Chapter 15: Necklace

187 7 0
                                    

Nikki's Pov

Natapilok ako kahit rubber shoes lang ang suot ko, pero pinilit ko ang sarili kong tumakbo pero naabutan nila akong dalawa. Nasa harapan ko ang batang si Sebastian at si Mr. Percival na may gamit na kotse.


"Hays. Nikki naman, pinagod mo ako dun ah!" Reklamo nyang umaalis sa sasakyan nyang bike.


Napatingin sya sa bike na ikinagulat nya kaya naging dahilan nang paghagis nya ng bahagya doon sa bike. "Umaasa ako na yung ginawa ko kaninang pag sakay don sa bike na yon ay isisikreto mo, Nikki." Saad nya habang nilalapitan ako.


Tumangka na akong tumakbo ng mag salita sya. Nakatakbo ako pero hindi na kabilis ng kanina. Hindi nila ako sinundan kaya nag patuloy ako. Nagulat na lang ako ng nasa tabi ko na si Mr. Percival na sinasabayan ako sa pag lakad.


"You can't, Ms. Dweller, so stop."


Tumuloy lang ako sa pag lakad kahit nasa tabi ko na sya. Paika ika akong tumatakbo na parang lakad lang din ang nagiging resulta.


"Hays." Huminto na sya sa pag lakad kaya naiwan na sya, na ikinangiti ko dahil wala na silang sumusunod sunod sa akin.


"If you won't stop, sisirain ko ang isang bagay na sobra mong pinapahalagahan, Ms. Dweller."


Madilim na ang paligid dahil gabi na pero heto ako ngayon nasa kalsada pa rin. Ang mga ilaw na lang sa mga poste at sa buwan ang nagiging ilaw namin.


Alam ko ang tinutukoy nyang sisirain nya, kaya hinarap ko sya na walang pangamba. "Go, do it!" Sigaw ko.


Tumango sya. "As you said, I will do it."


Inilabas nya ang gunting na nasa bulsa ng jeans nya. Itinaas nya ang kanang kamay nya na may hawak sa kwintas ko.


"Dre, wag mo nang ituloy yan, dalhin na lang natin ulit sa bahay si Ms. Dweller." Saad ni Sebastian.


Umiling iling si Mr. Percival. "Gagawin ko muna ang sinabi nya, bago natin gawin yang gusto mo, Seb." Ani nito.


Ipinakita nya sakin ulit ang gunting na hawak nya bago nya na ito tuluyang ginupit.


Iniwasan kong maiyak, alam kong kwintas lang iyon pero yung kwintas na iyon ay ibinigay sa akin ng mga magulang ko bago sila mamatay. At ayun na lang ang natitirang alaala nila sa akin, na sobrang importante sakin.


"Ginawa mo na ang gusto mo kaya masaya ka na, kaya kung pwede lang tigilan nyo na ako!" Dumating pa ang isang kotse, na iniluwa sina Tyron at Jake.


"Dre!" Masayang wika ni Jake na tinapik ang balikat ni Seb na tahimik lang na nakatingin sa kwintas ko na nasa ibaba.


Hindi na nag salita si Jake o sino man sa aming lima. Nasa tapat ng pinto lang si Tyron na nakatingin sa kwintas na hawak ni Mr. Percival at yung ibang parte pa ng kwintas sa ibaba.


Sinimulan na ni Tyron mag lakad, nag katitigan kaming dalawa habang patuloy syang nag lalakad papunta sa pwesto ko.


Nilagpasan nya si Mr. Percival na nasa harapan ko. Pumunta sya sa harapan ko kaya naharangan nya si Mr. Percival.


Malalim na tingin ang ibinigay nya sakin, walang paalam na binuhat nya ako, hindi ako nakapalag dahil nakatingin lang ako sa mga mata nyang malalim ang tingin.


Buhat nya pa rin ako hanggang sa pag balik sa kwarto na pinag taguan nila sa akin galing sa kalsada na yon. "Kaya ko na, Tyron." Tumingin muna sya sakin bago ako ibaba sa tapat ng kwarto.


Nakasunod lang ang dalawa samin, hindi ko na nakita si Mr. Percival simula ng makababa na kami sa kotse.


Wala naman ng kirot kaya maayos na akong nakakalakad. Kusa akong umupo sa upuan ko, nasa gilid ko ang lubid at panyo na ginamit nila para sa akin.


"Hindi mo na kailangang dumikit sa akin, Jake, nandito na ako, hindi na ako makakaalis dahil nandito na kayo." Saad ko kay Jake na pasimple akong binabantay sa kilos ko.


"S-sorry." Mahinang sambit nya na lumapit na kay Seb.


Kinuha ko ang panyo sa gilid ko tsaka ko piniring sa sarili ko. Bumalik na sa dati ang malabong aninag ko sa kanila.


Si Sebastian na ang nag tali sa kamay ko tsaka sila umalis ni Jake sa kwarto. Si Tyron ay nasa harapan ko ulit.


Marahan na itinaas nya ang paa ko tsaka ito ipinatong sa lap nya. "Ano gagawin mo sa paa ko?" Papahinang saad ko dahil hinilot nya ito. Magaling syang mang hilot kaya nawala na talaga ang kirot.


"Hindi mo na dapat ginawa yon, Nikki."


"Who's your boss, Tyron?" Diretsong tanong ko sa kanya. Sino ba kasing tao ang gagawa sakin nito? Na ipakidnap ako?


"Malalaman mo din kung sino, bukas, Nikki." Ibinaba nya na ang paa ko. May nakalimutan 'ata sya bago tumayo.


"May nakalimutan ka yata, Tyron."


Napaharap sya ulit. "Ano?" Tumingin sya sa paligid.


"Di mo ba itatali ang mga paa ko kagaya nang pagkakatali nyo sa akin kanina? Diba ayan naman ang mga gawain nyong mga kidnappers, tama naman diba?" Ano ba ang ipinapakita nya sakin? Bakit nya naman hihilutin ang paa ko kesa saktan ako dahil sa pagtakas ko?


Ano ba talaga ang intensyon nila sa akin?


"Kung ayan ang pagkakaalam mo sa aming mga kidnappers, ibahin mo kami, Nikki." Yumuko sya ng bahagya tsaka tuluyan nang umalis.


Ang araw na ito ay naging mahaba dahil sa mga pangyayari na nangyari, na hindi ko mga inasahan.


Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa upuan na 'to. Nagising akong nakaupo at nakatali, as usual dahil ganito din naman akong nakatulog.


"Dre, gising na si Nikki." Sambit ni Jake kay Seb na mahimbing pa din na natutulog sa couch.


Nagising na si Seb, tumayo si Jake na may kinuhang lamesa at upuan na inilagay sa tapat ko.


"Dre, kuhanin ko lang." Sabay turo ni Seb sa labas, tumango naman si Jake.


"Kung pwede lang sana kitang pakawalan, gagawin ko na, kaso hindi e." Saad ni Jake na pinag mamasdan ako hanggang paa mula sa ulo ko..


Tinanggal nya ang piring ko. "Pwede naman mangyari yon, kung gugustuhin mo." Tugon ko sa kanya.


"Edi pwede na tayong mag date non?"


Sinamaan ko sya nang tingin na ikinatawa nya ng peke. "Hehehe sabi ko nga hindi e." Sabay kamot sa ulo nya.


"Tsk, 'dre, tumabi ka nga dyan, papakainin ko na sya baka dumating na si Chairman." Pilit naman na dumasog si Jake, umupo si Seb sa tabi ni jake.


"Tsk, Seb, wag kang panira." --__-- .


"Hays."


"Dinidiskartehan ko lang naman si Nikki e." Dagdag ni Jake.


"Hehehehe joke lang." Sambit nya nang pinaningkitan ko sya.


Sumama din ang tingin ni Seb kay Jake na katabi nya. "Edi ako pwede?" Ani ni Seb hays. Pag untugin ko kaya silang dalawa? --___-- .


"Suntok gusto nyo?" Asik ko sa kanilang dalawa.


"Hehehe ayaw." Sambit nilang dalawa na napakamot sa ulo.

*****

Living with the four Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon