller." Opinyon ng staff sa akin.


Sinunod ko na lang ang opinyon ng babae, tinutulinan ko ang pag lakad ko pero diretso pa din akong paglalakad ko para hindi ako masyadong mahalata na may pinagtataguan ako. Ayokong makita nila akong nandito dahil pag nakita nila ako dito ay baka magkameron pa ng world war III sa pagitan namin.


Palinga linga ako sa likod ko kung meron bang nakakapansin sa akin. "Nikki?" Napahinto ako kaagad nang marinig ko ang boses nya. "Ikaw nga! Nikki! Niknik! Bff ko! Kaibigan ko!" Masiglang winiwika ni Callie, alam kong sya yon.


Nakatalikod pa din ako sa kanya habang tinatakpan pa rin ang mukha ko. "Sorry Miss, hindi ako..." Umubo ako. "Ang tinutukoy mo." Umubo ako ulit. Nagboses pang lalaki ako tsaka naglakad na ulit.


"Wag mo nga akong pinaglololoko. Ikaw yan Nikki eh!" Hinitak nya ang sweatshirt ko na naging sanhi ng pagkahati nito at pagkapunit. "Sabi ko na nga ba eh. 'Bat mo ba kami pinagtataguan?" Tanong nya.


"Ikaw pala yan, Callie, hindi kita nakilala." Walang emosyong wika ko. "Pati ba naman dito wala ka pa rin'g kaemosyon-emosyon? 'Di mo ba nakikita yang magandang view na yan na pwedeng magpabago dyan sa walang emosyong mukha mo?" Nilapit nya ako sa veranda na humaharang lang sa tanawin.


"Mahlabs!" Nanlaki ang mata ko pero wala pa din'g ekspresyon na makikita sa mukha ko nang marinig ko ang boses ng pinsan ko. "Mauuna na ako." Tumakbo na ako.


"Si Nikki ba 'yon?"


"Habulin nyo si Nikki! Tinataguan tayo non eh."


"Nikki!"


Wala na akong pwedeng lusutan o puntahan dito sa napuntahan ko dahil ito na ang end nito. Napatingin ako sa katabi kong cr ng mga lalaki. Wala na akong choice, kailangan ko silang taguan.


Nag dalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi. "Nikki!" Wala na talaga akong choice dahil malapit na sila. Swerte akong walang tao sa loob. Pang isahan lang ito na cr. pero para din itong cr. ng babae na may pintuan ding nakadoble na nakaharang sa mismong cubicle. 


"Nasan na yon?"


"Nandito lang yon eh."


"Hanapin nyo, nandyan lang yon."


"Hindi pa yon nakakalayo."


Muntik na ako mapabalikwas ng bumukas ang pintuan at makita si Seb. "Ahhhh!" Tinakpan ko ang bibig nya.


"Ano yon?"


"Narinig nyo ba yon?" Rinig kong usapan at tanungan ng mga lalaki sa labas.


"Wag kang maingay kung ayaw mong mawala yang tweety bird mo." Tinignan ko sya ng panlilisik kaya napatigil ito sa pag sigaw.


Hinila ko sya sa pintuan para mapakinggan naming dalawa kung meron pa bang tao sa labas. Tinulak ko sya ng wala na akong marinig na boses sa labas.


"Aray naman!" Angal nito. "Oh, san ka pupunta?!" Hinila nya ako papasok sa loob ng cubicle.


"Bitawan mo nga ako!" Inggil ko dito. Binitawan naman nya ako, lalabas na sana ako ng ayaw nang mabuksan ang pinto. "Anong ginawa mo?!" Tinulak ko ito pero ayaw. "Ewan ko." Sambit nya lang.


"Oh lord?!" Napatingin ako sa kanya nang umasta syang parang bakla. "Kaya ka ba nandito dahil gusto mong matikman ang tweety bird ko? Kaya ayaw na din nyan mabuksan dahil plinano mo ang lahat para lang don?! Gwapo ako! Hindi pa ako ready!" Krinus nya ang braso nya sa katawan nya. "Pft, as if namang may tweety bird ka." Ani ko.


"Tsk --__-- ." Sinamaan nya ako nang tingin.


Hinawi ko sya at pinalipat sa pwesto ko ngayon tsaka pumunta naman ako sa pwesto nya. "Nikki! Alam kong gwapo ako pero hindi ako handa sa mga oras na 'to baka mamayang 6:09 pm baka maging handa na ako. Kaya please wag ngayon, okay?!" Pag mamakaawa nya.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon