Third Person's Pov
[ This is the day before the flight ]
Pinatawag ni Chairman ang apong nyang si Nigel para sa importante nitong ibibigay dito. Nakarating ang apong lalaki sa kompanya nila na may mawalak na ngiti na isinasalubong nya sa mga staff sa kompanya nila.
Kilala ang kompanya nila sa buong Pilipinas pati na din sa mga karatig bansa nito. May ari din ng Airport ang Lolo nya kaya 'di maiikala na sobrang yaman nila.
Binuksan ni Nigel ang pintuan ng opisina ng Lolo nya para makapasok na dito at makausap na ang kanyang Lolo para malaman na nya kung bakit sya ipinatawag nito.
Nakita nyang nakaupo lang ang Lolo nya sa swivel chair nito habang may pinipirmahan na dokumento.
"Lo!" Tawag nito sa Lolo nya at padabog na umupo sa couch na nasa gilid lang ng Chairman. "Aish!" Paamba na sanang tatayo ang matanda para batukan ang apo nya pero hindi na ito tumayo at bumuntong hininga na lang.
Nag simulang mag buklat si Nigel ng mga magazine na nasa kanan nya lang. "Lo, 'bat mo ba ako pinatawag? Tungkol na naman ba 'to kay Manang este kay Nikki? Diba pinapunta mo na sya dito?" Sunod-sunod na tanong nito sa Lolo nya.
"Half yes and half no. Tungkol 'to sa pinsan mo pero sayo din, Nigel." Malumay na sagot nito.
Pinakinggan lang ni Nigel ang mga sinasabi ng kanyang Lolo habang sya ay patingin tingin sa mga magazine. "Hindi ko papayagan na mag isa lang na pumunta si Nikki sa Boracay at mag bakasyon." Saad ng matanda.
"Boracay?" Naging interesado ang binata sa sinabi ng Lolo nya kaya binitawan nya ang hawak nyang magazine at doon na tumingin sa Lolo nya. "Hmm yes, bukas na ang flight nya, 6:30 pm." Sabi nito.
Tumaas ang kilay ng binata dahil sa sinabi ng Chairman. "Pero 'bat mo pa ako pinapunta dito, 'Lo? Alam mo namang marami akong ginagawa e." Angal ng binata.
"Like what? Ang pagbabantay sa kaibigan ng pinsan mo?" Tumataas na ang boses ng matanda.
"Pinapasundan mo ba ako, 'Lo?"
"No, I just heard it."
"Gusto kong pumunta ka din sa Boracay, nagpabook na ako para sa inyong anim." May kinuha ang matanda sa mini cabinet nya sa likuran nya at ipinatong ito sa desk nya.
"Seriously, 'Lo?" Nagulat ang matanda ng sumigaw ang apo nya dahil sa tuwa. "You're the best!" Natutuwang wika nito habang tinititigan ang mga tickets.
"I know." Ngiting sambit ng Chairman. "But one last thing, take care of yourself, dahil ikaw ang mag mamana nitong kompanya na 'to kapag nawala na ako, and take care of your cousin. She's my only baby granddaughter, Nigel." Pag bibilin nito sa apong lalaki.
"Baka ako pa nga ang alagaan at bantayan ni Nikki, 'Lo, dahil hindi naman sakin yon sumusunod but okay, I will do my best for taking care of my evi--"
"Nigel!" Kinunutan sya ng noo ng matanda dahil sa sinasabi nya tungkol sa pinsan nitong babae.
"I mean my lovely cousin, 'Lo." Pekeng nginitian nya ang kanyang Lolo dahil sa sinabi nya tungkol sa pinsan nya pero napangiti din ito ng tunay dahil makakasama nya ang kaisa-isahang si Callie nya sa Boracay.
Nikki's Pov
[ First Day in Boracay ]
Pinagmamasdan ko ang mga taong nag sisidaanan sa harapan ko, nasa dalampasigan ako, nakaupo at nakikinig sa magandang boses ni Charlie Puth.
Naramdaman kong may nakatingin sakin sa bandang gilid ko. Hindi ko ito pinansin nung una pero hindi ako naging komportable sa pag titig nito.
Dahan-dahan kong pinapaling ang ulo ko para tignan kung sino yon, nahuli ko syang nakatitig sakin kaya iniwas nya agad iyon.
Lumapit ito sakin na agad kong ikinatayo para umalis na don pero hinila nya ako paupo ulit. "Ano bang gusto mo?" Tinanggal ko ang kamay nya sa akin. "Ang matapos na 'to." Ani nito.
Dinial ko ang number ni Secretary Lim para ipakausap sya dito, para matapos na din 'to, yun din naman ang gusto ko nung una palang. Binigay ko sa kanya ang cellphone ko. "Akala mo ba na matatapos lang 'to dahil sa pakikipag-usap kay Secretary Lim?" Seryosong tanong nito.
"Lemme' think, Mr. Percival, it's a damn yes."
"Pft, how a nice damn joke, Ms. Dweller." Hinawakan nya ako sa parehong braso at inilapit nya ako sa kanya. Hindi na ako pumiglas dahil alam ko namang hihitakin nya rin ako kapag nakawala ako sa kanya.
"Gusto mo na itong matapos dahil nagkakagusto ka na kay Seb diba?!" Umiba na ang ekspresyon ng mukha ko sa tinanong nya, ano ba akala ng lalaki na 'to na ganun lang ako katanga na patulan o gustuhin ang kaibigan nya? Pft, seriously? --__-- .
"O baka naman kay Jake?" Tumatawa sya na parang naloloko na, pumiglas na ako sa kanya dahil baka ano pa ang magawa ko sa kanya pagkatapos nyang tanungin sakin ang mga walang kwenta tanong nya.
"Ano, aalis ka na ngayon dahil totoo diba?!" Tumayo na din sya sa kinakaupuan nya. "Hindi ka makapagsalita dahil totoo lahat ng sinabi ko, tama ako diba? Kaya gusto mo na 'tong matapos dahil gusto mo na ang mga kaibigan ko, tama diba?!" Mahigpit nya akong hinawakan sa pulso ko na ikinaaray ko.
"Ano bang problema mo?! Pwede ba wag kang mag scandalo dito!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil sa mga pinagsasabi nya, gusto ko syang suntukin pero ayokong gumawa ng scandalo dito dahil sa reputasyon ng hotel namin dito.
Ngumingisi sya ng nakakaloko tsaka tinignan ako ng seryoso sa mata. "Ahh sorry, mali pala ako, Ms. Dweller." Hinawakan nya pa ako lalo na mas trumiple pa ang higpit nito kesa sa una. "Si Tyron diba?! Diba?!" Naguguluhan ako kung ano bang gusto nyang ipalabas sa mga sinasabi nya pero mas lalo nya lang ipinapahiya ang sarili nya sa mga tao dito kung ano talaga sya.
"Bitawan mo nga ako, Mr. Percival habang nakakapagtimpi pa ako sayo." Banta ko sa kanya. "Go! Punch me, Ms. Dweller, I don't care what you want to do to me." Sigaw nya, ginagamit nya ang kamay ko sa pagsuntok sa sarili nya na hawak nya.
"As you said." Sinuntok ko sya dahil ayun ang gusto nya, ginawa ko lang ang sinabi nya sa akin kaya wala na akong pakialam kung dumugo pa man ang gilid ng labi nya.
Napaupo sya sa buhanginan, pinagmasdan ko sya sa maikling segundo bago ko sya iwanan ng tuluyan doon.
*****

BINABASA MO ANG
Living with the four Bad boys
Fiksi Remaja"No, dahil si Nikki ay makakasama nyo sa iisang bahay habang hindi pa sya nagtitino sa mga pinaggagawa nya, Mr. Syth. At ito ang pangatlong misyon nyong apat, ang mamuhay na kasama si Nikki. Ang misyon na ibibigay sa inyo ni Chairman simula ngayon."...