COPYRIGHT (c) 2014, April
by GUIANGEEE
ALL RIGHTS RESERVED
_____________________________________
Alam niyo ba yung feeling na....
Yung matiwasay mong buhay na naging magulo, na magiging matiwasay ulit at magiging magulo, na magiging tahimik rin sa huli .... dahil sa mga tanod na naghahabol ng mga nag ra-riot.
Yung katahimikang umingay, na naging tahimik, at naging maingay, na naging tahimik ulit ... all thanks sa alarm clock mong cellphone. -_-
Yung hindi ka na sana napansin ngunit napansin, at dinaldakan ka ng dinakdakan to the highest level pero sa huli, mananahimik rin pala ... langyang aso naman oh!
Sa bawat araw ng ating buhay laging present ang mga pangyayaring paulit-ulit lang. Gustuhin man natin o hindi, oh well, wala ka rin namang choice. That's life
At higit sa lahat ...
Ang puso mong nasaktan ngunit nagmahal, na nasasaktan at nagmamahal ulit.
Parang isang prutas na namumunga sa kaniyang puno, may season at sa hindi sinasadyang pagkakataon, maaring hilaw o sira ang makukuha mong bunga. Ngunit kahit na ganoon ang nangyari, hindi ka naman titigil 'di ba? Hindi, hanggang sa makuha natin ang tamang bunga na magbibigay satin ng kaligayahan at contentment. Kahit paulit-ulit tayong maka kuha ng sirang bunga, hindi parin tayo titigil upang makamit ang isang bungang ating gusto. Kaso minsan, hindi na kagaya ng dati. Kumbaga, ibang bunga na, di gaya nung una. Ganyan naman talaga ang buhay lalo na sa kagaya mong PG, gagawin ang lahat makakuha lang ng bunga. ¤______¤
Anong gagawin mo kapag ang DEJA VU na mismo ang nambiktima sayo?
How far can you go and how long will you reach if deja vu will be the predator and you will be it's prey?
Gosh! Paulit-ulit na lang tayo eh ganun rin naman yun. In-english lang!
Hanggang kailan ko kaya masasabing,
"Mahal kita kaya ipaglalaban ko to."
Mahal ko siya, mahal niya ako ngunit mas mahal niya siya. Siya naman ay nagmamahal din sa'kin na akala ko hindi ko mahal pero mahal ko pala pero mukhang hindi niya na ako mahal dahil mahal niya na siya pero lahat pala ng sinabi ko ay hindi ko rin maintindihan ngunit hanggang sa huli, alam kong may magmamahalan.
O.MY.GEE. Longest sentence in Filipino ba yan?! Seryoso?! Pa ikot-ikot nalang tayo! Pwede ba author, paki linaw naman? Kanino ba talaga nakalaan ang puso ko?!
____________________________________
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________