Nikki's Pov
Namumutla ako lalo nang titigan ko ang mga lalagyan na lang nang kinainan nya.
"Ehem!" Pagkukunwari nyang pag ubo.
Problema nya? Masama na bang titigan ang mga yon? Yun na nga lang ang tinititigan ko e.
"What?!"
"Baka kasi malusaw ang mga lalagyan na yan sa kakatitig mo, hinay-hinay lang sa pag titig, kawawa naman yang mga yan pag nangyari yon."
Tf?! Dun pa talaga sya naging concern?
--___-- . Inayos ko ang sarili ko kahit hindi naman talaga maayos dahil sa nakatali ako. Sa baba na lang ako tumingin at hindi na inisip na may kasama akong katulad nya.
"Do you really want to eat, Ms. Dweller? Kas--"
"Yes, oo, ne!" Wala ng pahabang salita pa kundi sumagot na ako kaagad.
Tumawa sya ng mahina. "Kaso nga lang nakatali ka, pano ka nyan makakakain? Hahahaha." Sabay evil laugh nya.
Tumingin ako sa makapal na lubid na lalong nag pagutom sakin ulit sa kadahilanan na hindi talaga ako makakain kahit mag makaawa pa ako dito sa lalaki na 'to.
"Damn you." 'Di ko na mapigilan ang sarili ko dahil sa gutom. --___--
Walang anuman ay nag init ang dugo ko na nag pakulo sa tiyan ko na naging dahilan sa galit ko na naging resulta sa pag tayo ko kahit nakatali ako sa upuan.
Pinag hiwalay ko ang kamay ko na natanggal na sa pagkakatali nito pati na din ang paa ko, hindi na ako nakatali dahil nakawala na ako, nagamit ko sa pag kawala ng tali ay ang gutom ko na nag pag inis sa akin ngayon.
"Wooh, wooooh." Napatayo sya sa kinauupuan nya nang makita akong nakawala na.
"Paano mo yon nagawa?" Manghang manghang tanong nya.
"Dahil sa lalaking nasa harapan ko na kumakain kanina sa harap ko na hindi man lang ako pinakain, na naging resulta sa inis ko dahil sa gutom ko!" Sigaw ko kay Mr. Percival.
"Where are you going?" Gulong gulong itinanong nya sa akin.
"Sa dorm ko." Huling ani ko bago ko sya talikuran at malayang lumakad.
"Sean, 'dre!" Isang sigaw ng lalaki. Hindi ko pinansin ang sigaw pero nang makalabas ako ng kwarto, una kong nakita ay si Sebastian na papataas papunta sa kwartong pinag labasan ko.
Wala na akong dahilan para bumalik sa kwarto na yon kaya bumuntong hininga ako tsaka humakbang pababa para umuwi na sa dorm ko at hindi sa bahay ni Nigel.
"Ano ba ginagawa mo ha?" Tanong ni Mr. Percival nang hilahin ako ulit dito sa kwarto. Nang sumigaw ulit si Sebastian ay in-off nya ang ilaw kaya dumilim sa loob.
Nasa tapat kami ng pinto na sinarado nya agad na pinag sandalan nya din sa akin.
"Hindi mo ba kita? Aalis na ako dito!" Ani ko sa kanya.
Hindi ko siya kita pero ramdam ko sya sa harapan ko. "Hays." Buntong hininga nya.
"Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong idamay ko ang kaibigan mo." Pag babanta ko sa kanya.
"Tsk. Shhh!" Tinakpan nya ang bibig ko kaya natahimik na kaming dalawa.
Nakarinig ako ulit nang yabag dahil sa katahimikan namin. "Nikki?" Patanong na ani ni Sebastian sa labas. Gumalaw ang door knob na naging dahilan nang tinginan namin ni Mr. Percival, kita ko ang puti sa mga mata nya.
Hinawi ko sya pero kinorner nya ako sa gilid ng pinto. Aish! --___-- .
Bumukas ang pinto na agad sinulubong ni Mr. Percival si Sebastian sa labas na ayaw yatang ipakita sa kaibigan nya na nakawala ako sa pagkakatali nila sa akin.
"Oh, dre? Nandyan ka pala." Rinig kong ani ni Sebastian. Lumabas si Percival na sinirado ang pinto.
Sa labas ng kwarto na 'to sila nag usap na pinakinggan ko naman.
"Uhm yeah." Maikling tugon nya sa tanong ni Sebastian.
"Musta na si Nikki?"
"Ah yun? Si Ms. Dweller?"
"Oo." Sagot ni Sebastian.
"Bakit mo pa tinatanong yon, Seb? Kung okay lang naman talaga." Diniinan nya ang huling nyang sinabi na kinainis ko.
"Hays dyan ka na nga, 'dre. Ako na lang ang titingin sa tanong ko." Wika ni Sebastian.
"Nat--tutulog lang sya." Harang yata ni Percival kay Sebastian.
"Ah edi babantayan ko na lang sya."
"Wag mo nang bantayan yon, 'dre. Okay? Dun na lang tayo sa baba para kumain."
Wala na akong narinig kundi yung pag baba na lang nila sa hagdan. Mabilis na binuksan ko ang ilaw tsaka kinuha ang lubid para ipang sarado sa pintuan para hindi na sila makapasok habang tumatakas ako. Pumunta ako sa bandang bintana.
Napaubo ako dahil sa mga agiw-agiw na nakadikit sa bandang bintana, hinawi ko yon tsaka dahan dahang binuksan ang bintana. Kasya ako sa bintana kaya sakto, makakauwi na rin ako.
Hinanap ko ang gamit ko pero wala sa loob nito. Nag desisyon na lang akong babalikan na lang iyon bukas, na sakto ding sabado kaya walang pasok.
Tumingin muna ako sa pintuan na tinalian ko ng lubid na hinarangan din ng bangkuan sa huling pagkakataon bago tumalon sa labas mula sa kwarto na 'to .
Wala nang kaba-kaba sa akin ang ginagawa kong pag talon sa mga ganitong sitwasyon kaya nakatalon na ako mula sa bintana.
Pinagpag ko ang kamay at tuhod ko dahil sa duming kumapit dito kaso napatigil ako nang tumingala ako sa taas.
"Nikki!" Rinig kong sigaw mula sa taas ko. Nakita kong nakadungaw si Sebastian at Mr. Percival sa bintanang pinag talunan ko.
'Di ko na sila hinintay na makababa don baka kasi maabutan pa nila akong dalawa.
"Dre bilis!" Sigaw nila nang tumakbo ako.
Patuloy lang ako sa pag takbo kahit sobrang nakakapagod na.
Palinga linga ako sa likod ko kung nasundan ba nila ako, walang Mr. Percival at Sebastian ang nakasunod sakin kaya huminto muna ako para huminga nang maayos.
Humawak ako sa tuhod ko habang hinahabol ang hininga ko. Habang ginagawa ko iyon ay napalinga ako ulit sa likod ko.
"Nikki!!!"
Ewan ko kung magugulat ako o tatawa ng malakas dahil nakita ko si Sebastian na nakasakay sa isang bike na pang bata at barbie pa ang design hahahaha!
'Di ko mapigilan ang tawa ko kaya hindi ako nakatakbo kundi nakatingin lang ako sa batang nag babike este kay Sebastian.
Pero napahinto ako ng malapit na sya sa akin at nakita ko ang mabilis na kotse na papunta sa pwesto ko. Wtf?! Hays.
*****
BINABASA MO ANG
Living with the four Bad boys
Teen Fiction"No, dahil si Nikki ay makakasama nyo sa iisang bahay habang hindi pa sya nagtitino sa mga pinaggagawa nya, Mr. Syth. At ito ang pangatlong misyon nyong apat, ang mamuhay na kasama si Nikki. Ang misyon na ibibigay sa inyo ni Chairman simula ngayon."...