_____________________________________
ELLE MADISSON'S POV
Hey. What should I do? It's already late and it's almost lunch time. How about malling? Sounds fun huh.
Naks. Ume english si author.
Okay. Off to mall.
Since pag dating ko dun 11:46 na, kumain na lang ako sa Shakewich. Lasagna at Carbonara ang inorder ko. For sure pag labas ng tae ko color white. Ayaw ko naman nun no. Kayo ba gusto nyo?
Kaya umorder na lang rin ako ng coke baka sakaling maging grey.
Pa uwi na ako ng mapadaan ako sa pet shop at nakakita ng puppy at talagang na-cutan ako sa light gray niyang mahahabang balahibo at ang kanyang big blue eyes.
Napaisip tuloy ako, paano kaya kung may pet ako?
Sa kaiisip ko ng pet ay naalala ko yung kasama ko sa bahay. Walangya. Talagang makokonek ko siya sa mga hayop dito dahil hayop naman talaga siya.
Buo na ang desisyon ko, mas mabuti nga talaga kapag may alagang hayop ako. Kesa na man kausapin ko yung wrecking ball sa bahay! Eh walang kwenta yung kausap eh. Sarap ipakiusap sa bato.
Bibilhin ko na sana ang puppy ng biglang may kumalmot sa damit ko na nasa loob ng cage. Biglang na-magnet ang mga mata ko. Kung cute na yung aso kanina, mas cute naman itong pure white rabbit with pink nose and blue eyes. Aba, tisay yata tong rabbit na 'to.
Kinausap ko yung rabbit.
"Oh sige, since pinansin mo ang beauty ko ikaw na lang ang bibilhin ko. Eew kaya pag dog ang laki ng tae kesa na man sayo ang cute cute. Teka, may cute ba na tae?" natatawang pagtatanong ko sa rabbit.
Kaso nagulat ako nung may biglang nag-react. Galit na galit ito.
*arfff!! arfff!!*
Wait! Nakakaintindi ba ng Tagalog tong aso?
*chuckles* "Hindi yan nakakaintindi ng tagalog, miss." biglang may sumabat sa likod ko. Nilingon ko ito at laking gulat ng mapagalamang ito yung malandi kong kaklase.
"Johnny Bravo!" gulat na bulalas ko.
"Yes, it's me." sagot niya naman sabay wink. Tumaas ang kilay ko sa pagkindat niya.
"Are you following me?" masungit na tanong ko.
"Of course not. Ang feeling mo naman." Humalakhak na sabi niya. Napahiya tuloy ako.
"K. Fine." nagsungit sungitan ako para itago ang pagkakapahiya.
"Joke lang. Haha. Sige una na ako. Sumaglit lang ako, nakita kasi kita dito habang naglalakad ako." sabi niya at nauna ng umalis. Aba, di man lang hinintay ang sagot ko. Walang galang!
------- sa bahay -----
Pag dating ko sa bahay, ang loko nandun pa rin! Ni hindi man lang siya naggalaw sa kinaroroonan niya kanina. Nasa sofa parin at nanonood ng TV. Soccer, to be specific. Ano naman kayang meron jan at tuwang-tuwa ang mokong at pasigaw-sigaw pa. Ang boring naman eh.
"Hoy wrecking ball! Nakita mo tong rabbit na to? Wag mong papake alaman kung ayaw mong gawin kong carrots yang daliri mo!" bulyaw ko sa kanya at ipinakita si rabbit na nakalagay na sa kanyang blue cage.
"Wrecking what?! Hoy miss! FYI, wala akong pake sa rabbit mo kaya lumayas ka! Ihawin ko pa yan eh!" naiinis na sabi niya habang nakatutok pa'rin sa TV.
Kung bunutin ko kaya yung saksakan?
Naku, wag na lang. Ang creepy niya pa naman.
"Aba't?! Lokong to ah. Hoy mister Wrecking Ball gumawa na lang tayo ng rules maliwanag ba ha?! Ako ang mag sasabi mag di disagree or agree ka lang ng mapalitan natin!"
Nagsimula na kaming gumawa ng mga patakaran pero puro lang siya reklamo at puro gawa ng patakarang siya lang ang makikinabang. Napaka-parasite talaga!
"Nooo! Wag yan!" pagrereklamo niya sa isang patakarang iminungkahi ko.
"Ano ba, wag ka ngang maarte. Masyado kang pa-chicks!"
After 13632711524790267832 years natapos din ang rules. Nakakainis talaga siya. Sobrang arte, reklamo ng reklamo.
And the rules goes like this:
PA RULES
brought to you by WB and Gorgeous
Rule #1: Kanya kanyang linis ng kwarto. Obviously.
Rule #2: Pag madumi na iniwan ang CR o kung may anong nakakalat, ang salarin ay maglilinis nito for 1 week, everyday or else ipapakain sa kanya ang kalat
Rule #3: Salitan ang paghuhugas ng pinggan everyday.
Rule #4: Ang gamit ko, akin lang. Alangan namang sayo?
Rule #5: Walang papasok sa room na hindi na man kanya kung walang permission.
Rule #6: Every Saturday, Sunday, Holiday, or No Class Day, mag ge-general cleaning ang bawat member ng bahay, sabay. All for one, one for all.
Rule #7: Bawal mag dala ng kalandian sa bahay. Bahay to hindi motel.
Rule #8: Kung sino ang naka sira, siya lang magbabayad. Ano ka sinuswerte?
Rule #9: Hati lahat sa bayad. Kahit na mas tipid ka sa tubig o kuryente, ang hati ay half.
Rule #10: Ang hindi sumunod sa ano mang patakaran sa bahay ay kakasuhan ng The Pa Rule Law na naglalayon na kapag ikaw ay sumuway, ikaw ay isasabit, hihilahin, ilalambitin, iiikot ikot, ihahampas, at sasaksakan ng bumbilya na parang PA RULE (parol). Kung sino man ang tatakas o magtangkang tumakas sa hatol na ito ay hindi lang Pa Rule ang aabutin kundi ito ay magiging human airplane. Tutupiin ito at ibo blow ng big turbo fan na parang paper plane at paulit-ulit na ipapahampas sa pader.
P.S. May yaya. Siya ang magluluto, maglalaba, maglilinis kay rabbit, tapos uuwi sya. Tayo? Hati bayad.
Note: Love yourself dude!
legally signed by:
@#$#@#&@
Ms. Gorgeous
DUMBWAYSTODIE
Mr. WB
- end of contract -
Kumunot ang noo niya at sinimangutan ako.
"Grabe ang harsh mo naman!" - WB
Tinaas ko ang kaliwang kilay ko sabay sabing,
"Syempre maganda ako eh!" - me
"Ano connect?" pagkokontra niya pa.
"Kasi panget ka." matalinong sagot ko.
Nagkatitigan kami ng masama.
"Whatever!!" sabay na singhal namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________