Chapter 26: Ex-boyfriend

112 4 0
                                    

Callie's Pov

Hindi ko na masyadong nakikita at nakakasama si Niknik simula nang makasama nya ang apat na gwapong mga lalaki na yon, kung hindi lang sya papasok sa subject namin, hindi ko na talaga sya makikita at makakasama e.


Siguro tuwang tuwa yon, dahil kasama nya sila fafa Sean? Hahahahaha.


"Hoy, Nigel!" Tawag ko sa kanya. Napaharap sya sakin ng tawagin ko sya. "Oh bakit mahlabs?"


"Tsk. Wag mo nga akong tinatawag na mahlabs!" Pag susungit ko sa kanya. "Kailangan kita..." Humina ang boses ko ng sabihin ko iyon, kailangan ko sya para malaman ko kung saan na nakatira ang kaibigan kong si Nikki. "Tsk! Tsk! Dyan ka naman magaling pag may kailangan ka sakin." Abaaaa?! Winalk-outan ako ng Nigel na yon. >___<


Tinakbo ko sya para maabutan ko. "Ano ba ha?! Pakipot ka pa e, ngayon lang naman ako hihingi ng favor." Tugon ko.


"Ano ba yon?!" Naiinis nyang tanong. Hindi ako nakasagot sa tanong nya nang makita kong papalapit si Deim sa amin ni Nigel. Ano ginagawa nito dito?


"Hi, Callie." Nakangiting sambit nya sakin pero ako tulala pa din sa kanya. Naramdaman kong lalong nairita si Nigel nang dumating si Deim. "Uhmmm. How are you?"


"Okay na okay lang sya, dude." Inakbayan ako ni Nigel na nakangiti na ngayon tsaka nya sinangga ang balikat ni Deim. Nag lakad kami papalayo kay Deim na hindi na umimik.


"Tsk hays. Mas gwapo naman ako don sa 'deim' na yon pero kung makatulala ka kanina sa kanya parang wala ng mundo."


"Pft he's my ex-boyfriend, Nigel, kaya ganon na lang ang naging reaksyon ko kanina." Kung sa pagkakaalam nya lang, wala na akong gusto kay Deim, okay naman kami kaya okay na din ako.


Tinaasan nya lang ako ng kilay. "Nga pala, ano namang eksena ang ginawa mo kanina ha?!" Balik ko sa kanya nang usapan.


"Gusto ko kasing ako lang."


"E, kung papapiliin man ako sa inyong dalawa, alam mo namang ikaw pipiliin ko diba?" Malawak na ngumiti ako sa kanya.


"Talaga lang?"


"Syempre joke lang hahahahahaha." Malakas na tawa ko. "Tsk!" Maikling tugon nya lang.


Tumunog ang cellphone ko na agad kong binuksan. Nag reply na si Nikki sa text ko, inaya ko agad si Nigel na pumuntang clinic para puntahan si NikNik.


Nasa loob na kami ng clinic, tinignan ko ang babae na may mga pasa sa katawan. "Ano naman ang ginawa mo sa kanya, Manang?" Tanong ni Nigel kay Nikki na nakatingin sa babae. Hindi sya sinagot nito.


"Hays." Bumuntong hininga si Nigel. "You are done." Sambit ni Nurse Kim. Tumayo na yung babae tsaka sya humawak sa mga sugat sa braso nya. "Come here, Ms. Dweller." Tinignan ni Nurse Kim si Nikki pero parang walang narinig si Nikki. "Aalis na kami Nurse Kim, thank you." Saad ni Nigel.


"No, Nigel, kailangan ko pang gamutin ang sugat ni Nikki sa mga braso nya." Nang sambitin ni Nurse Kim yon ay agad akong napatingin sa braso ng kaibigan ko. Tumutulo na ang dugo galing sa braso nya sa sahig pero hindi nya ininda yon. At ngayon ko lang din yon napansin dahil 'di naman sya umiimik.


Tumayo na si Nurse Kim para makalapit sya kay Nikki tsaka nya na ito hinila para makaupo sa kama. Tinupi ni Nurse Kim ang jacket ni Nikki para mas makita nya ito.


"S--sorry and t-tha..thank you para sa pag ligtas sakin, Ms. Nikki." Ani ng babae. "Niligtas saan?" Takang tanong ni Nigel.


"May mga lalaking Prestler na bigla na lang ako hinila kung saan na saktong nandun si Ms. Dweller, kaya napigilan nya ang mga lalaki na yon sa mga balak nilang gawin sakin kaya nag papasalamat ako kay Ms. Dweller."


"Ahh ganun ba, 'kala ko kasi sya ang gumawa sayo nyan." Tsk, masyado kasing judgemental 'tong mokong na 'to kaya minsan si Nikki ang napapahamak e.


"Hanap na ako ng mga kasama ko, I'll go." Tinanggal ni Nikki sa pagkakatupi ang jacket nya tsaka ito mabilis na umalis.


Saglit lang ng makalabas na si Nikki sa clinic ay nag paalam na din kami ni Nigel na aalis na rin.


Pag bukas palang ng pinto ng clinic ay rinig ko na ang usapan ng babae at isang lalaki sa gilid ng clinic. "Si Nikki 'yata yon?" Hinila ko na lang sya papunta sa gilid ng clinic pero nakatago kami sa pader para 'di kami makita nung mga nag uusap na yon.


"Di mo ba kukuhanin 'tong bag mo?" Sinilip ko na sila at si Nikki nga ang babae, at si Sean ang kausap nya, hawak ni Sean ang bag ni Nikki.


"Tsk." Ngumiti si Nikki ng mapait. Nakatalikod samin si Sean at si Nikki naman ay nakaharap kaya kita namin ang ekspresyon ng mukha nya. "Nag dedate ba silang dalawa?" Takang tinatanong ni Nigel sa sarili. "Shh. Wag kang maingay." Pag bawal ko sa kanya.


Mabilis na hinila ni Nikki ang bag nya kay Sean. "Ano ba kasi ang ginagawa nila?" Tanong ni Nigel. "Nakikita mo naman kung ano ang ginagawa nila, ba't ka pa nag tatanong?" Inis na sagot ko sa kanya.


"Sungit talaga!"


"Ako na naman ang masungit?! Hampasin kaya kita dyan!" Sigaw ko sa kanya. Napalakas ang sigawan namin ni Nigel. "Callie? Manong...?" Sambat ni Nikki, tinaasan ko muna ng kilay at sinamaan ng tingin si Nigel bago ako lumapit kila Nikki at Sean.


Sinamaan nya din ako ng tingin pabalik. Nag kakamot ako ng ulo para hindi masyadong halata na nakikinig kami sa kanilang dalawa. "Ah ehhh. Ano kasi... hinahanap namin ni Nigel yung.. yung ano... yung cr!" Pag sisinungaling ko. "Nasa loob lang ng clinic yung cr tapos dito kayo napunta?" Hinuhuli na naman ako ng kaibigan ko. Haysss, alam nya talagang nag sisinungaling ako e.


"Ayoko kasi don. Gusto ko sa malayo hehehehe." Ngumingiti ako na parang ewan sa kanila.


"Pft talaga lang ba mahlabs?" Sabay tawa ni Nigel. "Oo naman." Siniko ko yung tiyan nya para hindi ako ibuko. "Sabi ko nga." Ani nito. Magaling naman pala takutin e.


"Uwi na tayo, Niknik... sa bahay nyong lima." Nagulat sya sa sinabi ko. Halata sa ekspresyon nya. "Wala kaming bahay, Callie." Diniinan nya ang pangalan ko sa pagsasambit nya non.


Natahimik kaming lahat pero nawala din ang katahimikan ng may tumawag kay Nikki. "I'll get going." Ani ni Nikki, puro na lang sya alis. >__<


Hinawakan ni Sean si Nikki sa wrist. "That's chairman, right?" 'Di tumugon si Nikki. "Sasamahan kita." Sambit nito. Sabi ko na nga ba e, may kababalaghan nang nangyayari sa kanilang dalawa.


Tinanggal ni Nikki ang kamy ni Sean tsaka ito umalis. Pero 'di pa rin nag patinig si Sean dahil sinundan nya pa rin si Nikki. Gulo na naman ang aabutin nito hays.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon