CHAPTER 20: ANOTHER SIDE OF HIM

14 3 0
                                    

Mahabang update. Masipag ako eh. Paminsan-minsan. ;)
_____________________________________

ELLE MADISSON'S POV

7 AM pa lang nung umalis kami galing sa Heaven's Resort. Nag bus lang kami. Akala ko pa naman sa cute na van kami sasakay pero papunta lang pala sa resort ang binayaran nila. Natatakot nga ako dahil madami akong nakikita sa news na nadidisgrasyang bus. Buti na lang talaga mabagal magpatakbo si manong driver.

*punch punch punch punch punch*

"Ticket nyo po ma'am."

Ako kasi yung nasa left side kaya sakin binigay. Patay...

"Magkano po?"

"Ay, ma'am pakibasa na lang po jan sa ticket nyo."

"Ah, pasensya na ha. I don't want to sound rude but how can this thing be read if you already---"

"A-ay, pagpasensyahan nyo na po to, malabo lang po ang mata nya." natatarantang sabi nitong lalakeng katabi ko.

"Sige po." naguguluhang sagot nung kunduktor. Pati ako naguguluhan din.

"At kelan pa naging malabo ang mata ko? ha?"

"Eh kasi naman, ganito naman talaga ang ticket ng bus, butas butas. Eh hindi ko naman alam na hindi ka pala marunong nito eh." sabi nya sabay kamot sa batok.

"Ah ganun ba? Pasensya na." nahihiyang sabi ko. Nagmamagaling kasi ako, yan tuloy napahiya ulit. Di bale maganda naman ako eh. Kayo na ang bahalang umalam ng koneksyon ng pagiging maganda ko.

"Ok lang yun nuh." sabi nya.

"Ayaw lang naman kitang mapahiya eh." mahinang sabi nya na parang nahihiya pa.

"Ha?" kunwari di ko narinig.

"Wala naman." nakangiting sabi nya.

At dahil ngumiti sya, alam nyo na kung sino. Si Reil. Alangan naman si WB? Lagi kaya yung naka busangot.

Almost 11:30 na nung makarating kami. Ganun ba talaga pag bus, matagal?

Kumain muna kami sa isang karenderya at nagkanya-kanyang uwi na rin kami. Kasabay ko na naman si WB. Kahit na ang yayaman namin, marunong rin naman kami makisama gaya ng isang common citizen.

"Hey!" bati ko.

"Hey!" bati ko ulit.

"HOY!" dedma na naman ulit. =_=

"Yohooo? Earth to Stephen?"

"It's Stephenson." WB

"Eh bakit yung friends mo ang tawag sayo Stephen?" ako

"Kasi close kami, tayo hindi." WB

"Galit ka ba?"

Don't tell me galit padin sya dahil dun sa pagtaas ko ng boses sa kanya nung kumakain kami dito sa bahay bago umalis papuntang resort? Ang O.A. ha! OW.EY! Psh >_<

"Ewan ko sayo." ang cold nya. Galit pa nga talaga sya.

"Bati na tayo, please?" ayoko ng makonsensya kaya kailangan naming mag bati.

"Pleaseee... " *puppy eyes + pout*

"Aish!" pumasok na sya sa room nya.Hay. Ang arte talaga!!

"Hoy, ano ba! Lumayas ka nga sa tabi ko!" WB

Humiga kasi ako sa kama katabi sya. Hahahahaha.

"Bati muna tayo."

"No, kaya umalis ka sa tabi ko!" matigas na sabi nya. Pasensyahan, mas matigas yata ang ulo ko.

Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon