ELLE MADISSON'S POV
Badtrip na badtrip ako kanina kaya umuwi na lang ako. Nakakainis talaga yung Junk Food na yun! Nasa kanya na ang lahat! Siya na talaga! Siya na!
Napasilip ako sa bintana ng bahay. May mamahaling kotse na nag park sa harap.
"Bye, Stof! Thanks for today!"
"No problem baby girl."
Agad akong nagtago, ayokong makita nila ako. Ang isang Elle Madisson Young ay hindi talunan
Pagkatapos ng mahabang goodbyes nila, nagbeso-beso pa sila at talagang baby girl ang tawag? Ba't may ganun pa?
At talagang si Junk Food pa ang pinagdrive? Si Stof nga naman. Stof will always be Stof, ang lalakeng arogante at walang kagentleman-gentleman. Sa lahat ng nangyari ngayong araw na to, nagawa ko pa talagang punan yun? Napatawa ako ng mahina sa isiping yun.
"Hi, Stof! ^_____^"
Nagkunwari nalang akong walang nakita. Na kunwari, walang nangyari.
"Hi."
"Ba't ang tipid mo magsalita?"
"I am who I am."
"Kahit one complete sentence o one dependent clause man lang tinatamad kang sumagot?"
"*shrugs*"
"H-hoy, t-teka!"
"What?"
Dapat bang sabihin ko pa sa kanya ang mga nararamdaman ko? May halaga pa ba? May mangyayari ba? May magbabago ba?
"W-wala. Sige, bye."
Sabi ko at tumalikod na. Ni hindi niya ako pinigilan, ni hindi niya ako kinulit, di na kagaya dati.
WALA--Isang salita ngunit madaming ibig-sabihin.
Gusto kong sabihin na mahalaga siya para sakin ngunit anong mangyayari? WALA.
Gusto kong tanungin kung bakit ang cold niya pero may makukuha ba akong sagot? WALA. Ang sasabihin niya lang naman ay, 'I am who I am.'
Gusto kong tanungin kung bakit ang tipid niyang magsalita, kung nasisira na ba ang mga saliva glands niya, pero may matino ba siyang isasagot? WALA. Baka nga mamilosopo pa yun eh, or worse, hindi sasagot. Mukhang mas okay pa yata ang first option.
Gusto kong tanungin kung bakit bigla-bigla siyang nagbago, ngunit maibabalik ba ang dating Stof na nami-miss ko? May magbabago pa ba? WALA.
Gusto kong tanungin kung bakit ang close nila ni Junk Food, kung bakit magkasama sila nung araw na yun, kung anong mga ginawa nila, kung bakit hindi pa bumabalik kay Reil yung babaeng yun, kung bakit ang bait-bait niya sa kanya, kung bakit nginingitian niya ito, gusto kong malaman kung bakit, pero may isasagot ba siya? May lalabas bang salita sakin kung sakali mang magtanong ako? WALA.
Gusto kong tanungin na kung baka sakaling mag-away kami ni Junk Food sino bang aawatin niya at poprotektahan niya? Paano kung hilingin kong awayin si Junk Food,papayag ba siya? Magagalit ba? Gusto kong malaman kung bakit siya pa, bakit hindi pwedeng maging ako? Gusto kong malaman kung anong meron ba't palagi nalang siya ang napapansin at binibigyan ng importansya? Pero may malalaman ba ako? Kung sakali bang malaman ko, may maggagawa ba ang pagtatanong ko? WALA.
WALA akong maggawa kundi mag-isip. Yung feeling na ang sarap sakalin nung babaeng yun hanggang sa lumabas ang pharynx at larynx niya hanggang sa esophagus at bronchioles. Yung feeling na ang sarap niyang ihulog sa top floor ng mall nung nakita ko sila kanina. Yung feeling na ang sarap sumbatan ni Stof, kung bakit sinabi niyang gusto niya ako pero yung babaeng yun ang palaging nakakakuha ng atensyon niya. Oo nga pala, gusto lang niya ako at matagal na yun. Napangiti ako ng mapakla. Yung feeling na ang sarap sugurin nung babaeng yun, kaso naalala ko, wala nga pala akong karapatan.
Akala ko okay na ang lahat kasi naka get-over na ako sa ginawa ni Reil eh. Akala ko ang pinakamalalang mangyayari sa buhay ko ay ang maloko ako ng isang lalake ngunit hindi pala. Mas malala pa pala ang sitwasyon ko ngayon kung saan hindi mo masabi ang nararamdaman mo kasi hindi na pwede. Mas malala pa pala yung harap-harapan mong makita ang lalakeng mahal mo na may kasamang ibang babae habang masaya sila. At ang mas malala? Si Junk Food yun, at wala akong laban kahit na mas lamang ako sa halos lahat ng aspeto, kasi talo naman ako pagdating kay Stof.
Oo, mahal ko siya sa simula pa lang. Masyado akong napabulag sa standards and requirements ko. Sometimes, the right person was there all along, but you never saw them because the wrong person was in the way. Ngayon ko natutunan na kapag nagmahal ka, hindi na pwedeng mag back-out kasi kapag mahal mo, tanggap mo. Akala ko dati special lang siya sakin. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Nung nakita ko silang dalawa nung babaeng yun, aaminin ko, nasaktan ako. Dun ko narealize na mahal ko pala siya, kaya ako nasasaktan.
Kung sakali bang may pagkakataon, masabi ko kayang mahal ko siya? Magkakaroon ba ako ng lakas ng loob? Sa tingin ko, WALA.
WALA--Isang salita ngunit andaming kahulugan.
He ignores you, but you like him.
He did nothing, but you fall for him.
You miss him, even though you knew he never thought about you.
Dati lang ako may halaga sa kanya, ngayon wala na.
Ganito pala ang pakiramdam kapag hindi ka pinansin ng taong pinapahalagahan mo ng sobra.
Ngayon alam ko na ang kaibahan ng kamahalan sa prinsesa. Maaaring mas maganda ngang pakinggan ang prinsesa, ngunit ang ibang prinsipe, hindi naman mahal ang prinsesa nila. Kamahalan? Kahit anong gawin mo, nandoon at nandoon parin ang salitang ugat na MAHAL at kahit pagbaliktarin man ang mundo, ang salitang ito ay hindi mabubuo ng walang pinaguugatan na pagmamahal.
_____________________________________
STOF STEPHENSON'S POV
Ginulo-gulo ko ang magandang buhok ko, nakakairita talaga!
I DON'T KNOW! GULONG-GULO NA AKO!
Hindi na ako sure sa mga nararadaman ko at dapat kong gawin.
Alam kong galit siya pero I hope na maintindihan niya that I distance myself from a person with a reason.
Kaloka, teh!
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________