Chapter 22: Rule

117 4 0
                                    

Nikki's Pov

Ginamit ni Sean ang table napkin para punasan ang gilid ng labi nya tsaka ito tumayo, hindi nya na tinapos ang pagkain ng banggitin ni Seb ang pangalang Cassandra ay nag iba na ang mood nilang lahat.


Umakyat na sa taas si Sean. "Wag nyo nang pansinin si Sean baka busog na yon." Ani ni Jake.


Natapos na silang lahat kumain pero ako nandito nakatunganga na lang sa pagkain sa lamesa. "Sino na mag huhugas nito?" Tanong ni Sebastian.


"Hindi ako, may date pa kami ni Alexa." Sabat agad ni Jake.


"Tsk. Kakatapos nyo lang kaninang mag date tas meron na naman agad ulit?!" Sabat ni Sebastian kay Jake.


"Syempre gwapo e." Nakangiting ani ni Jake na umalis ulit.


Tinignan ni Tyron si Sebastian. "Ha?! Hindi ako! Mag eexercise pa ako, 'dre. Kayo na bahala dyan." Sambit ni Sebastian na mabilis pumunta sa kwarto nya.


Exercise? Gabi na para don. Napangiting tumayo si Tyron nang tignan nya ako, pinag sama-sama nya ang mga pinag kainan namin.


"Ako na ang mag huhugas, Nikki, pwede ka nang matulog." Ani nito habang sinasalin na nya ang ginamit naming pang kain sa lababo.


Nanatili muna akong nakupo sa kinauupuan ko, tinapos ko munang kainin ang beef steak na niluto ni Tyron.


"We have one rule, Ms. Dweller, kung sino ang huling kumain na nasa lamesa, sya ang lahat mag lilinis sa mga pinag kainan, so ang ibig sabihin non, ikaw lahat ang mag huhugas at mag lilinis nitong pinag kainin."


"Yun lang ba rule nyo? Fine, I will do that." Walang alintanang tugon ko sa kanya.


Pinag sama-sama ko na ang mga ibang plato at pinag kainan namin. "Madali ka naman palang kausap, Pusa." Then Sean smiled.


Psh. --____-- .


"Hindi kasi ako katulad mo, mahirap kausap." Saad ko.


Pumunta na ako sa lugar kung saan nandon ang lababo, nakasalubong ko si Tyron na pabalik na sana sa lamesa. "Bakit hawak mo yan? Ako na, Nikki." Kinukuha nya ang dala kong mga plato.


"Ako na." Sambit ko sa kanya.


"Ako na, matulog ka na lang, Nikki."


"Ikaw na lang ang matulog."


"Hindi pa ako inaantok kaya ako na ang bahala dito."


"Diba may rule kayo? 'Bat mo pa gagawin yang bagay na yan, kung ako dapat ang gumawa?"


"Anong rule?" Takang tanong ni Tyron. "Hindi mo alam?" Napakunot noo sya.


"Kung sino ang huling kumain na nasa lamesa, sya ang lahat mag lilinis sa mga pinag kainan, so that's means, ako ang mag lilinis at mag huhugas ng mga pinag kainan natin kanina."


"Wala kaming ganon'g rule, Nikki." Natatawang ani nya.


"E ano an--nevermind." Pabago bago kong sambit.


"Ako na, Ms. Dweller." Pilit na kinukuha nya sa akin ang plato.


"Ilang beses mo pa ba gustong sabihin ko sayong ako na ang mag aayos dito?" 'Bat ba ang kulit nya? --___-- .


"Tutulungan na lang kita, ayos na ba sayo yon?" Aish. Kulit talaga, hinawi ko na sya sa dadaanan ko. Dumiretso na ako sa lababo, inilagay ko sa gilid ng lababo ang mga huhugasan ko.


Sinuot ko ang apron na nakasabit sa gilid ng refrigator. Binuksan ko ang gripo, sinimulan ko ng mag hugas. Dumating sya na may suot na apron ulit.


"I will help you." Kinuha nya ang ibang plato sa gilid ko at tumabi sakin para mag hugas din ng plato.


Natapos na kami sa pag huhugas. "May palaka." Sambit ni Tyron, tinignan ko ang nginunguso ni Tyron.


Wala naman akong nakitang palaka o ano man sa ibaba. "Tooot. Hahahaha." Tumusok sa pisngi ko ang hintuturo nya dahil nakaabang na ito nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya.


"Psh." --___-- . Kitang kita ko sa ekspresyon nya na tuwang-tuwa sya sa ginawa nya.


"May butiki." Ani ko. Tumingin sya sa taas bago nya ibalik ang tingin sakin ay binatukan ko na sya agad.


"Gotcha, Mr. Syth."


"Hays. Hahahahaha." Nahawa ako sa tawa nya, kaya napatawa din ako ng bahagya hahaha.


"Good night, Nikki." Tinignan ko lang sya nang sambitin nya iyon. Pinupunasan ko na ngayon ang lamesa, sanay ako sa mga ganito dahil nakatira na din ako sa isang dorm na walang kasambahay o yaya.


"Halatang-halatang masaya kang kasama si Tyron, Ms. Dweller, that's nice, baka sya ang mag patino sayo." Iniluwa sya ng isang pader kung san sya nanggaling.


"Ano naman ang pakialam mo kung ganon nga?"


"May pakialam ako dahil ako ang inatasan ni Chairman para patinuin ka, Ms. Dweller."


"Are you sure for that? Kasi kung ako sayo sukuan mo na ang misyong yan na wala namang kwenta, at hindi mo naman magagawa, Mr. Percival." Wika ko.


"Hindi kita susukuan, Ms. Dweller, just wait for it." Lumapit sya sa akin. Tumayo sya sa harapan ko, pero patuloy pa din ako sa pag punas ng lamesa. Hindi ko sya tinitignan, "Kung hindi si Tyron, ako, Ms. Dweller." Mahina pero seryosong wika nito sa pinakatapat ng tainga ko.


"What the hell you mean, Mr. Percival?" Hindi nya ito sinagot kundi umalis na lang sya tsaka umakyat sa taas. Umakyat na din ako kaagad papunta sa kwarto ko para matulog.


Nandito na ako sa loob ng silid aralan namin, maaga akong pumasok dahil mas gusto ko dito kesa sa bahay na yon.


"I know this is nothing to do with my Subject, my Filipino subject. But you need to pass a book, The Future of the Mind. Bukas na ang deadline ng pag papass nito dahil kailangan agad itong i-donate ng mga council."


"Pero naman Ma'am?" Angal nila dahil sa sinabi ng teacher sa harapan.


"San naman kami makakahanap ng ganon Ma'am?" Tanong ni Alvin.


Nag ring na ang bell pero nandito pa din ang lahat dahil umangal sa pag papass, hinihintay pa din nila ang sagot sa tanong ni Alvin.


"I know the library store have that book, but I'm not sure."


"Thank yoooooou Ma'am!" Sigaw ng mga kaklase ko na nag silabasan agad para pumunta sa Library store dito sa Prestly. Pati na din si Callie nag madaling pumunta don.

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon