Chapter 13: Burger

198 7 0
                                    

Nikki's Pov

"Sorry, Ms. Dweller, sa inilagay kong sleeping pills sa kape mo, I just need to do it." Ang lakas din pala ng sapak nya. Mag sosorry sya sa ginawa nya sakin ngayon, ano naman ang mapapala ko sa sorry nya? Bakit nya pa kasi ginawa yon?


"Alam mo, kung mag plaplano kang nah, kayong mangidnap yung makabago sana dahil paulit ulit na lang ang plano nyong kasing tanda na ng lola ni luigi."


Tumawa sya ng saglit. "Luigi?" Patanong nyang wika.


"Pfft." Tinitigan ko na sya ulit. Napatawa sya ulit sa kadahilan na hindi ko alam.


"Ah hahaha, luigi from super mario?" Natatawang wika nya sakin, ano naman ang nakakatawa kay luigi? --___-- .


"Slow."


"Ikaw lang ang nakilala kong babae na hindi takot sa mga kagaya naming kidnappers, Nikki, ikaw lang talaga."


"Nag iisa lang naman kasi ang katulad kong Nikki Dweller."


"Nag iisa nga lang." Mahina nyang ani.


May nag ring kaya napalingon ako sa gilid ko. Tumayo sya tsaka may kinuha sa bulsa sa likod nya.


[Hello?] Ani ni Tyron sa kausap nya, pero bigla syang lumayo kaya wala na akong narinig sa usapan nila.


"I'll be back, Nikki." Saad nya nang tuluyan nya na akong iwan.


Sarado ang pinto, nanatiling bukas ang ilaw na nag sisilbing liwanag sa paligid ko. Mabilis na ginalaw galaw ko ang mga paa at kamay ko para tuluyan na ding makawala pero biglang bumukas ang pinto tsaka nawalan ng ilaw.


Narinig ko ang mga yabag ng paa nito. Namuo ng katahimikan ang loob, yabag nya lang ang naririnig ko.


"Who are you?!" Patuloy pa din ito sa pag lakad na hindi ko na marinig dahil malayo na sakin.


Wala na akong narinig. Wala na din ako makita dahil sarado na ang ilaw. Napahinto ako sa pag galaw ko.


Ilang minutong huminto ang utak ko na parang oras na nawalan ng baterya. Pero saglit lang iyon dahil sa kamay na naramdaman ko sa aking likuran na pilit ibinabalik sa dating higpit ang mga lubid.


Ang hininga nyang ramdam ko, pati na sa paa ko, tinali nya ulit ito ng mahigpit. Lumiwanag na ulit ang paligid, ginalaw ko ang paa at kamay ko pero hindi ko na ito maigalaw tulad ng kanina dahil mas mahigpit na ang pagkakatali.


Isang lalaking nakaitim na t-shirt, jeans at naka-mask ang nasa harapan ko ngayon. Nagulat ako nang dungawin nya ako, napaatras ako dahil doon, naramdaman ko ulit ang hininga nya.


Pumwesto ang ulo nya sa kanang balikat ko na parang may ginagawa sa likod ko. Isang malalim na hinanga ang pinakawalan nya bago sya tuluyang umupo sa harapan ko.


At dun ko na din malinaw na nakita ang isang kwarto na pinag taguan nila sakin. Luma na ito, pati na din ang mga gamit dito.


Tinanggal nya ang piring ko kaya nakita ko na iyon ng malinaw, pero hindi ko kilala kung sino sya kahit wala na ang piring ko, 'bat ko pa ba aalamin kung wala naman akong pakialam kung sino sya? Kaya wag na lang.


Nang matapos kong libutin ang kabuuan ng kwartong 'to ay napatitig na lang ako sa kanyang singkit na mga mata, napansin kong parang hindi sya gumagalaw kundi nakikipag mataliman  na tinginan lang sya sa akin.


Bumuntong hininga sya ulit kaya doon na ako umiwas nang tingin sa kanya. Subalit dun nya na pala tatanggalin ang mask nya sa bibig.


Inaabangan ko kung ano ba ang nasa likod ng mask na iyon, kung sino sya. Nagulat ako nang makita ko kung sino sya, sya lang naman ang kinakakiligan ni Callie, si Mr. Percival.


Bakit sya nandito? Ano ang ginagawa nya dito?


Napamura ako sa isip ko ng mag sink in na sakin na sya yung akala nila Calcal at Nigel na nag propropose sakin na hindi naman talaga. "You?" Mahina pero gulat na tanong ko sa kanya.


"Do you remember me?" Nakangisi sya.


"Definitely yes."


"Nice to meet you again, Ms. Dweller."


"Nice? Walang nice sa pagkikita natin ulit, Mr. Percival."


"Wala ba? Akala ko kasi na it's nice that we see each others again."


Nanlaki ang mata ko nang kumulo ang tiyan ko. Napatingin ako sa tiyan ko. Psh bakit sya tumatawa? --____-- .


Pilit na ngumiti ako sa kanya sabay, "Hehehe." ko sa kanya para hindi ako mapahiya sa kanya dahil sa pagkulo ng tiyan ko. Napangiti sya sa inasta ko.


"Hahahaha. You want some?" May kinuha sya sa likuran nya, isang paper bag ng jollibee.


Lumunok ako habang inilalabas nya ang mga laman ng paper bag. Inalok nya ako na ikinatango ko sa kanya.


Gutom na talaga ako at hindi ko na mapigilan ang gutom na yon.


Kumukutitap ang mata ni Mr. Percival hanggang sa ilapit nya na sa akin ang burger. Sinimot at nilanghap ko ang amoy non na nag padagdag pa sa pagkakagutom ko.


"Gusto mo talaga?" Pang iinggit na sambit nya. Mabilis na tumango ako sa tanong ni Mr. Percival.


"Pfft." Pag pipigil ni Mr. Percival sa pag tawa habang nilalapit nya sa bunganga ko ang burger. Nakanganga na ako sa padating na burger sa bibig ko ng mag iba ang itsura nya na bumalik na naman sa pang iinggit.


"Gusto mo talaga, Ms. Dweller?" Ulit nyang tanong. 'Bat ba ang kulit nya? Oo nga sabi e. --____--


Patango na ulit sana ako sa tanong nya ulit nang unahan nya ako. "Hephep! Akin lang 'to." Pag pigil nya sakin dahil sa pag lapit ko sa burger na hawak nya.


"Tsk!" ---___--- .


"Maybe tommorow, Ms. Dweller." Lumunok ako nang paulit ulit nang ilayo nya sa akin ang burger. "Tsk! Tsk!" Inasta ko nang kumagat sya sa burger na may paeffect pa.


"Hmm, sarap. Sarap talaga nito, Ms. Dweller." Sinasambit nya iyon kahit kumakagat pa sya ng burger. Ang lalaki nang kagat nya dito kaya naubos kaagad, na hindi ko man lang natikman o 'di man lang dumaloy sa lalamunan ko.


"Iniinggit mo ba ako?!" Sigaw ko sa kanya na umiinom ng coke.


Napagmasdan ko ang adams apple nya habang umiinom sya, nang mapatigil sya sa pag lunok.


Tumingin sya. "Bakit naiinggit ka ba, Ms. Dweller?" Tumawa sya.


"Abnormal ka ba?! Sino naman ang hindi maiinggit dyan sa kinakain mo ha?! Ipapatapon ko sa jupiter kung sino man yon o kung meron man!"


Hays. Nagugutom na talaga ako, pero 'bat pa kasi ako umasa na papakain nya ako? --___-- . E, sa unang tingin palang wala na talaga.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon