Chapter 5: Coffee

300 10 0
                                    

Nikki's Pov

Matapos ang sunod-sunod na nasangkutan kong away ngayon ay nakaupo na lang ako sa isang bench dito sa garden, hinihintay si Nigel para makuha ko na ang isang cellphone kong kinuha o sabihin na nating kinumpis ni Chairman na ipinatago sa pinsan kong si Nigel.


Wala pang masyadong estudyante sa labas, dahil hindi pa tapos ang klase. Binulsa ko ang kwintas na iniregalo sakin ng mga magulang ko bago sila mawala.


Humangin bigla nang malakas ng may naaninag akong lalaking papunta sa gawi ko.


Nag cross arm ako para mabawasan ang nararamdaman kong lamig sa katawan. Pumikit ako tsaka ko dinama ang hangin.


May mainit na dumampi sa braso ko kaya napalayo ako kaagad. Mapungay na tinignan ko ito.


"Drink that, makakatulong yan para mawala ang pagkakaantok mo." Saad ng lalaking katabi ko ngayon. Sino ba sya? 


"Di ako inaantok." Tinignan ko ang kape na nasa kanan ko na inilagay nya sa pagitan naming dalawa. "Ang gusto ko lang ay mapag isa." Ani ko dito.


"Mas nakakawala nang antok kapag may kausap ka at kasama, kaya hayaan mo akong samahan kita."


"If I am not agree in what you said, what will you do?"


"I will still stay here."


'Di ko na dinugtungan ang sinabi ko, umayos ako nang upo, at tsaka kinuha ko na ang kapeng pinapainom nya. Hindi ko na kasi matiis ang lamig, kaya ininom ko na. Kahit nakajacket pa ako ay malamig pa din.


"Nawala na ba ang antok mo?"


Nag katitigan kami ng lingunin ko sya, pero agad akong umiwas dahil tinignan ko ang paper bag na dala nya na pinaglagyan ng kape kung meron pa, dahil kulang pa sakin ang isang cup ng kape.


"Can I?" Tingin ko sa paper bag na nasa tabi nya. Tumango sya, "Ako na." Aish. Ayos na sana, pero bakit pa kasi kami nagkahawakan ng kamay? Nahawakan nya ang kamay ko nang kukuhanan nya na sana ako ng kape sa paper bag pero nauna ako kaya nagpatong ang kamay namin sa paper bag.


"Tyronnnn!" Agad naming inalis ang kamay namin sa paper bag kundi tumingin na lang sa sumigaw.


Tumatakbo syang papunta sa amin. "Uhm?"


Hingal na hingal syang napahawak sa balikat nito. "Si Seb, nasa clinic." Wika nya sa lalaking katabi ko.


"Hays, ano naman ang ginagawa nang kaibigan nating si Sebastian don?" Tanong nya.


Sebastian? What the! Yung tinutukoy nya ba yung lalaking nakasama ko kanina sa labas ng cr? Sya lang naman kasi ang pasyente ni Nurse Kim nang umalis ako don.


"Basta, puntahan na natin." Pag mamadali ng lalaki. "We will go." Sabi ng Tyron kuno.


Napatingin sakin ang lalaking hinihingal pa din hanggang ngayon. "Psh! Bakit 'di mo sakin sinabi na may chikababes ka palang kasama, Ty?" Iritableng tanong nya. "Ano ba ginagawa mo?" Iritableng tanong din nung Tyron dahil sa kinakapkapan sya nung isa pang lalaki.


Napangiti at napatigil na sya sa pagkapkap nang makakuha sya ng panyo. Nag punas sya ng mukha pati na din ang kamay nyang namamasa. "Hi, Miss." Inilahad nya ang kamay nya. "Jake 'gwapo' Colton nga pala." Tsaka ngumiti ito.


Pero hinampas lang nung Tyron ang kamay nung Jake kuno ng hindi ko ito kamayan. "Diba ang kaibigan natin ang pinunta mo dito?" Sumimangot yung Jake na tumango na rin. "Ano pa ginagawa mo dyan?" Tumingin sya sa kamay nito. "Nag papakilala sa chikababes." Ngumiti ulit sya.


"Hays. Let's go." Nag simula ng mag lakad yung Tyron.


"Di ba pwede?" Sumimangot ulit sya nang tignan nya ako.


"Jake!" Matigas na wika nung Tyron kaya agad nang sumunod ito sa kanya sa paglakad.


Nag mamadali akong naglalakad para kuhanin ko ang gamit ko sa room na naiwan ko kanina.


Sumalubong sakin ang babaeng may hawak ng bag ko na may paniningkit sakin ng mata. "Akin na, Callie." Wika ko ng ayaw nya pa sakin ibigay ang hawak nya.


"Alam mo bang first day of school ngayon?"


"Uhmm" Sabay tango ko sakanya. "Pero nag cutting classes ka na kaagad, Nikki."


"Wag mo na akong pagalitan, Callie, may ginawa akong importante, nah, hindi pala."


"Buti na lang talaga kaibigan kita, kundi hays basta." Inabot nya sakin ang bag ko, kinuha ko yon at sinukbit ito sa isang braso ko.


"Nandito lang pala kayo." Wika nang kakadating na si Nigel.


"Aalis na din ako, maraming pang gagawin e." Umalis na din si Callie kaagad agad.


"San tayo nyan pupunta?" Sabay akbay nya sakin.


"In Hell."


"Bakit don? Bawal ako ron." Angal nya. May sinabi ba akong isasama ko sya don para umangal sya ng ganon?


"Bawal ka pala, edi pwede mo nang tanggalin yang braso mo sa balikat ko? Kung ayaw mong saktan ko yan."


"Ang init na naman ng ulo ng pinsan ko, gusto mong palamigin yan?" Tanong nya.


Nigel's Pov

Pinunta ko si Nikki dito sa Secret Honesty Store, malapit 'to sa Prestly, tago ito sa mga estudyante, kakaunti lang ang nakaka alam sa lugar na 'to. Kaya mas gusto ko dito dahil masayang tumambay dito.


Parang bahay 'to, pero may mga pagkain, pero walang mga tindera kaya tinawag na honesty store dahil mga tapat lang ang pwedeng pumunta dito.


"Hindi ka ba nangangawit kakasandal dyan sa pader?" Napatingin sakin si Nikki na seryoso ang mukha.


"Kung sabihin ko bang oo, ibibigay mo na sakin ang cellphone kong kinumpis nyo ni Chairman?"


Pumunta ako sa couch para kunin ang cellphone nya na nakalagay sa bag ko. "Eto ba?" Winawagayway ko pa ang cellphone nya para mainis sya dahil alam kong isa sa sobrang pinapahalagahan nya ang cellphone nya dahil sa mga kinakaadikan nyang mga kpop group.


Kung makaasta at makipag away parang lalaki, pero kapag dumating na sa usapang kpop, bumibigay na sya agad na nagiging babae na ulit.


Nag vibrate ang phone nya habang hawak ko at winawagayway ko sa harapan nya. Tangkang kukuhanin nya na sakin ang phone nya pero hinarang ko ang kamay ko para pahintuin sya sa binabalak nya.


Triny kong bukas pero may password, at nakita nyang hindi ko mabuksan yon.


"HA! HA! HA! HA! You don't know my password."


"Tsk, Manang." Singhal ko sa kanya.


Lumapit sya sakin. "Ako alam ko, pwede namang kitang tulungan." Ngumiti sya. "Akin na, bubuksan ko, tas bigay ko na lang sayo kaagad." Tapos nilahad nya ang kamay nya sa harapan ko.


"Oh, ayan na.." Mas lumawak ang ngiti nya nang malapit nang mailagay sa palad nya ang cellphone nya pero, "Ops!" Binawi ko kaagad ito.


Blumangko na naman ang ekspresyon ng mukha nya.


"Ano akala mo sakin tanga para magpauto sayo? Pwes, pinsan kong Manang, gwapo lang ako, at hindi tanga. Kaya hindi mo ako madadaan sa mga paraan mo." Pag mamalaki ko sa kanya.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon