CHAPTER 47: JUST LIKE MONEY

19 3 0
                                    

ELLE MADISSON'S POV

Another day, another tiring day. Nakakapagod mag-aral dahil makikita ko lang si Reil, madadagdagan na naman ang problema ko. Ayoko na ng gulo, sobrang nakakapagod na. -_- Sabi nga nila, madaming isda sa dagat. Baka mabingwit ko pa si nemo pag nagkataon. Hindi naman kasi ako kagaya ng desperadang babaeng yon.

Mahirap din pala kapag nakasanayan mo ng may sumusundo sayo, well, wala akong magaggawa, magsosolo flight muna ako.

Wala naman kaming ginawa masyado bukod sa kakadakdak ng mga professor namin. Wala na bang mas boboring pa dun? Naman oh! -_-

Lunch na pala ngayon kaso ayokong tumambay sa canteen. Bakit ba? Eh sa ayaw ko eh, anong gusto niyo, tumambay ako dun tapos pagchichismisan nila ako? No way! Ang beauty ko hindi pang chismis lang! For sure alam na ng buong campus na hiwalay na kami. Buti na lang at ako ang nakipaghiwalay, ligtas ang pride ko. Pansin niyo bang palagi akong nagagalit kapag napapahiya ako? Oo na, fine, aamin na, masyadong mataas ang pride ko at yan ang rason kaya hindi ko magawang magsorry sa ibang tao. Eh sa nakakahiya eh! Kayo kaya!

Napagdesisyonan kong bumili na lang sa canteen at kumain sa ibang place. Gusto ko sana sa rooftop kaso naka lock naman. Gusto ko rin sa soccer field pero may nagpa practice doon at kasalukuyan silang kumakain sa ilalim ng puno doon sa gilid ng field. Nakakahiya naman kung makikisali pa ako doon. Sa garden na lang siguro, wala namang pumupunta doon eh. You know, students nowdays, hindi na mahilig sa garden.

Hindi pa lang ako nakakapasok sa mismong garden eh may narinig na akong nag-uusap. Ayokong mag eavesdropping pero sadyang pinanganak akong chismosa. -_- Buti nalang hindi nila ako napansin.

Akala ko pa naman kung ano na, sila Reil lang pala. -_- Ngayon nagsisi nga ako kung bakit pa ako nagpunta rito. Eh sa dinami-dami ng lugar bakit dito pa nila napiling pumunta?! Aalis na sana ako kaso bigla akong napahinto nung may narining akong isang bagay na may kinalaman sakin.

"Hi, bros!"

Sa tingin ko, marami sila. Malamang, broS eh, plural.

"Pre, tapos na ba ang mission mo?" ang lalim ng boses nung nagsalita.

"Yes, pero hindi pa actualy tapos na tapos. Alam niyo naman yun diba?" - si Reil?

"Hahaha! Okay, okay! Good luck pare! Gusto ko yan!" - sabi naman nung cute ang boses.

"Bros, paano ba yan? Akin na! Ibigay niyo na!" - Reil

"Ang alin?"

"Tae! Nagmamaang-maangan pa kayo eh! Dali na! Wag naman ganyan! Pinaghirapan ko si Elle eh!" - Reil

At ano namang kinalaman ko doon?

"Huhuhuhu! Yung IPhone ko!" - Guy1

"Yung motor ko! Geez!" - Guy2

"Okay lang, marami naman akong pera." - Guy3

"Alam niyo bros, hindi ko naman kailangan ang Iphone at Motor niyo, may ganyan din naman ako ah!" - Reil

"Yesss!" sabay pa na sabi nung dalawa.

"Anong yes? I coconvert ko yun sa cash! Akala niyo maiisahan niyo ako? Dali na, 75, 000 para sa pera, 60 000 para sa IPhone, 200 000 sa motor. A total of  335, 000. Ano may angal? Calculated na yan dati pa!" - Reil

"Angas mo talaga pre! Akalain mo, yung babaeng madami ang naghahabol nadali mo?"

"Siyempre, iba na talaga pag gwapo!" - Reil

"Hangin mo bro! Basta, iba ka talaga!"

"Sinaktan mo ang crush ko" seryosong sabi nung isa.

"WHAT?!" sabay na sigaw nung tatlo, including Reil. Apat sila lahat.

"Joke lang! HAHAHAHA! Past is past!"

"Ha.ha.ha. Funny."

"Ah basta, yung pera ko ah!" - Reil

"Oo na, oo na! Wag kang atat! Mukhang pera!"

"Hoy! Hindi ako mukhang pera! Wala lang talaga akong trip. Actually, alam niyo naman ang rason diba? Hindi naman to para sa pera, nadagdag lang ang pera, pero ayos narin! Hahaha!" - Reil

"Oo na! Gusto mo ipa Cebuana ko pa eh!"

"O kaya ipa Western Union!"

"Ipa LBC pa!"

"Ewan! Basta ang importante mabigay niyo! Hahaha!" - Reil

"Oo na, basta libre mo kami sa bar!"

"Fine, babaero." - Reil

Pinagsisihan ko kung bakit pa ako nakinig, mas nagagalit lang ako.

Kakausapin ko dapat si Reil pero nakakapagod. Mapapahiya lang ako. Magmumukha akong humahabol sa kanya. No way! Kaya ite text ko nalang sa kanya.

To Reil:

Sana sa umpisa pa lang sinabi mong pustahan lang pala. Para sa magkano? 335 000 ba kamo? Barya lang yan sa akin. Kung pera lang naman pala ang habol mo, sinabi mo sana. Alam mo yun? Hindi naman ako kuripot, ilibre pa kita jan eh!

- end of text -

Kabanas! Dapat di nalang ako pumunta doon. Nasayang lang ang oras ko, ayan tuloy, hindi pa ako naglu lunch! Gutom na akoooooooo!!! Pumunta nalang ako sa canteen, wala ng ibang place eh.

Pumila na ako at bumili ng napaka rami. Yung cashier nga ang weird kung tumingin. Eh sa pake niya kung madami ang kainin ko? Stress ako eh! Sexy parin naman ako!

Umupo na ako sa nagiisang bakanteng table sa gilid. Kaso kainis, dinagdagan pa yata ang pagka BV ko. May malandi lang naman akong nakita.

"Hey Stof, remember dati? That time when we were bored. We're classmates back then and I asked you to sing for me. You were always bringing your favorite guitar which I gave you. Can you please sing me that song? You were singing that whenever I'm sad. Please?"

"Nova, *AHEM* you know the situaion right? *AHEM* mahirap."

"Please?" at nag puppy eyes pa ang malandi. Nakakainis talaga! Akala mo kung sino! Lahat nalang ng tao! Lahat nalang ng lalake!

"Fine. *AHEM* Pasalamat ka depressed ka. Basta ba sabayan mo ako."

"Thanks."

"*AHEM . AHEM*

~ It's not about the money, money, money

We don't need your money, money, money

We just wanna make the world dance,

Forget about the price tag

Ain't about the (uh) cha-ching cha-ching

Ain't about the (yeah) ba-bling ba-bling

Wanna make the world dance,

Forget about the price tag (OK) ~"

"You can do it pa naman pala."

"Nova, ssshhhh!"

"Fine."

At talagang nag duet pa sila? Aba't! Papansin yata tong Junk Food na to! Alam ba nilang nagiging center of attraction na sila?! At may pa blending-blending pa sila?! Well, oo na! Aaminin ko, maganda nga ang boses ni Junk Food, pero marunong din naman ako ah!

Naiinis ako! Pinakawalan ko na nga si Reil diba?! Bakit lumalapit pa siya kay Stof?! Diba dapat masaya na siya?! Sa aking inis ay minadali ko ang pagkain at umalis na.

Kainis, lahat na lang ba ng ma eencounter ko ngayong araw ay pinapamukha sa akin na I am just like money? Na pera lang ang kapalit ko? Na pera lang ang habol niya?

Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon