Author's Note: Okay so ganito yan, isa ako sa maraming batch na hindi umabot sa pagpapatupad ng k-12 program ng DepEd kaya honestly, wala talaga akong maraming alam sa bagay na ito kaya pasensya na, paminsan minsan ay tinatanong ko ang kapatid ko tungkol dito pero kadalasan ay gawa-gawa na lang ang sinusulat ko, HAHAHA! Comment din kayo pag may time. Salamat at God bless.
"Nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang Anti-Bullying act of 2013, naglalayon ng batas na ito na sugpuin ang pambubully sa lahat ng aspeto ng buhay upang makamit ang ---"
"Hedwig" di ko na narinig ang mga sumunod na sinabi ni Ted Failon " Bakit po?" nilingon ko si Tsong.
"Yung bagong uniform mo ihahatid dito ng anak ni Aling Rosario, kaya buksan mo ang pinto at hinaan mo ang volume ng T.V." Sabi sakin ni Tsong habang kumukuha ng tubig mula sa fridge, di nagtagal tinabihan na rin niya ako sa sofa."Kailangan ko ba talagang magtransfer ng ibang skwelahan Tsong?" tanong ko sabay lingon sa kanya.
"OO, yun ang kailangan mo" sagot niya ng di ako nililingon.
"Pero Tsong, ayoko ng bagong skwelahan, kaya ko namang magbago kahit na nasa dat--" di ko na natapos ang aking sinasabi.
"Tao po, Tao po" pareho kaming napalingon ni Tsong sa may gate."Baka yung anak ni Aling Rosario na yan, bilisan mo." Agad naman akong tumayo upang kunin ang uniform na dala-dala ng batang lalaki. "Pinabibigay po ni Nanay" sabay abot niyang sabi. " Sige, iho, pakisabi sa Nanay mo salamat. Sabi ni Tsong na nakatayo sa may pintuan, umalis din naman agad yung bata. Napabuntong hininga na lang ako ng tignan ko aking bagong uniform, jumper ito at 3/4 ang inner, ang init nito pag sinuot na.
"Hedwig, tanggapin mo na lang sa lunes sa ibang skwelahan ka na papasok". nakatayo si Tsong habang ako naman ay nasa sofa.
"Ba't hindi mo ako sa public school etrinansfer Tsong?"
"Hindi na sila tumatanggap ng enrollees kaya doon tayo nagpaenroll sa Whorf Institute of Arts and Technology."
He? Hano raw? sabi ko sa sarili, "Bakit naman Tsong?"
Bumalik siya sa kusina "Kasi marami ng estudyante sa skwelahan nila, sabi ng Administrator ng National Highschool dito satin na kung kaya naman palang papasukin ang mga anak nila sa pribadong skwelahan ay doon na lang."
"Eh, hindi mo naman ako anak eh" uy contextual yung tanong ko ahh.
"Ano mang e. rason mo sakin, matutuloy ka na talaga sa lunes, tsaka wag mong kalimutan yung mga sinabi mo." Hay pinaypay, eto na naman kami.
"Oo tsong, kaya nga ako magtratransfer ng school dahil sa aking pagbabagong buhay mission impossible" naiinis kong sagot.
"Anong mission impossible? hindi impossible yun kung susubukan mo at hindi ka susuko." Akala ko tapos na si Tsong pero nag pause lang pala siya para sa paghahanda sa kanyang nakabagbag tengang cliche' statements. "Hindi maganda sa isang babae na magcutting class, tumalon sa gate at higit sa lahat ay mambully."
"Uyy Tsong, part time bully lang ako kami ng mga kaibigan ko no, tsaka hindi naman namin sila sinasaktan tinatakot lang tsaka occasional lang kamo mangbully, yung pagcutting class at pagtalon sa gate ang daily." pag walang sagabal, at pakialam ko ba sa ibang tao.
"Kahit na ma verbal o nonverbal pa yan pareho pa rin itong magdudulot ng psychological side effects sa tao, tsaka ano ka? working student? may part-time job at parang ipinagmamalaki mo pa yung mga kalokohan niyo ng mga kaibigan mo, magpasalamat ka nga't kahit hindi maganda yung records mo sa sa iyong old school eh natanggap ka pa rin sa bago mung skwelahan tsaka" hindi ko na pinatapos si Tsong, ayoko nang marinig ang mga sermon niya, 48 years na niyang inulit-ulit yan. Tumayo ako at naglakad papuntang hagdanan, nagtatengang kawali akong umakyat sa hagdanan ng bigla akong sinigawan ni Tsong.
"Hoi Hedwig wag mo akong wino walkoutan, wala ka sa teleserye" hopya! bakit sa teleserye lang ba pwedeng magwalkout? Pero kahit na ganoon eh nagpatuloy pa rin ako sa pag akyat papuntang kwarto ko. Agad akong napahiga ng makapasok ako dito, habang nakaharap ako sa kisami, napaisip ako sa mga sinabi ni Tsong " ganun ba talaga kapanget ang mga ginagawa ko?" tanong ko sa sarili. Naalala ko agad ang mga kaibigan ko, sa lunes sa iba-ibang skwelahan na kami papasok. Nung sinabi nilang etratransfer nila kami upang mapaghiwalay ang isat-isa baka magkaroon daw ng direksyon ang mga buhay namin, pag kami ang magkakasama wala dawng mangyayari sa amin, kaya nagdesisyon na ang aming mg guardians. Hindi narin nakipagtalo sa Cookie o si kahit na sino man sa amin tungkol dito, sabi ni Cookie sumunod na lang daw kami, marahil alam niyang wala kaming magagawa pumayag man kami o hindi. Bigla kong naalala ang mga sandaling iyon.
"May tanong ako sa inyo." sabi ni Cookie habang nakaharap sa dagat, gaya ng parati naming ginagawa, hindi kami pumasok ng hapong iyon, nagpunta kami sa may dalampasigan, kumpleto kaming lima Ako, si Cookie, Niko, Tanya at Carl, nagcacause ng confusion ang mga pangalan ng kaibigan ko kaya to let you know, babae po kaming lahat.
"Anu yon?" sagot ni Niko.
Bumuntog hininga muna si Cookie bago sumagot "pagod na ba kayo sa ganitong buhay?" Nagulat kami sa tanong ni Cookie, si Cookie ang kinikilalang leader ng grupo kaya kadalasan siya ang na oopen ng mga seryosong topics, pero ngayon lang siya nagtanong sa amin ng ganito.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Carl.
"Yung ganito" nilingon kami ni Cookie mula sa pagharap niya sa dagat "Yung parati tayong pinapagalitan, parating tumatakbo sa mga problema, iniisip na walang kwenta ang ating mga buhay at higit sa lahat ang pamumuhay na dependent sa realidad ng buhay ang pagkakaroon natin ng parehong ideology na may mga bagay na hindi natin kayang baguhin, kahit na ano pa man ang gawin natin, kaya di natin ito sinusubukan." Matapos niyang sabihin iyon, napuno ang paligid ng katahimikan tanging ang ingay na gawa ng mga alon ang aming naririnig. Nagtinginan kami, sa aming mga tingin ay nagtatanong kami sa isat-isa, natanong ko rin ang sarili ko "Pagod na ba ako?" pero wala akong maisagot sa sarili kong tanong. Pinatay ni Cookie ang katahimikan na ginawa ng kanyang taong.
"Huwag niyo na lang sagutin" nakangiting sabi ni Cookie "sa susunod na school year maghihiwalay-hiwalay na tayo, pero kahit na ganun sana ay wala paring magbago."
"Talagang hindi!" masiglang sagot ni Tanya "magkikita-kita parin tayo" pagkatapos ng sinabi ni Tanya ang naging masigla, maingay at puni ng kulitan ang usapan gaya ng dati.
Habang naalala ko ang mga sandaling iyon, nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso, sa lunes ay hindi na sila ang makikita ko. Kahit na sabihin pa ng karamihan na mga di kanais nais na mga bagay lang ang ginagawa namin pero sobrang pinapahalagahan ko ang aming pagkakaibigan, hindi nila alam ang storya ng bawat isa sa amin. Lab na lab ko talaga sila, siguradong mahihirapan ako nito sa pag aadjust. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone kong nasa side table, nang-eopen ko, ito ang message galing kay Carl.
"I miss you guys :'(" napangiti ako sa message ni Carl, kahit kailan talaga, siya ang pinaka emotional at expressive sa amin.
"Miss ko na rin kayo" reply ko sa G.M niya, kadalasan kaming lima lang ang recipients ng mga g.m namin, group conversation kung baga. Pagkapos nun, nagsidatingan na ang iba't-ibang messages. Hanggang sa matutulog na kami ay hindi pa rin kami tapos sa pagtetext, super chikahan talaga, paano kasi matagal-tagal din kaming hindi nagkita.
"Goodnight Gals :D" text ni Tanya.
"Goodnight" reply ng lahat, pinatong ko sa lamesa ang cellphone, habang nakatingin ako sa kisami, bigla akong napangiti. Para kasing may positive energy lang bigla, na makakaya ko ang challenges na hatid ng pagiging transferee at baka tama si Tsong, na hindi naman talaga impossible ang pagbabago. Nakatulog dib ako agad pagkatapos kung maisip ang mga bagay na yun.
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Teen FictionDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...