Chapter 2: Niknik

404 15 0
                                    

Nikki's Pov

Sa labas ako nakafocus kahit nagsisimula na syang mag discuss sa harapan. "Ms. Dweller?" Paecho-echong naririnig ko sa tainga ko pero hindi alintana sakin na lingunin ang nagsasalita.


"Nikki!" Sigaw nang pamilyar na boses kaya agad naman ako lumingon dito, si Callie ang tumawag sakin, lahat ng tingin nila ay nakatuon sakin pati na din ang teacher naming si Ma'am Diana, science teacher ng mga high section na nakakataas sa lahat ng section.


"Hmm, did I do wrong?" Pinatayo ako nito.


"Yes you have, you're not listening to me."


"I'm listening to you, Ma'am, so don't worry." Mahinahong pagpapaliwanag ko sa kanya.


"If you telling the truth, what did I say in the class?" Asik na tanong nya sakin.


"Give anything about Earth and Life Science." Agad na sagot ko sa tanong nya, nagulat naman sya dahil sa ekspresyon ng mukha nya.


"Uhuh, so give me anything about Earth and Life Science."


Ilang minuto akong nakipagtitigan sa kanya. "Ma'am ako na lang." Sambit ng isa kong kaklase, si Pam.


"No, Ms. Dweller should give one thing about Earth and Life Science."


"See..." Ani nya habang tinuturo ako sa buong klase. "See, hindi ka nga nakikinig sakin." Iritang wika nito.


"Ano na gagawin m---?"


"Absolute Dating, the process of determining an approximate computed age in archaeology and geology. Artificial Selection, the process in the breeding of animals and in the cultivation of plants by which the breeder chooses to perpetuate only those forms having certain desirable traits or characteristics..."


Kita sa kanila ang pagkagulat, ano ba ginawa ko para ngumanga sila ng ganon?


"Bioenergetics, is the energy transformations and energy exchanges within and between living things and their environme--"


"Stop! Ms. Dweller, okay na yon. Baka masabi mo pa ang lahat ng tungkol sa ididiscuss ko sa buong taon ng school year na 'to, you can now sit down." Hingal na hingal na natapos nya yon sa tatlong segundo dahil sa pagmamadali nya sa pagpigil sakin.


Umupo na ako nang senyasan na nya ako na umupo na. Maluwag na huminga si Callie nang tignan nya ako tsaka ito bumalik sa ginagawa nya.


Natapos na ang dalawang subjects namin, at ngayon ay break time na.


"What do you want, Niknik?"


"Hays, wag mo akong tinatawag sa nickname ko, Callie."


"May masama ba sa nickname na Niknik? Ang ganda kaya, Niknik!" Pangungumbinsi nya sakin.


"Edi maganda din yung Calcal?" Sabay ngiti kong mapang asar sa kanya.


Hindi ko alam pero kay Callie lang ako ganito, yung tipong ngumingiti ako at hindi puro poker face na lang. Baka dahil matagal ko na syang kaibigan? O 'di kaya dahil Calcal lang sya? Hahahahaha.


"Psh. Bilis! Ano ang gusto mo?"


"Same as yours."


Nakatingin lang ako sa babaeng umoorder sa harapan ng counter habang nakamasamang nakatingin sakin, iba talaga nagagawa ng Calcal sa kaibigan kong si Callie. Si Callie lang ang kaibigan ko dito sa Prestly wala ng iba, sya lang. Dahil sya lang naman ang nakakatiis sa ugali ko.


"What? Bakit ka ganyan makatitig sakin?" Sinasalin nya ang mga pagkain na inorder nya, nakatitig pa ako sa kanya hanggang ngayon pero nakapoker face na.


"Nothing, nah, ang tagal mo kasi."


"Sorry naman ho, hindi mo man lang kasi ako tinulungan umorder kaya natagalan, Ms. Dweller." Madiin nyang saad na pagkakadiin diin pa.


I glare at her when she said it, but then I started to eat.


"San ka pupunta?" Umiba ako ng direksyon sa kanya, dahil may importante akong pupuntahan pa.


"Anywhere."


"Late na tayo ng mga ilang minuto sa 3rd subject natin, Nikki pero may balak ka pang mag gala?" I sigh deeply before leaving Callie outside the room of grade 9.


Naramdaman kong sumusunod sya sakin pero bago ako lumiko sa pupuntahan ko ay huminto ako.


"Nikki." Nang sabihin nya yon ay mabilis akong tumakbo at nag tago sa isang pader.


"Niknik." Mahinang wika ni Callie na papunta sa kinaroroonan ko, may nakaharang pa din na pader sakin kay Callie kaya hindi nya ako dito makikita.


Nang masilip ko si Callie ay malapit nya na mapuntahan ang tinataguan ko kaya sinuot ko ang earphone ko tsaka na ako nagpatuloy sa pag takbo.


Dinala ako ng mga paa ko sa cr, pero isang tinig ang pumukaw sa aking tainga na nag pababa ng ear phone sa tainga ko.


Sinuot ko na ulit ang earphone ko at hindi na lang pinansin ang tunog na yon. Subalit isang ungol ang nag pahinto sa aking mga paa para pakinggan sa pinto ng mga lalaki ang tunog.


"Ugh! Yan na!" Mas finocus ko ang pakikinig dito. "Malapit na! Yeah, ugh!" Wtf? First day of school pa lang pero may mga ganito nang lumalaganap. Pero bakit ko pa ba iisipin yon kung wala naman akong pake sa mga yon? So I'm wasting my time for this bullshit.


"What the f*ck are you doing here, Miss?"


Tumutulo ang mga pawis nya sa pisngi nya, sa madaling salita ay tumatagaktak ang pawis nya dahil sa kabastusan nya? Kung yung iniisip ko ang ginawa nya kanina, tama talaga ang iniisip ko sa ginagawa nya.


Tinalikuran ko na lang sya at nag kunwaring walang narinig kani-kanina lang.


Nakasuot pa din ang earphone ko sakin. "Hey! Miss!" Napahinto ako nang sumigaw sya. Pero saglit lang ang pag hinto ko dahil nagpatuloy na din ako.


"Kinakausap pa kita!" Pwersahang hinawakan ang braso ko galing sa likod at pinaikot ako nito para makaharap sa humitak sakin.


"Sinisilipan mo ba ako, Miss?" Shit that! What the hell he saying?


Hindi ako naninilip sa katulad nya, o kanino man. Malamang sa malamang baka sya pa ang naninilip sa iba. --___--


Pinigil ko ang sarili ko para hindi sya saktan dahil sa kabastusang sinabi nya.


"Pipe ka ba?" Pinaningkitan ko ang lalaking hindi man lang kayang punasan ang mga pawis nya na tumutulo na sa mukha nya.


"Oh? Bakit ka ganyan makatingin, Miss?"


Dahan dahan kong tinignan ang braso nya hanggang sa mapunta sa kamay nyang nakahawak sa pulso ko. Muli ko syang pinaningkitan, tyempo namang sinundan nya ito kaya kita nya na pinaniningkitan ko din ang kamay nya.


Mabilis na inalis ko ito at hindi na sya pumalag dahil kung hindi masasaktan ko na talaga sya.


"Answer me, Miss! Dahil kung hindi, hindi kita papaalisin dito, ayaw o sa gusto mo, gagawin ko yon."


Nanatili lang akong nakatitig sa kanya na walang sinasabing kahit ano man.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon