Chapter 30: First Day II (Boracay)

53 2 0
                                    

Nikki's Pov

Patuloy pa din ang pagmamakaawa nya dahil akala ng mokong na kasama ko na 'to ay may gagawin akong masama sa kanya.


"Nasisiraan ka na ba talaga, Mr. Ocampo? Aakyat lang ako dito, wag kang masyadong feelingero." Iritableng wika ko. "Hindi ako feelingero! Gwapo ako! Gwapo!" Hays, 'di na ba talaga ako titigilan ng mga lalaking 'to? Lahat sila nakakapanggulo sa buhay ko, oras-oras na lang --___-- .


Bumalik ako sa pwesto ko kanina at pinabalik ko din sya sa pwesto nya kanina. Tinitigan ko sya para mauna sya sa pag akyat sa cr. pero tinitigan nya lang din ako. "Hindi ka ba aakyat?!" Iritableng tanong ko. "Aakyat saan?" Takang tugon nya. "Malamang dyan sa plywood para makaalis ka na dito." Tsk.


"Tsk, oo na!" Pilit nyang sambit dahil pinaliliitan ko na sya ng tingin. Narinig ko ang kalabog nya sa sahig ng bumaba na sya. Pinatong ko ang paa ko sa bowl para mas mapadali ang akyat ko sa plywood.


Nang makaakyat na ako don ay inayos ko muna ang jacket ko na nasira, nakabwelo na akong tatalon pero nakaharang si Sebastian sa tatalunan ko. "Ano pa ang hinihintay mo? Talon na!" Sambit nito na iniharang ang mga braso para saluhin ako sa pag talon ko.

"Psh. Alis dyan!" Sigaw ko. "Ha? Bakit?" Tanong na naman nya.


Hindi pa rin sya umaalis sa tatalunan ko.


"Hindi ka ba talaga aalis dyan?" 


"Hindi!"


Hays, gusto talaga nito ng gulo --___-- . "Gusto mo talaga?!" Pabarang na sabi ko. "Dadaganan kita dyan kapag hindi ka pa umalis dyan!"


"Isa... Dalawa... Tat--"


"Oo na. Eto na, aalis na!" Umalis na sya sa tatalunan ko kaya agad na din akong tumalon. "Piece of cake." Bulong ko sa sarili ko.


"Psh." Pinanliitan ko muli ng mata si Seb bago ako umalis sa loob ng cr.


"Huli ka!" Napailing lang ako ng sumalubong silang lahat sakin sa labas. "Sino ba yan?" Tanong ni Seb na nasa loob pa ng cr. "Sino yon?" Takang tanong ni Callie sakin. Inilingan ko na lang sya nang lumabas na din si Seb sa cr.


"Tsk. Tsk. Tsk." Hinitak ako ni Callie papunta sa pwesto nila. "Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" Diretsong tanong ni Callie kay Seb na nakakrus pa din ang braso sa katawan nya. "Ganito kasi yon, si Nikki bigla na la--" Putol na pagpapaliwanag ni Seb.


"Pumasok ako sa cr. na yan na akala ko ay walang tao, pero mali ako dahil nandun sya." Tinignan ko si Sebastian. "At yon, hindi kami nakalabas agad dahil sira ang pintuan ng cr." Dagdag ko sa sinabi ko.


"Sa maikling salita, binosohan nya si Seb."


"Hindi mangboboso ang kaibigan ko, Sean." Madiin na sabi ni Callie. "Tsaka naniniwala ako kay Nikki dahil mas mukha pang adik 'tong kaibigan mo kesa sa mga tambay sa kanto." Sambit ni Callie na sinang-ayunan na lang iyon ni Nigel na nakatabi kay Callie.


"Yah!" Angal ni Seb.


"Yah?! 'Bat mo sinisigawan yung mahlabs ko?!" Sigaw ni Nigel na hinawakan si Callie sa braso.


"Hays! Basta! Totoo yung sinabi ni Nikki na naistuck kami sa loob."


"Magsitahimik na nga lang kayo, pwede ba? Nakakairita sa tainga yang mga boses nyo." Tinignan nila akong lahat pwera lang sa lalaking nagsasabing binosohan ko ang kaibigan nya. Psh.


"Nikki is right, can we just stop this?" Wika ni Tyron.


"Pwede naman!" Sagot ng mga kanina pang nagbabangayan.


Ngayon ko lang napansin na wala na naman si Jake sa grupo nitong mga 'to, anyway lagi naman syang wala. "Halika na nga lang, Niknik!" Hinitak ako ni Callie patalikod sa kanilang apat. Susundan na sana kami ni Nigel pero huminto si Callie kaya napahinto din sya.


"No boy allowed, Nigel." Panlilisik na sabi ni Callie kay Nigel, napabuntong hininga na lang ito. "Halika na nga lang mga 'dre!" Rinig kong sigaw ni Nigel habang naglalakad kami palayo sa kanila. "No girls allowed!" Pagpaparinig pa ni Nigel.


Nakarating na kami sa kwarto ko. Binitawan na ako ni Callie tsaka tumalon talon sa malambot na kama ko. "Meron ka ba ngayon?"


Tinignan ko lang sya. "I mean, red days mo ba, Niknik?" Nakangisi nyang tanong.


"Hindi." Tipid kong sagot. Umupo ako sa kama habang sya ay tumigil na at tumabi na sa akin. "Alam ko namang nahihirapan ka sa pagpili sa kanilang apat, kaya naiintindihan kita, Niknik." Tinapik tapik nya ang braso ko tsaka nag pagulong-gulong sa kama.


"Hell no! Do you think na papatulan ko ang mga yon? Pfft, nice joke."


"Yes, oo naman! Ang popogi kaya ng mga yon, tas lalo na si Sean at Tyron! Kaya wag mo kong ma-hell no, hell no dyan, Niknik."


Tumayo ako sa pagkakaupo ko na nag patigil sa paggulong ni Callie. "San ka pupunta?" Hindi ko na lang pinansin ang tanong nya. Kumuha ako sa bag ko ng almond. "Anong gagawin mo dyan sa chocolate?" Tanong nya. "Hays malamang kakainin mo yan, ang boplaks mo talaga, Callie!" Sagot nya sa sariling tanong nya.


Kinuha ko ang kamay nya at ipinatong ang almond sa palad nya. "Para sakin 'to?" Tumango ako.


"Wala pa akong pera para i-pang-bili mo ng majojokan mo at tatawa ng malakas para sa joke mo kaya pag pasensyahan mo na yang almond na yan dahil yan lang ang laman ng bag ko." Ngumiti ako ng malawak sa kanya na ikinakunot ng noo nya.


"Yaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Sigaw nya habang hinahabol ako habang taban ang unan na nakalagay sa kama ko. Tumatawa lang ako habang nakikita kong naiinis na sya habang hindi nya pa ako naaabutan.


Paikot-ikot lang kami sa loob ng malaking kwarto ko. "Hays!" Sabay salampak ni Callie sa sahig na ikinahinto ko. "Susumbong kita kay Lolo e!" Boses batang pagbabanta nya. Lumapit ako sa kanya para patigilan sya sa ginagawa nyang nakakahiya. "Pero joke lang! Hahahaha." Hinampas hampas nya ako ng unan na hawak nya.


Hingal na hingal kaming dalawang humiga sa kama pagkatapos akong habulin ni Callie at paghahampasin ng unan. "Seryoso na ako ngayon, Niknik. Kung hindi ka pa makapag decide kung sino sa apat na yon ang pipiliin mo, si Tyron na lang okay?"


"Aish! Tumigil ka na nga." Bawal ko sa kanya.


"Sa mga titig pa lang kasi sayo ni Tyron, alam ko nang maaalagaan nya ng mabuti ang kaibigan ko, ikaw na kaibigan ko."


Napatawa na lang ako sa 'di oras dahil sa mga pinagsasabi nya dahil hindi naman ako interesado sa mga bagay na yon.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon