Chapter 18: Pusang Nikki

151 4 0
                                    

Nikki's Pov

Haharap na sana ako kay Sebastian nang sumigaw sya pero napatigil ako nang masilip kong padating na si Jake.


"Sino ba kinakausap mo dyan, Seb? Hahahaha."


"Si Nikki."


"Si Nikki? Eh tulog pa kaya si Nikki! Baliw na talaga ikaw 'dre." Tuwang tuwang sambit ni Jake.


"Atleast baliw lang, hindi tulad mo na mahangin." Sabay mabilis na takbo ni Seb papalabas.


Sumama ang tingin ni Jake na tumakbo din para habulin si Seb. Pfft hahahaha. Dun ko na din inilabas ang pag hatsing ko tsaka mahinang sinarado ang pintuan.


Inabot ako ng gabi na hindi lumalabas ng kwarto kundi nanatili lang ako dito. 'Di ko sila pinagbubuksan ng pintuan kapag pinapalabas nila ako tsaka kapag dinadalan nila ako ng pagkain.


Humangin ng malakas na inabot hanggang sa pwesto ko. Nag suot ako ng jacket ko tsaka nag suot ng rubber shoes dahil wala naman akong ibang sapatos o pwedeng suotin para sa pang paa ko.


Pumunta ako sa veranda para tumambay, ang liwanag nang dala ng buwan at ng mga bituin sa langit. Pag tingin ko palang dito ay naaadik na ako dahil sa magandang dala nito sa akin.


Nabaling ang tingin ko sa apat na bituin na magkakalapit, nagpabalik ulit sa isip ko ang apat na lalaki na kasama ko ngayon dito sa bahay na 'to.


"Ikaw! Oo ikaw! Alam mo bang sa sobrang gwapo mo gusto kong suntukin ang mukha mo dahil sa sobrang galit ko sayo!?" Paglabas ko ng inis dahil sa lalaking sumira sa kwintas ko. Gusto kong ilabas lahat para mawala na agad.


"Hays!" Sabay suntok ko sa throw pillow na nasa upuan.


"Ahhh!" Narinig kong pag uunat sa kabilang gilid ko.


Natahimik ako nang makita ko kung sino ang lumabas.


Ngayon ko lang nalaman na sya ang nakapili ng kwarto na katabi ng kwarto ko.


"Gabing gabi na pero may kinakaaway ka pa 'ata, Ms. Dweller." Hindi sya nakatingin sakin nang sabihin nya iyon.


Umupo ako sa isang high chair na nasa gilid ng veranda. Sya ay nakatayo lang na nakatingin sa kawalan.


Ngayon ko lang napansin na mag kadugtong ang kwarto ko at kwarto nya dahil sa veranda.


"You heard?" I asked.


"Rinig, kita at nababantayan ko ang lahat nang kilos mo, dahil ang mga pader lang na ito.." Tinignan nya ang pader na humahati sa kwarto namin. "Ang nag sisilbing hati lang para sa kwarto natin pero hindi ko hahayaan na 'di kita mabantayan dahil lang sa mga iyon." Ani nito.


Kung ganon, edi narinig nya ang sinigaw ko kanina? Buti na lang wala akong binanggit na pangalan nya. Pero kung meron man na nasabi ko wala na akong pakialam doon, dahil wala na akong magagawa. And I don't give a shit for that.


Hindi naman nya kailangan na bantayan ako. Baka ako pa nga ang mag bantay sa kanya. Gawin nya ang gusto nya, at gagawin ko din ang gusto ko.


"You should sleep now." Nakatingin na ito sa akin nang sambitin nya iyon.


Pumasok na sya sa kwarto nya pero tumambay pa rin ako dito sa veranda kahit sobrang lamig na.


Babalik na sana ako sa loob para matulog pero kumulo ang tiyan ko. 'Bat ba laging gutom ang tiyan ko? Kumakain naman ako. Pero hindi pa ngayong araw na 'to.


Binuksan ko ang pinto nang dahan dahan para bumaba sa kusina. Wala ng ilaw na bukas kaya kumakapa-kapa na lang ako sa mga nahahawakan ko.


"Aish!" Inggil ko nang makasunggo ako ng vase na nahulog at nabasag. Walang nakarinig nito kaya pumunta na ako sa kusina para mag hanap nang makakain.


Una kong pinuntahan ay ang refrigerator, nagkaroon na ng ilaw nang buksan ko ito.


Wala na akong pag iisipan o pag pipilian sa mga pagkaing gusto kong kainin ngayon dahil pizza lang ang nasa loob tsaka mineral water lang.


Kinuha ko ang pizza tsaka kumuha na din ako ng mineral water. Umakyat na din ako kaagad nang makatapos na akong kumain.


"Meow. Meow. Meow."


"You should sleep now too, Mr. Percival." Pagbasag ko sa trip nyang pag pupusa.


Naaninag ko na kanina pa ang anino nya simula nung nasa kusina ako. Nasa likod ko sya kaya huminto ako tsaka ko sya hinarap.


Nakamasama syang tingin sakin dahil sa naramdam ko at sa liwanag na hatid ng buwan. "Sorry kung nabasag ko trip mo, matutulog na ako." Walang emosyong sambit ko sa kanya.


"Psh! May pusang ligaw lang talaga!" Inis na sinaad ni Mr. Percival.

______________


Paalis na ako ng bahay nang mapansin ni Sebastian ang basag na vase sa sala na malapit sa kusina.


"Bat basag 'tong vase na 'to? Kahapon lang maayos 'to ah."


"Nabasag mo ba, 'dre?" Tinignan nilang tatlo si Jake na tahimik lang.


"Bakit ako? Ang aga ko kayang umuwi tsaka malinaw ang mga mata ko, mga 'dre, kaya hindi ako yon." Pag tatanggol nya sa sarili nya.


Napatingin sa akin si Mr. Percival, problema nya sa akin? --___-- .


"May nakita akong pusang ligaw kagabi, Seb, kaya hindi si Jake yon kundi yung babaeng pusang ligaw na yon." Matalim na tinignan nya ako tsaka ngumiti ng malawak.


Sino ba ang sinasabi nyang babaeng pusang ligaw?! --___-- . Hindi ako babaeng pusang ligaw!


"Paano mo naman nalaman na babae yon, 'dre?" Tanong ni Jake.


"Dahil kamukha nya yung nakita ko." Nguso nya sa akin.


"Kamukha mo pala Nikki hahahaha." Nakatawang sambit ni Jake.


"Tama na yan, Jake." Awat ni Tyron.


Huminto na si Jake sa pag tawa. Pero si Mr. Percival ay hindi humihinto na makipagmataliman sakin nang tingin.


Napamura na ako sa isip ko dahil sa kanya ulit. Pero tinitiis ko na ngayon para marealized na ni Chairman na matino na ang apo nya.


"Baka nag kakamali lang si Mr. Percival, dahil sa nabasag nyang trip kagabi." Mapait na ngumiti ako sa kanilang tatlo.


"May pusang ligaw lang talaga!" Sigaw nito sa inis. 'Bat ba ang pikon nya? Ayun ang nagiging weakness nya sa tingin ko.


Dahil ang pagiging seryoso nya palagi ay okay na pero ang pagiging pikon nya? Nagiging sanhi ng pagkawala ng seryosong mukha nito. Na nagiging dulot ng pag ngiti ko dahil sa nakikita kong bakas na pikon sa mukha nya.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon