Chapter 12: Kidnapped

204 9 0
                                    

Nikki's Pov

Madilim ang lahat sakin dahil nakapikit ako, unti unting kong minumulat ang aking mata. Walang akong makita, kundi dilim lang. Bulag na ba ako? Pakurap kurap ako ng may maaninag akong liwanag na kaunti.


Napansin kong may humaharang na pula sa liwanag na iyon, at ngayon ko lang napansin na nakapiring ako gamit ang panyong kulay pula.


"Ahh." Na sambit ko nang pwersahin kong itaas ang kamay ko para tanggalin ang pagkakapiring ko. Nakatali ito gamit ang makapal na lubid na nahawakan ko nang pwersahin ko.


Hays. Bakit ngayon ko lang na realized na may balak syang kidnapin ako?


Pero hindi ko inaasahan na ganon lang ang makakayanan na gawin nyang plano, planong lumang luma na. Dami nang gumamit nang plano na yon pero ginawa nya pa? Psh. Kung kikidnap lang naman sya, yung maganda at makabagong paraan sana.


Hindi yung makaluma na. Okay lang naman pero sa kagaya kong iba ang pag uugali hindi pasado ang ginawa nya.


Pati ang mga paa ko ay nakatali sa paahan ng bangkong pinag talian nila sakin. Hinubad ko ang rubber shoes na suot ko, hindi ako gumagamit ng takong kaya wag na kayong mag taka.


Hindi ko nakikita ang ginagawa ko pero nararamdaman ko naman ito. Kinawit ko ang isang rubber shoe ko sa isa ko pang rubber shoe tsaka ko ito mabilis na hinila kaya natanggalan na ito.


Ganun din ang ginawa ko sa isa pero sa paa ko na kinawit ito. Na alis ang rubber shoes na suot ko. Maingat kong ginalaw galaw ang paa ko para lumuwag ang pagkakatali nito sa paa ko.


Malapit nang lumuwag ang tali pero may mga yabag na malakas ang narinig kong papunta sa aking kinaroroonan kaya napatigil ako sa ginagawa ko, umayos ako ng upo kahit nakatali ako.


"Ako na ang titingin kay Nikki." Wika ng isang lalaki na narinig ko, napalingon ako kung san nanggaling ang boses. May na aaninag akong pinto kaya doon ko hininto ang aking paglibot ng mata.


Niluwa ng pinto ang isang lalaki na hindi ko masyadong kita ang mukha, dahil nakamask din kasi ito. Papalapit sakin ang lalaki na tila pinagmamasdan ako. "Ang tagal mo namang magising, Ms. Dweller." Wika nito habang hinahaplos ang aking buhok.


"Gising na ba 'dre?" Napatigil sya sa pag haplos sa buhok ko ng may nag tanong sa kanya na isa 'ding lalaki, lumapit din ito sakin.


Mag katabi sila na nasa harapan ko, na hindi ko pa din maaninag ang mga mukha nila. "See, hindi pa sya gising, 'dre, naparami yata ang lagay ng sleeping pills ni Tyron sa kape ni Nikki." Sagot nito.


"Gigising din nyan, 'dre, hintayin na lang natin." Tinapik nya sa balikat ang unang pumasok dito sa kwarto.


Sino ba sila? Diba si Tyron lang naman ang kasama ko kanina sa Secret Honesty Store, bakit naging tatlo na sila?


"Nasan na ba yung dalawa?" Tanong ng unang lalaking pumasok dito nang makaupo sya sa couch, na nakatapat sakin pero malayo sa akin. "Binalita na ni Tyron kay Chairman na tapos na ang pinagagawa nya satin pero si S--" Napahinto ang isa pang lalaki sa pag sagot nya, nang pabagsak syang umupo sa tabi ng nag tanong sa kanya. "Nandun lang sya sa labas nag babantay." He added.


Nakaprenteng nakaupo lang ang dalawang lalaki sa couch na pinagmamasdan ko. Nangangawit na ako sa pwesto kong 'to pero 'di yata aalis ang dalawa na 'to kung hindi nila ako makikitamg gising na.


Samantala, habang nag gagabi na ay dinadahan-dahan ko na din'g ginagalaw ang kamay ko para makawala na sa tali. Pero nang makatyempo na ako na nakakatulog na ang dalawa ay ipinaling ko na ang ulo ko, ng biglang namang sumigaw ang isang lalaki sa pagkakatulog nya.


"Ugh!" Sigaw nya nang makamulat sya. Nawala ang pagkabalanse ng upuan ko dahil sa pagkapaling ng ulo ko ng dahil din sa pagkagalaw ko.


Wag na wag kang tutumba, bangkuan ka. Pag mamakaawa ko sa upuan dahil kung tumamba ako dito ay malalaman na nilang gising na ako, pero swerte ako dahil naibalik ko ang pag kabalanse nito pero may isang insekto o ano man ang dumapo sa braso ko na gumagapang dito.


Psh. Ngayon pa talaga? "Shit." Nawika ko nang tumamba na ang upuan na nag pagising sa dalawang nakahiga sa couch.


"Ano yon?!"


"May sunog, 'dre! Bilis tubig!"


"Wiwowiwowiwo!"


[\Blaggg. Tunog nang pagkakauntog ng isang lalaki na dumiretsong naglakad papunta sa labas kahit sarado pa ang pinto.


"Aish!" Angal nya na napapahawak pa sya sa ulo nya. Nakatumba pa din ako kasama ang upuan na hindi man lang nila napansin dahil sa pinagsasabi nilang sunog.


Natauhan na silang dalawa kaya agad nila akong inayos at inupo ulit.


"Okay ka lang ba?" Tanong nya sakin. Hindi ako sumagot.


"Kita mong nauntog ako, 'dre, tas tatanungin mo pa ako na okay lang ako. Hays." Humawak sya ulit sa ulo nya.


"Hindi ikaw ang tinatanong ko, si Nikki." Sabat nya agad.


"Psh. Buti na lang ang hot ko pa rin." Tugon ng lalaking nauntog.


"Pft."


"Are you okay?" Tanong nya ulit sakin. Nakita kong tatanggalin nya na ang piring ko ng may sumigaw.


"Wag!" Sigaw ng bagong lalaki. "Hindi pa ito ang oras, Seb." Ani  ni Tyron, nabosesan ko sya. Gusto kong sumabat sa kanilang tatlo pero hindi ko magawa dahil mas gugustuhin ko na lang na hindi nila ako pag tuunan nang pansin.


Seb? Sebastian? Shit. Sebastian, Jake at Tyron? Sila yung mag kakaibigan na nakilala ko nung unang araw ng pasukan. Pero sino pa ang isang kasama nila?


"Sinabi ko na lahat kay Chairman, bukas sya pupunta dito para makita sya." Tingin nya sa akin. Kitang kita ko na sila kahit nakapiring pa ako ngayon.


"Ako na ang magbabantay sa kanya, you can go." Umalis na ang dalawa at si Tyron na lang ang kasama ko dito.


Kumuha sya ng isang monoblock sa isang gilid tsaka nya itinapat sakin ang monoblock na inipuan nya. Nakipagtitigan ako sa kanya kahit may piring pa ako.


"Alam kong gising ka na simula pa nong pinapunta ko dito sina Jake at Sebastian." Saad nya. "Kaya wag ka ng mag kunwaring tulog pa, Nikki." Dagdag nya.


Hindi ako nag salita, hinayaan ko na lang syang mag salita.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon