ELLE MADISSON'S POV
Buong gabi akong nag-isip at inabutan na ako ng umaga kakaisip. Sumisikat na nga ang araw nung nakatulog ako at ngayon ay 3 PM na. Lumabas ako at nag-order. Kumain ako at by 5 ay natapos na ako. Humarap ako sa salamin at nag-ayos.
"Kailangan kong maging kasing ganda ni Venus mamaya." sabi ko sa sarili ko habang nagpo-pose sa harap ng salamin.
---- 7 PM ---
"It's about time to start the show." sabi ko sa sarili ko at nagsuot na ng nightvision glasses.
"AAAAAAAAAAY!!"
Nakarinig ako ng tili ng isang bakla sa kabilang kwarto. Siguradong nagtataka na si Stof ngayon. Nagtataka siguro kung brownout ba pero mare-realize niyang samin lang may brownout. *wink*
Pumasok na ako sa kwarto ni Stof.
"AAAAAAAAY!!"
... at tumili nga siya ulit---ng pang malandi. >______>
Biglang umandar ang speaker at nagpatugtog ng "The Show"
"AAAAAAAAY!! CREEPY! HUHUHUBELLS!!" at sa pangatlong pagkakataon po madlang people, ay tumili nga siya.
Creepy? Eh ang cute nga nung song eh. Kapag madilim at may tumugtog creepy na agad? Hindi ba pwedeng ako muna ang may pakana? *wink*
Teka, mukhang kanina pa ako wink ng wink eh. Baka maubos ang oras ko kakawink niyan.
~ My anaconda don't, my anaconda don't
My anaconda don't want none unless you got buns, hun ~
Tama kayo, sasayawan ko nga siya ng anaconda. YUUUUCK NGAAA!! Pero ito ang mabisang paraan para malaman kung may katiting pa ng pagkalalake sa dugo niya. Nagsuot pa naman ako nung parang sa music video ni Nicki Minaj kaya dapat lang na maappreciate niya to.
~ My anaconda don't, my anaconda don't
My anaconda don't want none unless you got buns, hun ~
"Stof." tawag ko sa pangalan niya habang patuloy siyang sinasayawan. Babae ako pero nag e-effort ako? So what? Eh para naman sa taong mahal ko eh---
"Stop it, Elle."
O___________________O
LALAKE ANG BOSES NIYA!! LALAKE!!! MUKHANG EFFECTIVE ANG NAGING PLANO KO! WOHOO!
"Stof, teka, nabibingi lang ba ako?! Pwede mo bang ulitin?!" nakawide eyes na sabi ko habang niyuyugyog ang balikat niya. Finally! Eto na yun! Lalake na siya! Ang saya saya ko!
"I said stop it."
"Why?" I asked excitedly. Gusto kong marinig mismo sa kanya na lalake na siya at magiging masaya na kami.
"Because you're degrading yourself too much. You don't have to akit-akit someone para lang maging sayo siya. You know girl, wag mo ng gagawin yan. Nakakahiya."
"Ano bang nakakahiya sa ginawa ko? Nag effort naman ako ah?"
sabi ko habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha, habang pinapakalma ang sarili ko.
"No. You don't have to go that far, that's too much."
"Too much?! Too much?! Anong magagawa ko eh ganun eh! Kasi too much ang nararamdaman ko para sayo. Too much akong nasaktan dahil too much akong nagmahal. Ngayon pati effort ko too much pain parin ang kapalit? Letcheng too much na yan?! Akala ko okay na eh! Akala ko okay na tayo. Akala ko maaappreciate mo dahil nag effort ako pero grabe ka naman makapagsalita. Hindi mo man lang ba naisip na pinagpuyatan kong practice-an at pag-aralan yan? Nakakahiya ba? Oo, nakakahiya dahil malaswa pero sayo ko lang naman yun ginawa dahil I want to win you back! Ano bang mali dun?!"
I said as I burst out.
"Elle, kalma ka lang."
"Kalma?! Sige nga, sabihin mo nga sa akin kung paano mapapakalma ang nasasaktang puso?!" sabi ko habang tinuturo ang left side ng chest, kung saan naka locate ang puso ko.
"Sorry." sabi niya at yumuko.
"You don't have to be sorry, Stof. Mahal kita and there's nothing to be sorry about that."
"M-mahal m-mo a-ako?!" he said, shocked.
"Hindi pa ba obvious? Nag e-effort ako, nagpapapansin, naghihintay ng matagal para lang maka-chat ka sa facebook, inii-stalk ang network accounts mo, nagca-care, at higit sa lahat nagseselos ako! Ganyan ka ba ka manhid ha Stof?!"
Inaasahan kong sasagot siya ngunit tinignan niya lang ako. Wala man lang bang 'I love you too' jan?
"Stof? Mahal mo ba ako?"
Sumagot ka please.
"Sigurado ka bang love moko? Baka naman kasi ginagawa mo lang akong panakip-panty. Remember girl, kababago niyo pa lang nag break ng ex-jowa mo, ang bestfriend ko."
Ganun? Ganun ang tingin niya sakin? Oo, alam kong ang hirap paniwaalan pero I am 100% sure, mahal ko siya kaya ako nasasaktan. Kailangan niya ba talagang umabot sa punto na magda-doubt siya sa nararamdaman ko? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para mapatunayang mahal ko siya?
Napatulala ako ng dahil dun. Hindi ko na alam kung ano ang dapat sabihin. Natatakot akong kapag nagsalita ako ay baka husgahan niya na naman ako. Kung ibang tao pa yan malamang wala akong pake alam pero si Stof yan eh, ang taong mahal ko.
"Stof, mah---"
"THERE'S NO US. THERE'S NEVER BEEN US KAYA WAG MO NA AKONG LANDIIN." sabi niya sabay tulak sakin palabas ng kwarto niya.
Napaupo ako sa sahig kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
*knock . knock*
"Stof, let's talk, please?"
"No. Walang dapat pag-usapan."
"Stof, open the door, please?"
"......."
"Stof, alam kong nakikinig ka. Papasukin mo naman ako oh? Usap tayo."
"......."
"Ano ba Stof?!"
"......."
"BUKSAN MO NGA TO STOF!"
"Why are you shouting, huh? ANO BA KITA?"
Natigilan ako ng dahil dun. Kapal naman ng mukha kong magdemand na pagbuksan niya ng pinto. Oo nga naman, ano niya ba ako? Housemate? Classmate? Schoolmate? Seatmate? Friend? Oo nga naman, there's never been us kaya ba't ba ako nag-iinarte?
"Bahala ka." mahinang sabi ko sa sarili pagkatapos ay pumasok na sa kwarto ko at magdamag na umiyak.
He doesn't even care kahit na nasasaktan niya na ako. I guess yun na nga ang sagot, he doesn't love me back. *bitter smile*
_____________________________________
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________