Chapter 8: Head mistress' Office

249 9 0
                                    

Nikki's Pov

Hindi sya tumigil sa pag sasalita. Wala naman akong gagawin pero kung makapag alala sya, sagad na hanggang balun balunan.


"Ano na naman ang balak mo ha? Nikki Dweller naman, kung gusto mong matapos ang away na yon, isumbong mo sa Head Mistress o kaya sa Student's Officer ng school natin, hindi yung idadagdag mo na naman yan sa mga nasangkutan mong away dito sa Prestly."


Bumuntong hininga si Callie. "Hindi palagi kailangan ng kasama, Callie, pero kung kailangan ko na talaga, isasama ko pa ang buong myembro ng Bts at Exo, para hindi ka na mag alala ng ganyan." Tinapik ko ang balikat nya.


Umamba na nang sampal ang natapunan na babae sa babaeng nakasalamin.


"Sino ka namang?!" Napasigaw sya nang pigilan ko syang sampalin ang babae. Napangisi ang babae nang makita nya ako, walang ekspresyon na pumungay sa mga mata ko sa kanya. "Ano mo 'to, nerdy? Kaibigan mo? May nakuha ka pang humanap ng resbak ha."


"Bitawan mo nga ako!" Tatanggalin nya na sana ang kamay ko sa pulso nya pero inunahan ko na syang tanggalin ang sarili kong kamay sa pagkakahawak sa kanya.


Humati ang pabilog na namamagitan samin, bumungad ang mga student's officer na agad nila nilayo ang babaeng nakasalamin pati na din ang babaeng pinigilan ko.


Kasama nilang dumating si Callie na alam kong na nandun lang kanina sa gilid. Hinila nya ako papalayo sa madaming taong nakapalibot sa amin. Tumakbo kami pero nag lakad na lang dahil malayo na kami sa cafeteria. Nakarating kami sa susunod na subject namin ni Callie.


"Ms. Reyes, stand up." Sambit ni Sir Daryl nang makita nya si Melissa na nakikipag daldalan lang sa katabi habang sya ay nag didiscuss sa harapan.


Tumayo sya. "Y-yes, S-sir?"


"Sino ba sa pagkakaalam mo si Albert Einstein, Ms. Reyes?"


Naglakad lakad sya sa harapan habang hinihintay nya ang sagot ni Melissa. "Kung nakikinig ka, alam mo yan, Ms. Reyes." Madiin na ani ng teacher sa harapan.


"Ah e uhm, sya y-y.."


"Si Albert Einstein ay isang Aleman Swiss Amerikanong pisikong teoretikal na kinikilala bilang isa sa pinaka mahalagang siyentipiko sa ika-dalawampung siglo at isa sa pinakamahusay na pisikong nabuhay sa kasaysayan ng agham." Hindi ko mapigilan na sumagot, nakatingin ako sa labas habang sinasabi ko iyon.


"At ang pinakamahalagang papel na kanyang ginampanan sa agham ay ang pagbuo ng espesyal na teoriya ng relatibidad at teoriyang pangkalahatang relatibidad."


"Ayun na nga yon, Sir hehehe." Sabat ni Melissa habang pasimpleng umuupo. "Ayun din yung sasabihin ko sana kaso naunahan lang ako ni Nikki." Ngumiti sya sa lalaking nakatayo sa harapan, nang makaupo na sya ay nginitian muna nya ako bago nag buklat ng libro.


"Very good, Ms. Dweller." May kumatok sa pinto kaya dun napunta ang atensyon naming lahat.


"Excuce me, Sir Sy, can I excuse Ms. Nikki Dweller and Ms. Callie Montecillio?"


"Yes ofcourse."

______


"Psh! Nakakairita talaga yang Dawn na yan! Maiiluto ko talaga sa kumukulong tubig yan e." Iritableng sinasambit ni Callie nang makalabas kami sa Head mistress' Office.


"Bakit mo pa kasi sinabi sa mga students officer na may nangyayari sa cafeteria kanina na alam mo namang kaya kong gawan ng paraan?" Umaamba pa si Callie sa pintuan ng Head mistress' Office bago pa kami umalis.


"Kaya nga pinagsisisihan ko na e." Ngumisi na lang ako sa kanya.


Nandito kami sa labas nang Prestly, kumakain nang street food. Kaming dalawa ni Callie ang mag kasama.


"Hi." Sabi nya habang tumataas pa ang kilay na nagpapacute kay Callie. "Umalis ka nga! Kita mong kumakain ako e." Pag susungit ni Callie kay Nigel. Napangiwi naman si Nigel sa pag susungit sa kanya.


Umupo ako sa bench na nakagilid lang sa gawi nang nagtitinda nang street food. "Tsk." Sama nang tingin ni Callie kay Nigel na ikinatawa ko, dahil ang sungit nya talaga sa mga lalaking dumidikit sa kanya, lalo na din sa mga manliligaw nya.


Tumabi sakin si Callie na hindi pa din nya pinapansin si Nigel.


Hindi ko naman masisisi ang mga lalaking iyon dahil maganda naman talaga ito na may pagkamasungit nga lang.


"Sungit mo naman, Callie." Ani ni Nigel na pumagitna samin ni Callie, sabay dumiskarte syang akbayan kaming dalawa ni Callie.


Tumingin muna kami sa isa't isa ni Callie at agad batok kay Nigel bago pa kami akbayan. "Aish -__- ." Tumayo na si Nigel na hinihimas ang ulo nya. "Mag kaibigan na amazona -__- . Lalo ka na, Manang!" Sigaw samin.


"Abaaaa?!" Umamba na naman na babatukan ni Callie si Nigel.


Pasubo na ako sa kwek-kwek ko nang tignan nila ako. Napataas naman ako ng kilay. "Hindi mo ba ako pipigilan?" Takang tanong ni Callie.


"Oo nga, 'di mo ba sya pipigilan, Manang?" Masamang tingin sakin ni Nigel.


"Bakit ko naman kayo pipigilan? Tuloy nyo lang." Sabay subo ko na sa kwek-kwek ko. Sinunod naman nya ang utos ko dahil binatukan na ni Callie si Nigel.


"Pst." Nag paswit si Nigel kaya napatingin ako sa kanya. Nag poker face lang ako.


"Alis na tayo, hinihintay na tayo ng kotse ko." Ilang minuto lang nakadating na kami sa pwesto kung saan pinark ni Nigel ang kotse nya.


"Kelan pa nagkaroon ng kotse na naghihintay?" Takang tanong ko.


"Ngayon-ngayon lang hahahaha."


"Psh."


"Nasan ang cellphone ko?" Ani nya habang hinahalugad ang back seat at ang compartment. Pinapanood ko lang sya habang naghahanap.


"Pahiram ng cellphone mo, Manang." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Hindi mo ba kita na ginagamit ko?" Tinaas ko ang kamay ko habang tap nang tap sa screen.


"Saglit lang naman e."


"What do you need on my cellphone? I will do it, just say it."


"Tawagan mo ang number ko baka sakaling may sumagot."


Tinawagan ko ang number ni Nigel. May sumagot na boses lalaki pero kay Nigel ko na pinakausap.


"Hays. Kuhanin ko lang sa room yung cellphone ko, hintayin mo ako dito." Tumango ako sa kanya, mabilis na lumabas sya ng kotse.


Naglaro ako ng Clash of Clan habang hinihintay sya, pero ang signal ay ayaw makisama sakin. Ang hina sa loob ng signal kaya lumabas ako, pumwesto ako sa likod ng kotse at doon sumandal.


"Shit! Yes!" Tuwang wika ko ng lumakas ang signal. Wala ako binibigyang pansin kung may tumingin man sakin na naglalakad dito sa pinagparkingan ni Nigel habang ako'y naglalaro.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon