Chapter 17: New House

189 9 0
                                    

Jacob's Pov

Nakasunod lang ako kay Chairman na tahimik na tumutungo sa sasakyan na sinakyan namin papunta dito sa bodegang pinag taguan kay Young lady, kay Nikki sa apong babae ni Chairman.


Huminto si Chairman. Na nag pahinto din sa akin. "Maayos na ba sila sa loob, Secretary Lim?" Tanong nito.


"Yes, Chairman." Sagot ko rito.


Nag simula na ulit syang mag lakad. Kung pwede ko lang tanungin kay Chairman kung bakit nya pinakidnapped ang sarili nyang apo ay tatanungin ko na, pero hindi ko pwede itong itanong.


Nasa tapat na kami ng kotse, inunahan ko na sya sa pag lakad para pag buksan sya ng pinto. Nang mapagbuksan ko na ito ay sumakay na din ako sa unahan ng kotse.


"Lahat nang plano ko tungkol sa kanila, ay sabihin mo na sa kanila, Secretary, lahat nang pinapaayos ko para sa kanila ay dapat nakaayos na. Dahil importanteng makalipat na sila sa titirahan nilang lima simula ngayon."


"Ayos na ang lahat, Chairman, sinabi ko na sa kanila ang plano." Sambit ko rito.


"But Chairman, are you sure for that mission? Dahil baka totohanin ni Young lady ang sinabi nya kanina sa inyo." Dagdag ko. Napatingin sya sa bintana at doon tinuon ang tingin.


"Hindi nya magagawa yon, dahil alam nya ang mga mawawala sa kanya pag nangyari iyon, Secretary Lim." Seryosong ani ni Chairman. Tumango na lang ako pabalik sa tugon nya.


Nikki's Pov

"Ayos na ang lahat ayon kay Secretary Lim."


"So let's go." Pag mamadali ni Jake. 'Bat kasi ayaw nya pang umalis? Tsaka nya isama pa ang tatlong kaibigan nya para mas masaya. Hahahays. --___--


"Pano si Nikki?" Sabat ni Sebastian na napatingin sakin. "Kaya ko ang sarili ko, kaya umalis na kayo." Ani ko.


"Mauna na kayo, susunod na lang ako."


Tinanggal nya na ang tali ko. Tumayo naman ako kaagad nang matanggal nya ito.


"Saan nyo na naman ako ngayon dadalhin? Sa lumang bodega, building, bahay o sa taas na?"


"Wala sa mga nabanggit mo, Nikki."

_________


Nasa harapan kami ng malaking bahay, na kung titignan mo at pag mamasdan ay parang pang malaking pamilya na ito.


"Sure ba ikaw, Sean na dito yon?" Tanong ni Sebastian na inililibot pa din ang dalawang mata.


Tumango naman si Sean. "Dito ang address na sinend sakin ni Secretary Lim."


"Yung susi nasan?" Takang tanong ni Jake, inilabas ni Tyron ang isang susi.


Hiniklat ni Jake ang susi kay Tyron. "Ako na ang mag bubukas." Ngumiti ito tsaka trinay buksan ang pinto.


Nag tagal si Jake sa pag bukas ng pinto, na parang pilit na binubuksan nya ito. "Ayaw?" Tanong ni Tyron.

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon