ELLE MADISSON'S POV
Napatingin ako sa salamin. Ilang araw na ba akong nagigising ng hapon habang mugto ang mga mata?
It's hard to admit that you're not as strong as everyone believes you are.
Ang sakit lang... itinulak niya ako palayo sa kanya kasi, ayaw niya sakin.
Napagdesisyunan kong maglinis ng kwarto. Sa sobrang inis ko kagabi, itinapon ko ang mga gamit na nandito sa bedside table ko.
Nagulat ako ng makita ang heart necklace na sirang-sira na---it's broken. Sayang. Ganun talaga siguro--- Sad things happen.
Hay. Nakailang buntong-hininga na kaya ako? Siguro kung bawat buntong-hininga ko may lalabas na piso, siguro andami na nun. Sapat na para magsimula ng isang sari-sari store.
*beep beep*
Napansin kong may kotse sa labas at base sa nakikita ko, may naglalakad na Junk Food. *roll eyes*
Nandito na naman tayo eh! Palagi na lang siya! Sige siya na talaga! Kina-career niya na! At isa pang nakakainis, sumasama si Stof. Almost daily ngang wala yun eh kasi kasama ni Junk Food. Kaasar! Bakit, si Stof lang ba ang tao sa mundo?! Hindi naman diba? Ba't di niya kaya yayain yung ibang kaibigan niya or pwede ring yung maid, gardener, or whatsoever nila. Kung pwede lang, yung aso niya na lang para wala siyang maabala! Hiyang-hiya naman ako sayo!
Anong akala nila, sila lang ang may karapatang gumala? Ako rin kaya!
Dali-dali akong nagbihis at kinuha ang bag. Sinuot ko ang aking sexy outfit, yung hindi naman masyadong revealing, at dumaan doon mismo sa harap nilang dalawa.
HA! Mainggit ka, flirt!
Para namang nag slow motion ang lahat pagdaan ko with matching hair flip and kembot kembot. Lihim akong napangisi nung nakita ko mula sa aking peripheral view na sinundan nila ako ng tingin. Tumigil ako sa harap ni Stof at tumingin sa babaeng katabi niyang nakatayo, from foot to head, na may kasamang taas kilay pa at sinabi kay Stof na,
"Here's the key. Paki lock na lang kasi GAGALA pa ako. Mauuna na ako, see yah!" - sabi ko sabay halakhak sa isipan.
HA. EAT THAT GIRL! Panalo ako!
---- mall ---
*SIGH*
Nakailang libot na ba ako dito sa mall? Ginawa ko na yatang carousel to eh! Bakit ba kasi ang boring?
Andaming tumitingin sa beauty ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa?
Saan kaya ako nito ngayon? Eh tong outfit ko naman kasi eh, hindi pwede sa arcade. Kung sa national bookstore na lang kaya? Naku, wag na. Nakakatamad magbasa.
In the end by linkin' park, ay este, in the end, umuwi na lang ako dahil masyado nang madaming attention ang nakukuha ko. Mukha ba akong artista?
---- bahay ---
Nag taxi na lang ako pauwi since ayaw nga akong ipa kotse ni mom. Agad akong pumasok sa bahay at tinanggal ang heels ko. It's killing me but for the sake of my pride, I will conquer it, basta matalo ko lang si Junk Food. Bwahahaha. Kita niyo yung mukha niya kanina? Dinaig pa si Mr. Bean! WAHAHA! Ay, oo nga pala, hindi niyo nga pala makikita.
-__________-
"Aaaaaaaw. Don't push too hard. Arrrggh!"
O________________________O
WHAT WAS THAT?! SAAN YUN GALING?! KANINONG MALANDING BOSES NANG BABAE YUN?!
"Fudge, just.take.it.slow!"
SA KWARTO NI STOF?!
"Ano ba? Mapipilay ako niyan eh. Stof, easy."
WHAT THE HECK ARE THEY DOING?!
"Wag ka kasing malikot para hindi ka masyadong masaktan. Just relax, Nova. This won't hurt."
JUNK FOOD?! SA KWARTO NI STOF?!
"Aww! Ouch!"
"Masakit ba? Okay, I'll take it slow. First time ko to Nova, don't expect too much."
"ARRGGGH! FINE!"
"Maybe pwede rin natin tong gawin ulit some other time, yung tayong dalawa lang."
"Just make it faster, Stof para matapos tayo nang maaga."
"Pang-isa pa lang to eh. Later, isa na naman."
"Gosh! Hindi--Aaaww! Hindi ka ba nagsasawa?"
"Never!"
Realization hit me like burning coal. Napaso ako nang lapitan ko ito. Nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig. Ang hirap palang pigilan nang hagulgol kapag nasasaktan ka na ng sobra, yung tipong kakagatin mo na lang ang kamay mo para hindi makalikha ng ingay ang pag hikbi mo. Ganun yun ngayon eh. Ganun yung nangyayari ngayon.
Of all places, bakit dito pa? Hindi ba pwedeng sa iba na lang? Ba't kailangan ko pang marinig? Para ano? Para masaktan ng paulit-ulit?
Si Reil? Ano? Iniwan na rin ng malanding yun?! Dun dapat siya eh! Dun dapat! Eh di sana, wala nang gulo pa, edi sana wala nang nasasaktan pa. Pinapagulo niya lang ang lahat eh. Mukhang lalake na si Stof kanina. So kapag siya ang nag effort effective tapos pag ako hindi?! Kaya ba humantong sila sa kama dahil nabalik niya sa dati si Stof?
Patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. Tahimik akong pumasok sa kwarto ko, sumubsob sa kama, at tinakpan ng unan ang mukha. Ang sakit parin talaga, pizza pie, ang sakit talaga! Ba't ba kasi iniintindi ko pa sila, siya?! Diba nga kasi last na yun?! Nung nasa couch, nung itinaboy niya ako, diba sabi ko nga sa sarili ko last na yun?! Pero ano ngayon, heto na naman ako at parang tangang sinasaktan ang sarili.
NAKAKAINIS! Ang unfair naman ng buhay! Bakit kung kelan gusto ka ng isang tao, hindi mo siya gusto, at kapag dumating yung time na malalaman mong mahal mo pala siya, hindi na ikaw ang gusto niya?! Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa dati? Hindi ba pwede yun, Stof? Mas okay pa tayo nung magkaibigan pa eh, yung tipong nagkukulitan, nagtatawanan, at puro kilig moments lang. Sana nga ganun lang kadali, pero hindi eh, dahil hirap na hirap na ako.
LOVE?! Bakit ba nakaka-frustrate yan?! Anong magic ba ang meron ka at kaya mong magpalabas ng napakadaming tubig mula sa mga mata ng mga nabibiktima mo? Water bender ka ba, huh?!
Pagod na akong masaktan. Ako? Gaganituhin nila? Ako? Sasaktan at paiiyakin lang? NO WAY!
Ang isang ELLE MADISSON YOUNG ay matapang. Walang sino man ang magpapabagsak sakin.
Ganito naman talaga ang buhay eh, Pag may problema, iiyak mo lang tapos tama na. Punas luha. Ayos damit. Suklay buhok. Tapos smile. Tuloy ang ikot ng mundo. Hindi si Stof ang mundo ko, at papatunayan kong kaya ko kahit wala ang presensya niya, na kahit hindi ko siya nakikita, kahit na hindi ko siya nakakausap, kaya ko. Ang isang Elle Madisson Young, may patutunayan.
Ganyan nga Elle, matapang ka, itaas ang noo at ngumiti, makakalimot ka rin.
This will be the very last time, sa susunod, sisiguraduhin kong mabubura ka na sa mga alaala ko, lalong-lalo na sa puso ko, last na to, I swear.
_____________________________________
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________