Chapter 11: Propose

197 9 0
                                    

Nikki's Pov

Napatingin kaming dalawa ni Mr. Percival sa kanilang dalawa.


Hinila ako ni Callie sa pwesto nila ni Nigel. "Bakit ka ganyan, Niknik?! 'Di mo man lang sakin sinabi na may boyfriend ka na pala! Ngayon ko lang malalaman kung kelan'g dun na sya magpro-propose sayo! Tagal na nating mag kaibigan, hindi mo man lang sakin sinabi yon. Ano na h--"


Aish. Bakit ba sobrang Oa ng kaibigan kong 'to? Wala namang nagaganap na ganon.


Tinakpan ko ang bibig ni Callie na patuloy pa ring nag sasalita kahit hindi ko na sya naiintindihan. "Pati sa gwapo mong pinsan, hindi mo din sinabi ha?!" Sabat ni Nigel.


"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Wala naman akong pinsan na gwapo, Nigel." I added.


"Psh, ako! Gwapo mong pinsan! Bakit hindi nyo sakin sinabi ha?!" Bakit ba sobrang Oa nila? --__-- .


Hindi ko alam ang gagawin ko sa dalawang Oa na katabi ko ngayon, samantala ang lalaki na yon ay palihim na napapangisi habang pinapanood kaming tatlo.


Tinanggal ko na ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig ni Callie.


"Walang nangyayaring pagpro-propose, okay?" Saad ko kaagad sa kanilang dalawa.


"Right?" Tingin ko sa lalaki. Tumango sya kaya tumigil na ang dalawa at nanahimik na lang.


"Pero bakit kasi nakaluhod sya sa harap mo na parang may ibibigay sayo?" Tanong ni Callie. "Dahil sa kwintas ko na ibabalik na nya, okay? Kaya tumigil na kayo sa pag iisip sa mga walang kwentang ganon." Tingin ko sa kanila.


Pumunta ako sa lalaking nakatayo sa harapan namin.


"Nasan na?" Tanong ko sa kanya. Kinuha nya sa bulsa nya ang kwintas ko. Ngumiti sya tsaka na nya ibinigay sakin.


"Okay na ba 'tong ebidensya na 'to para sa inyo, sa katotohanang walang nangyayaring ganon?" Pilit na ngumiti silang dalawa tsaka tumango. "Sabi ko nga e, gwapo ko pa rin, Manang." Malawak na ngumiti naman si Nigel.

__________


Natapos ang class hour ng hindi ako umiimik sa klase. Si Callie pa din ay sobrang matanong tungkol sa papano kami nagkita o nag kakilala ng Mr. Percival na yon.


"Ang gwapo kaya ni S.M, Niknik, kaya nga ako naiinggit sayo e." Pamimilit nya sa akin.


"San banda, Callie? Wala namang nakakainggit na nangyari sakin habang kasama ko yon. Mas gusto ko pa ngang kasama si Beast ng Beauty and the Beast kesa sa kanya, kaya please wag na nating pag kwentuhan yan."


"Hays, pero ang gwapo talaga ni S.M." Kinikilig na sambit ni Callie.


Uwian na pero heto ako ngayon naghihintay sa pinsan ko para makauwi lang. Kung hindi ko lang kailangan sundin ang gusto ni Chairman na dun ako tumira sa bahay ni Nigel, hindi sana ako naghihintay sa mahangin kong pinsan.


New message.
[From: 09*********]


[Can we have a coffee somewhere?]


Sino namang baliw ang mag tetext sakin nito? Ulok ikaw ba yan? Binura ko ang text message, dahil lalo lang nag papakulo ng dugo ko ang mga nag tetext sakin na hindi ko naman kilala. Unknown number yon.


New message.
[From: 09*********]


May text message ulit na dumating sakin sa parehong number na yon.


[Hindi mo ba ako papansinin? Okay, pupuntahan na lang kita dyan.]


Hays. Sino ba 'to? Bakit nya alam ang number ko? Nag hood na ako ng may humawak sa braso ko.


"Oh uhm?" Iritableng ani ko ng may humawak sakin.


"Hindi mo man lang ako hihintayin kahit sinabi ko pa namang pupuntahan na din naman kita?" Saad ng parehong lalaking kasama kong sumandal kahapon sa kotse ni Nigel.


Lumakad ako pero sinusundan nya pa rin ako. "Hindi ako yung babaeng assuming, pero dahil sa lahat ng araw, lagi na lang kita nakikita, stalker ba kita?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya.


"Ano ba sa tingin mo, Ms. Dweller?"


"Wala dahil wala naman talaga. But I have to say this, Mr. Tyron, wag mo na akong sundan."


"Pero?" Angal nya. Kung pwede lang na hindi ako mag aral dito, ginawa ko na, dahil mas gugustuhin ko pang mag-aral at turuan ko ang sarili ko kahit sa bahay lang. "I promise, eto na ang huling araw na susundan kita pero sana pumayag kang uminom na kasama ako."


"Bakit naman ako papayag sa sinabi mo?"


"Dahil eto na ang huli, Ms. Dweller." Bumuntong hininga ako ng malalim, tumango na lang ako tsaka nag simulang mag lakad.


Tumakbo sya para masabayan ang lakad ko. "Sa Secret Honesty Store tayo, Ms. Dweller." Ha? Alam nya yung lugar na yon?


Nakarating na kami sa Secret Honesty Store. "Maupo ka muna, Ms. Dweller." Pabagsak namang umupo ako sa couch dito sa secret honesty store. Tsaka ako napatingin sa isang teddy bear na spongebob na nandon lang sa tabi ng cabinet, doon ako natuon nang tingin, samantala si Mr. Tyron ay nag titimpla ng kape.


Wala na akong magiging problema sa kanya pagkatapos nito at tsaka mababawasan na ang problema ko, and that's good.


Bakit ang tagal nyang mag timpla? Mag papainit lang naman sya ng tubig at titimplahin nya na lang yon pero ang tagal nya dahil doon? Nakatapos na sya sa pag timpla. Inabot nya sa akin ang kape, kinuha ko ito. "Mainit yan, dahan-dahan lang, Ms. Dweller." Ani nya.


"Don't worry about me, just drink yours." Sambit ko. Pa konti- konti kong iniinom ang kape pero dahil gusto ko nang matapos ang lahat ay ininom ko na kaagad ang natitirang kape sa tasa ko.


Lumindol ba? Bakit nahilo ako ng ilang minuto nang maubos ko ang kape ko? "Did you put something in my coffee?" Napa-hawak na ako sa ulo ko nang mahilo ako ulit.


"Don't worry, I'm just here for you." Ano ba ang tumatakbo sa isip nya at sinasabi nya yon?


Tumayo ako kahit nahihilo ako, napapakapit ako sa mga gamit dito sa secret honesty store. Inalog ko ang ulo ko tsaka ito tinapik nang paulit ulit. Mas dumodoble na ang nasa harapan kong si Mr. Tyron.


"Did you just?!" Nakita ko syang tumayo na lumalapit na sa akin, kaya ako ay napapaatras kahit pilit na inaayos ang paningin ko at paglakad.


"Anong ginawa mo sakin?!" Sigaw ko sa kanya. Nang makalapit sya sakin ay napahawak ako sa balikat nya. "Ako na ang bahala sayo, Ms. Dweller." Bumagsak ako sa bisig nya nang sapuhin nya ako.


Ilang minuto kong pinigilan ang pag pikit ng mata ko, pero nang mapigilan ko ito ng saglit ay na aninag ko ang tatlo pang lalaki na nakatingin sakin, hindi ko maaninag ng mabuti kung sino ang mga iyon. Pero tuluyan na din akong nawalan nang malay.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon